Chapter 12 ~ The revelation

3.1K 48 0
                                    

Chrismar's POV 

I didn't expected na mangyayari ang hindi inaasahang aksidente kay Jovielle, all I know is that she's really amazed what Reyson did, that surprise proposal thingy kaya umalis siya ng walang paalam, akala namin na overwhelmed siya kaya kailangan niya para mapag-isa.  

"Ano ba talaga nangyari?!!" ayan laging lumalabas sa bibig ni Jean for the whole 1 week na andito kami sa ospital. Yes, one week na ang nakaraan and still unconscious pa rin si Jovielle at hanggang ngayon hindi namin alam kung ano nangyari at naging ganun si Jovielle. Tumakbo ng palayo habang umiiyak. Sabi naman ng doctor okay naman daw na si Jovielle at normal daw ang pagfunction ng mga vitals niya. Magcoconduct na lang daw sila ng mga tests pag nagising na siya.

"Hey!" hinila ni Jean ang balikat ni Peter paharap sa kanya, naiinis na kasi siya sa paulit-ulit niyang tanong at walang sumasagot sa kanya.  

"Kayo ang nandun! Shit Peter! Ikaw ang pumigil sa amin na pumasok sa changing room that time kasi sabi mo nag-uusap sila Reyson at Jovielle. Then, ano?!" sobrang galit na talaga si Jean. Pinagtinginan naman siya ng mga andito sa loob ng kwarto ni Jovielle, hinilamos naman ni Peter ang kamay niya sa mukha niya. Hindi ko din keri umawat kasi kahit ako I want to know the whole story.

"I have no rights to tell you the whole things happened that time, let's just wait for both of them to speak about it." tumayo naman si Peter para lumabas ng kwarto. 

"What?! Wait? When? Kapag nagising na si Jovielle?" ngumisi-ngisi si Jean. "Alam mo nakakainis ka na! Alam mo namang kahit na sila Tita Rea at Kuya Elvin gusto malaman ang nangyari before the accident happens." dagdag pa nito. Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa ang isang kagwapuhang lalaki na si Kuya Elvin. Long time crush ko yan si Kuya Elvin kaya lang hindi kami talo. 

"I already know the whole story Jean, so calm down." umupo naman agad si Kuya Elvin sa tabi ng kama ni Jovielle. NKKLK! So kami na lang pala hindi nakakaalam. Natahimik muna si Jean at nagpaalam naman ang mga bumisitang sila Aleona, Myla, at Aiko, uuwi na daw sila, wala kasi silang nasagap na chismis :D Kaya kami na lang andito, the gorgeous me, Jean, Kuya Elvin, Myloves Peter and the unconcious Jovielle. Wala si Reyson umuwi muna at pinakuha ng tulog ni Tita Rea kasi hindi pa umuuwi ng house nila simula ng aksidente, dinadalhan na lang kasi siya ng damit ng mudra niya dito.

Sobrang nakakabingi ang katahimikan dito sa kwarto, isang oras na din kasi ang nakalipas nung kinulit ni Jean si Peter at hanggang ngayon hindi pa din nagsasalita si Peter. Buti na lang at dala ko ang aking pinakakamamahal na Samsung S4 ko nakakabili ko lang at madami akong nilalao ngayon. 

"Karapatan din namin malaman ang nangyari Kuya Elvin." pagbasag ni Jean sa katahimikan. Oh my goshi gulay!! Ayaw niya talaga magpatalo, paulit-ulit na lang kasi. Tinigil naman ni Kuya Elvin ang pagbabasa ng magazine at tumingin kay Jean. 

"Oh sige! Peter ikaw na bahala magkwento, pupunta muna ako ng office, may meeting pa kasi ang board." tumayo na siya at tuluyang lumabas ng kwarto. Pumalit naman sa inupuan niya si Jean at hinawakan ang kamay ni Jovielle, nakita ko na namang may tumulong luha sa mata niya kaya nalungkot ako.

"Peter Mar! Ikwento muna!" ako na ang nagpush kasi alam ko badtrip na si Jean kakaulit kay Peter ng tanong. Tumayo naman ito at papunta banda sakin kaya tinago ko na ang mamahalin kong cellphone. 

"I don't want to interfere sana but this time bahala na. Gusto ko kasi si Reyson or Jovielle na lang ang magkwento kasi wala ako sa posisyon." umiling-iling pa siya habang umupo sa tabi ko. Posisyon? Suntukin ko kaya ito. Halos hindi na nga magsalita si Reyson simula ng nangyari iyon at puro iyak na lang.  

Nararamdaman namin na sinisisi ni Reyson ang sarili niya sa pangyayari, what are we going to do? Should we comfort him? How? Eh wala nga kami alam kung bakit nagkaganun, all we sees in Jovielle's eyes expression that time is full of hatred. Hatred for Reyson I guessed.

Mr. MVP is my FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon