Chapter 7 ~ Hearts Day

3.8K 51 0
                                    

Chrimar / Shems POV

Yizzz! Point of View ko na naman itey! Sana mahaba hindi katulad ng dati super ikli lang hindi na naawa sa akin. Kalerke!. Heto na papakalalaki na ako chos lang syempre :DD

Today is the day! Day ng mga puso. Kaloka lang at wala akong kaloveteam, syempre joke lang! Meron noh! Kala niyo sa akin, sa beauty kong ito nagmakaawa si Peter mylove. Korek ko lang muna, ako pala yung nagmakaawa kaya lang nireject niya ako. POOR ME. Buti na lang at by group ang date today, hindi ako magiging lonely. Andito lang naman kami umaakyat sa bundok. Valentines Day na dapat nasa fancy restaurant ang mga love birds na kasama ko pero mas pinili nilang mag mountain hiking. Mga lechugas na 'yan, tirik na tirik ang araw andito kami dumadaan sa gubat. Buti na lang madami kami. Ito ang attendance: Maw loveteam, Peter&Me loveteam, Aleona, Maricar&BF, Myla at hindi kayo maniniwala kasama namin ang mga villian sa kwentong ito, guess niyo dali! Tama! Sina Aldrich at ang mukhang duwende niyang shota na nagsama pa ng alipores na si Kimberly. Cousin kasi ni Maricar si Kimberly kaya ayun nainvite niya at nagimbita din.

"HU MY GULAY!!" kaloka may mini snake na humarang sa daanan.

"Hey cous! What's wrong?" nakalimutan ko attendance ng pinsan kong si Earl.

"Cousinsss! Look!" turo ko doon sa mini snake. Mini kasi maliit alangan naman BIG snake sabihin ko.

"Haha. Bakla ka talaga Chrismar! Diyan ka na nga!" iniwan lang ako ng gwapo kong pinsan. Yeah yeah. Gwapo ang aking pinsan. Kakauwi lang niyan galing Canada, friend din siya nila Jovielle at Jean. Speaking of Jean hindi siya kasama ngayon kasi ang Pudra niyang pinaglihi sa kasungitan hindi siya pinayagan. Simula nga nung nalaman na naglaro ng Volleyball si Jean hindi na pinalabas ng bahay nila. Kawawang Frend ko.

"Hoy Guys! Wait for me!" ayan naiwan na ako ng mga kasama ko dahil kakakwento sa inyo.

"Shems bakit ka ba tumatakbo? Mamaya matalisod ka sa mga sanga-sanga diyan." sabi sa akin ni Jovielle. Iniwan kaya nila ako kaya tumatakbo ako.

"Kung hinintay niyo lang ako 'di hindi dapat ako tumatakbo." sabi ko naman.

"Maw," tumigil si Jovielle sa paglalakad at humarap kay Reyson. "I'm thirsty." pagpatuloy nito.

Mabilis pa sa kabayo at inilabas naman ni Reyson ang isang bote na may laman na tubig.

"Tirik na tirik ang araw tapos sweet sweetan kayo diyan. Kalerke!" sabi ko. Nilagpasan ko na lang sila Jovielle at hahabulin ko ang Peter ko sasabihin ko din uhaw na ako. Charat.

"Beb basa na likod ko ng pawis. Paki lagay naman sa likod ko itong towel!" sabi naman ni Aldrich kay Liezel. Gosh! Puro mga kung anu-ano ang mga nadadaanan ko. PAPA PETER!! WHERE ARE YOU?! ayan sigaw ng puso ko.

Nakita ko rin siya. Parang ahas lang ako pumulupot sa braso niya. I feel he seem so irratated when I'm with him. Syempre lalaki yan, bakla ako pero wala ako pakialam hanggang hindi niya sinasabihan ng masama hindi ako titigil sa kakalandi.

Jovielle's POV

"Guys itayo na natin ang kanya-kanyang tent natin!" sigaw ni Peter. Tumigil na kami sa paglalakad kasi 5pm na din. Dito na kami magpapaumaga tapos balik Manila bukas.

"Maw stay here." sabi ni Reyson sa akin at umalis na para magtayo ng tent. Ano ako aso? Grabe, simula ng naging official na ang relasyon namin ganyan na si Reyson, parang ayaw lagi ako iwan. Kaya araw-araw akong sinusundo sa school.

"He really loves you."

"Yeah. And I love him too." nasa likod ko lang pala si Earl. Umupo ako sa medyo malaking sanga.

Mr. MVP is my FiancéWhere stories live. Discover now