Chapter 16 ~ I love you (Last Chapter)

3.9K 66 1
                                    

Last Chapter :)))

----------------------------------------------------------

Reyson's POV

Sabi nila kapag may tiyaga, may nilaga at ako naman kapag may tiyaga, may Jovielle ako. Nag-iba na lang bigla ang ihip ng hangin, nung inaya ko siya manood ng concert ng Paramore hindi na ako umasa na sasama siya sa akin, pero isang text message ang nagpatalon sa akin 'Okay, sunduin mo na lang ako sa bahay.' Dahil sa sobrang saya ko that time, nilibre ko lahat ng empleyado namin ng lunch.

We keep seeing each other although tapos na ang concert ng Paramore. I'm not sure if we were dating, all I know is when I am inviting her for lunch, dinner even meryienda lagi na siyang free kaya lagi ko siya nakakasama. Alam ko may nangyari sa amin noong lasing ako pero hindi ko na inu-open kasi baka mailang siya sa akin.

Grabe ilang years din ang tiniis ko para sa happiness ko? Kaya sa tingin ko, the long wait will be ended soon. Yung ibang barkada ko may mga anak at asawa na tapos ako heto kahit girlfriend wala, pero sisiguraduhin ko siya ang magiging Mrs. Fuentes ko.

Katulad ngayon kasama ko na naman sya, papunta kami sa engagement party ni Aleona. Ang malas ng mapapangasawa nito ni Aleona, sigurado ako malakas manampal yan kasi ang lakas makapalo ng bola eh.

"Andito na ba tayo?" tanong ni Jovielle ng itigil ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Aleona.

"Yup, let's go?" she nodded.

Bumaba na kami at nauna siya maglakad papuntang loob, ang ganda niya kahit na katalikod, naka red dress siya tapos yung takong ang taas ayan tuloy halos magkasing height na lang kami. Hinabol ko naman siya pagkatapos kong titigan ang likod niya at nilagay ang kamay niya sa may siko ko, yung parang escort niya ako. Parang kanina pa ata nag-umpisa kasi pagpasok namin nakuha namin ang tinginan ng mga tao, instant celebrity agad. Binibigyan naman kami ng Finally-sila-ulit look ng mga barkada namin kaya hinila ni Jovielle ang kamay niya. Nahalata naman ata ng mga tao na hindi kami yung bida dito sa engagement party kaya binalik nila ang tingin nila sa mini stage at kami naman ay umupo sa table nila Jean.

"Why are you late tita ninang?" tanong agad ni LJ sa kakaupo lang na si Jovielle.

"May tinapos pa ako baby eh." tumayo naman sa pagkakaupo si LJ at kumalong sa Mommy niya na katabi naman ni Jovielle.

"Akala ko late kayo kasi you're having a date with tito Maw." bulong ni Liahona na dinig namin.

"Ssshs. Liahona quiet!" tinakpan naman ni Jean ang bibig ng anak. Nakita ko naman namula ang buong mukha ni Jovielle.

Natapos ang kaunting salita ng soon to be couple, naiyak nga si Aleona sa message na binigay ni James. Ganun ba talaga ang mga babae kapag masaya umiiyak. Pero yung pag iyak ni Jovielle noon ay hindi dahil tears of joy kundi tears of pain dahil sa akin. Sana man lang napasaya ko siya noon.

"Congrats sa inyong dalawa." bati ni Alyssa sa magfiancee na nakaupo ngayon sa table namin. Siya yung kaibigan ni Aleona na kalaban niya naman pagdating sa court.

"Salamat Baldo." they both laughed. Close talaga sila. Ipinakilala naman siya sa amin, si Jean parang na starstruck, number one fan daw siya ni Alyssa nung nag vovolleyball pa ito.

"Grabe kung magbanatan kayo sa court tapos super close pala kayo outside the court." sabi ni Jean at tumawa naman sila.

Nagkwentuhan lang kami ng mga kung anu-ano at unti unti namang umalis na yung mga bisita. Lumalim ang gabi at medyo may tama na rin ng alak ang iba at pati na rin ako.

"Mommy I'm sleepy." pag-angal ni LJ sa tumatagay ng champagne.

"Yaya, mauna na kayo sa sasakyan. Susunod na lang ako." agad namang kinarga si LJ nung yaya niya at umalis. Tumayo naman na si Jean.

Mr. MVP is my FiancéWhere stories live. Discover now