Chapter 11 ~ Love over Hate

2.8K 41 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Reyson's POV

I missed her. Tama siya ang kitid ng utak ko, lagi na lang ako nagseselos sa kanila ni Aldrich wala naman dapat talaga ako ikaselos at 100% ang tiwala ko sa kanya kaya lang hindi naman maiiwasan yun diba? Mahal ko siya kaya ganun. OO, mahal ko si Jovielle pero natiis ko siya ng isang linggo. Mali pala, gusto ko siya hindi mahal, si Mama lang ang mahal siya para sa akin.

"Bro, natext ko na si Chrismar." sabi ni Peter habang nagreready kami para sa game namin mamaya. Tumango na lang ako.

Humingi ako ng favor kay Peter na kung pwede sabihan niya si Chrismar na dalhin na lang si Jovielle dito at may gagawin akong surprise na utos ni Mama. Sunod-sunuran ako kay Mama, minsan naiinis na nga ako sa kanya kasi hindi naman na kailangan utusan niya ako. Minsan nararamdaman ko ang pagkukusa ng pagiging sweet ko kay Maw, yung mga nakaraan sa amin totoo yun walang halong utos. Minsan narinig din ako ni Earl na kausap si Mama. Nagulat na lang ako nung sinuntok niya ako at ang dami niyang sinabi sa akin pero alam ko na mali ang narinig niya. Pinag-usapan lang naman namin  ni Mama nun itong surprise ng gagawin ko  later at nasabi kong “Oh sige Ma! Gagalingan ko na lang arte ko sa harap ni Jovielle.” ewan ko din kung bakit ko nasabi iyon, siguro dala na din ng init ng ulo after ng sigawan namin ni Maw. Aaminin ko medyo naguguluhan pa ako sa feelings ko para sa kay Jovielle, but I wanted her to be happy kasi pag masaya siya nagiging masaya na din ako at katulad ng one week na no communication namimiss ko na siya ng sobra.

From: 09*********

Goodluck sa play niyo. Galingan mo. How I wish na mapanood kita diyan sa Arena. I miss you Rey!

Napanganga na lang ako kung kanino galing ang kababasa ko pa lang na text, hindi naman kasi kay Maw iyon. Baka sa isang fan lang, hindi ko na inisip masyado kasi nasa laban na kami. Habang mainit ang labanan hindi ako mapakali kasi hindi ko pa rin nakikita si Maw pero andito na rin naman sila Jean at Chrismar. Pero dapat be professional nga diba? Kaya hindi ko na muna pinansin pero nung matatapos na ang set 5 tumingin ulit ako banda sa upuan nila Chrismar, nakaramdam agad ako ng sobrang saya kaya hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin sa kanya, hindi ko namalayan na nagkatitigan na kami kaya nasabi ko na lang “I love you” tapos biglang buzzer. Mahal ko na ata siya kasi pakiramdam ko nanalo ako sa lotto nang makita ko siya, oh sige bakla kung bakla pero napapangiti talaga ako at siya ang nagiging inspirasyan ko para ipanalo ang laro namin.

Hanggang magawa ko na ang surprise ko para sa kanya, sa totoo lang ayoko talaga gawin iyon kasi bawal sa laro yung may ibang nakadikit sa jersey, pinilit ko nga si coach sabi niya kasi baka matawagan kami ng violation kasi labag daw sa rules iyon, buti na lang hindi naman. Hindi ko naman nakita ang expression ni Maw kung natuwa siya kasi hindi ko na siya nakita after ng game kasi puro media na ang pumalibot sa amin kung anu-ano ang mga  tinatanong sa amin kaya medyo natagalan kami. Pero nauna kami ni Peter umalis ‘yung ibang kateam kasi naman nagpicture taking with their friends. Nang makapasok kami sa changing room may nakita akong bag ng babae sa dulo ng locker namin pero hindi ko pinansin at tumalikod na lang ako at umupo para magtanggal ng sapatos.

“Bro, anong eksena ginawa mo kanina?” pagbasag ng katahimikan namin ni Peter. May narinig naman akong malalim na paghinga sa likuran namin.

