Sumunod nalang ako sa kanya. Sa may isang store lang kami bumili ng damit. Pag kalabas ng starbucks. Actually yung dating DC cupcakes. Nakakainis na nga e. Namimiss ko yung Shop namin.

Napaka epal kasi si Manager Chan, Hoho. Nag sigawan ng sila nina Ailee sa bahay non e, Dahil lang sa Dc Cupcakes.

Anyways ...

Nagulat ako sa nakikita ko. Napatigil ako sa paglalakad.

Nang makita ko si Je na may kasamang babae sa Starbucks. Nainom sila ng Frap at nakain ng Donuts. Ang sakit.

Si B2 may kasamang babae. Si B2 na mahal na mahal kong tao may kasamang babae. Bakit ganito? ang sakit talaga! Napaka sakit.

" Hey! are you ok? " tanong sa akin ni Enson while snapping his fingers sa harapan ko. I shaked my head saka tumingin sa kanya.

" yeah tara " sabi ko ay naglakad nalang ng nabilis.

Pumasok na kami sa loob ng Starbucks. Nakita ko din sina Ken na nasa may dulo nakatingin sa akin siguro dahil tinuturuan nila si Je na mambabae.

" Ah! Hi Klyd. " sabi ni Je sa akin. Tinanguan ko lang siya ng walang kangiti ngiti sa mga muka ko. Umupo ako sa tabi ni Je. Si Enson naman sa tabi nung babae na nalandi sa mahal ko.

" Sino siya? " tanong ni Enson sa babae.

" Ah. Si Je. Hahaha. Nakakatawa nga siya e. Ang dami niyang kinukwento sa akin " sabi nung babae tapos hinampas niya si Je ng mahina sa balikat. Landi.

" Ano nga pala pangalan mo? " tanong ko don sa babae. Medyo hindi maganda yung tono ng boses ko kaya naman napatakip ako sa bibig ko.

Nanlaki naman yung mata nung babae. Nagulat ko ata. " Oh. Wag ka magselos, friend lang niya ako nung mga panahon na nag seselos ako sayo " huh? nag seselos siya sa akin.

"Hey! Watch your mouth. " narinig ko na sabi ni Enson sa kanya. Tumingin naman si Enson sa akin.

" She's Lia my -- " npatingin ako kay Je na nag salita. Hindi ko na siya pinatapos.

" Aalis na ako. " sabi ko sabay takbo sa labas. At nag para na ng Tricycle. Hindi lang man ako pinigilan.

Ayoko lang kasi na marinig ko galing sa kanya na Girlfriend niya yung Lia na yun. At parang kakilala pa ni Enson.

Ito na ata ang nag papahiwatig na bawal na ako magmahal. Bakit napakasama ng Diyos sa akin?

Iyak lng ako ng iyak hanggang sa makarating na ako sa Bahay. Hanggang sa may nakita akong babae na lumabas ng bahay. Nagtitigan pa kami. Hindi to maari si Ate Aireen yun.

Pumasok ako sa bahay. Nakita ko si Nathan na umiiyak sa kusina. Nilapitan ko siya.

" Anong nangyari Nathan? " tanong ko habang tinatapik siya sa likod. Hikbi kasi siya ng hikbi eh. Naaawa ako sa kanya.

" Hindi ko kasalanan Klyd. Hindi, wala akong kasalanan. Hindi ko alam. Klyd. Sabihin mo kay Ailee sorry at mahal na mahal ko siya " sabi niya sabay tayo at lumabas ng bahay. Nakatitig lang ako sa pintuan hanggang sa may narinig ako na ingay.

" IHATEEEEETHEEEEEEEEEEEEEEM!!!! "

Ailee's POV

" Yung boses mo naman. Ok lang yan malay mo naman may dahilan kung bakit hindi sinabi ni Nathan sayo " sabi ni Jayle sa akin.

" Eh kasi naman nagtatago pa siya. Mas ok sana kung sabihin na niya sa akin noon pa. Para hindi na ako masasaktan. " sabi ko sabay pout. Napailing iling naman si Jayle.

Andito kami ni Jayle sa kwarto nila ni Elle. Ginagamot niya yung hiwa ko. Napakatanga ko kasi e. Ay? Tanga ba tawag doon? Eh nag seselos ako -_____-

Bigla namin narinig yung pintuan na bumukas. Kaya napatingin kami ni Jayle doon.

" Ailee. Mahal na mahal ka daw ni Nathan. Sorry daw. Naawa ako sa kanya. Iyak siya ng iyak doon sa kusina kanina. Ano bang nangyari? " nakita ko sa muka ni Klyd na sobrang lungkot niya. Kaya napatungo nalang ako.

" Yung jowa nito. Ex pala ng demonyita niyang kapatid. " sabi ni Jayle. Napatingin ako kay Klyd. Nanlaki yung mga mata niya.

" Kaya ba pumunta dito yung kapatid mo? " Mata ko naman yung nanlaki. Sabay tango sa kanya. Umupo si KLyd sa tabi ko. Sabay tingin sa sugat ko.

" Anyare naman jan? " nginuso niya yung sugat ko. Umiling iling naman ako " Katangahan ko " sabay kuha nung isang unan ni Jayle at niyakap.

" Dahil sa selos? " Napatingin ako kay Klyd at tumango ng onti lamang. Nakita ko naman siyang ngumiti at naluluha na yung mga mata niya.

" Ano ba yan? Umiiyak na kayo! Nakakainis naman. Wala akong alam sa mga love love na yan e! Sige na nga magbabasa nlang ako. Klyd si Ailee ha. " sabay labas ni Jayle. San punta non?

" Nagseselos ka din ba? " bigla kong tanong kay Klyd.

" Oo. " tipid niyang sagot.

" Kanino naman? Dahil kay Enson o kay Je? " tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko.

" Malamang sa lalaking mahal ko. Si Je. " ngumiti naman siya pero nakikita mo na parang walang gana yung ngiti niya.

Naawa ako kay Klyd. Huhu. Wala kaming gagawin kundi damayan ang isa't isa -____-"

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now