Chapter 4 ~ ₩e finally met ♨

5K 68 0
                                    

Jovielle's POV

"Ikaw?" sabay naming sabi sa isa't-isa. 

"Magkakilala ba kayo?" tanong bigla ni Tita Josie.

"Hindi po Mama." diretsong sagot naman ni Reyson.  

Nagtataka ba kayo kung sinong Reyson? Reyson Saliendra syempre. Pero si Fuentes din ito, 'yung superman ko kahapon. 'Ko?', Inangkin ko na talaga ^^ 

"Huh? Eh bakit ganun ang reaksyon nyo?" tanong naman ni Mommy. 

"Hindi kami magkakakilala talaga but we just met yesterday." sabi ko. Kumunot naman noo ni Mommy, ang gulo din kasi ng paliwanag ko, "I mean me and Reyson didn't know each other, basta nakita ko siya and nakita niya ako kahapon sa San Juan Arena." patuloy ko. Humarap naman ako kay Reyson "Right?" Nag nod na lang din siya.

"Ah. Ganun ba? Magkakakilala rin kayo mamaya. For now, let's eat." Aya ni Mommy at umupo na kami.

Tahimik lang naman ako habang kumakain kami. Si Reyson naman iniinterrogate ni Mommy, buti na lang hindi ako masyado kinakausap ng magulang ni Reyson. Ako ung naunang natapos kumain, nagexcuse naman ako at pumunta ako sa may pool namin sa likod ng bahay. Umupo ako sa isang maliit na upuan sa gilid lang ng swimming pool. Tinitingnan ko yung langit pati mga stars. 'My Shining Star', sabi ko kasi sa sarili ko kasi one of those shining stars is my Dad.  

"Daddy, they're here." sabi ko habang nakatingala at huminga ng malalim.

"Daddy what will I do? Hindi ko alam ang gagawin ko. It's kind of awkward you know." Awkward talaga siya promise. Naguluhan pa ako, bakit Fuentes siya at Saliendra? Ano yun, dalawa father niya kaya dalawa surname niya? 

"Sa tingin mo Dad mabait si Reyson? or same lang sila ni Aldrich?" tanong ko pa ulit. Gora lang sa pagtanong kahit na hindi ako sinasagot ng Daddy ko.  

"Sana andito ka Dad para makilatis mo 'yon" sabi ko at yumuko na lang ako. Naiiyak na naman kasi ako.

"Hindi na ako kailangang kilatisin."  

"Oh my Gass!" napatayo ako kasi may nagsalita sa bandang madilim sa gilid ko. And it's Reyson.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Papalapit siya sa akin. 

"To tell you honestly, yes." sagot niya at nag smile pa. Gwapo ng smile kahit medyo mabaho yung name niya. To tell you honestly too, I don't like your name. Joke.  

"Tss. Edi napakinggan mo conversation namin ng Daddy ko?" ang nakakatangang tanong ko. Conversation? Baka meron, ako lang naman nagsasalita, conversation na. Nag nod na lang si Reyson.

"Hmm. Can I ask you something?" sabi ko. 

"Go ahead" sagot niya. Hinila niya 'yung isang chair at nagsign na umupo ako doon. Syempre umupo din ako. Dinala niya naman sa harapan ko ang isa pang upuan at umupo siya.

"Fuentes ka ba or Saliendra?" tanong ko habang ang mata ko nakatingin sa gilid ng pool. Nadidistract kasi ako sa kanya, pumwesto ba naman sa harapan ko.

"Ah. Naguguluhan ka no?" tanong niya. Ay hindi, hindi ako naguguluhan. Tatanong ko ba kung gets ko? Tsss. Sayang idesl ype ko pa man din kaya lang... Wala ^^ 

"Oo eh. Pwede pa explain kung pwede lang." sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng pamatay kong smile. 

"Last week lang ulit ako naging Saliendra, sa Mama ko 'yong Fuentes." sabi ni Reyson.

Ano daw? Alien ata ito, hindi marunong mag explain.  

"Huh?" anya ko na may malaking question mark sa mukha. 

Mr. MVP is my FiancéWhere stories live. Discover now