“Kailangan talaga ng eksena pag may artista." Biro kong sagot. Sinabi ko kasi sa kanya na iyon yung utos ni mama pero kanina kusang ginawa ko iyon at masaya ako.

“So, acting lang iyon?” tanong ni Peter. Sasagutin ko na ng No kaya lang bibiruin ko muna ito kasi aasarin na naman ako nito na inlove na ako at magtitino na.

“Alam mo naman mawawalan ako ng mana diba? Galit si Mama pag hindi sinunod siya, lalo na pag tungkol kay Jovielle.” Liar Reyson. Hindi naman talaga acting iyon kasi nagenjoy ako habang ginawa iyon at napapasmile ako pag naiisip ko ang ginawa ko para sa Maw ko.

“Bro, do you love Jovielle?” nabigla ako sa tanong ni Peter. Nakaramdam naman ako ng mahinang kaluskos sa bandang likod namin, baka may multo. Joke.

“Mahal pa siya nung ex niya.” Sabi ko na lang . Hindi ko kayang aminin pero mahal ko naman talaga siya.

“Yes or No lang ang pagpipilian mo.” Agad na response niya sa sagot ko.

“No before… “ hindi ko na matapos ang sasabihing kong “No before but now I really love her.” tumayo bigla si Peter ng marinig na parang bumagsak at tumingin sa likuran namin.

“Jo--- vielle?” O_O si Peter.

“M..A..W?” sabi ko. Papalapit na ako sa knaya. Nakita ko ang mga luha niya sa mata at nararamdaman ko ang sakit na nakikita ko sa mata niya. Narinig  niya ba ang lahat? Lahat ng napag-usapan namin? Pero hindi naman ganun iyon, mali ang pagkaintindi niya.

Nagalit na nga siya sa akin at nakatanggap naman ako ng sampal galing sa kanya, ayaw niya akong pakinggan, ayaw niya pakinggan ang paliwanag ko, ayaw niya akong magsalita. Nasasaktan na ako kasi kitang kita na sa mga mata niya ang galit para sa akin, ang dami niyang sinabi sa sarili niya at isa na dito ay ang pag papauto niya daw sa akin. Gusto ko na lang siya yakapin kaya lang tumakbo na siya palabas ng changing room, agad ko namang hinabol.

Nung makalabas na ako nakita ko siya hinahabol nila Jean at ng iba pa. Bumilis ang lakad niya nung tinawag ko siya. Sana naman hayaan niya ako makapagpaliwanag, nakalabas na kami ng Arena at nakatingin sa amin ang maraming tao. Hindi ko maiwasang maluha habang hinahabol siya, mali talaga ang iniisip niya at hindi ko intensyon ang mga nasabi ko. Tuloy pa rin ang pagtawag namin sa pangalan niya. Nakita kong tatawid na siya ng nakayuko kaya hindi niya namalayan ang paparating na truck.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo pa’t na kita ko siyang tumigil sa gitna ng daan na parang hinihintay na lang ang pagdaan sa kanya ng truck. Tumigil na ang iba sa pagtakbo at sinisigaw na lang ang pangalan niya. Tumingin siya sa akin ng tawagin ko siya, nanlumo ako ng makita ko na parang dugo na ang inilalabas ng mata niya at hindi na luha dahil sa emotionless niyang expression, walang anger, sad o kahit anong expression niya at pumikit na lang ito.

*BEEP BEEP*

“NOOO!! JOVIELLE!!”

Huli na ako ng matakbuhan siya at tumigil na din ang truck , napatigil ako nang makita ko siyang duguan sa daanan na napuntahan niya ng mabundol siya. Unti-unti akong bumaba par amahawakan ang mukha niya. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang nandito, sana ako na lang ang nasa kalagayan niya, agad kong niyakap siya.

“Maw!!”

“Maw wake up!” hinalik halikan na ang pisngi niyang puro dugo.

“Don’t leave me Maw!!” tuloy tuloy pa rin ang luha ko.

“Oh my God!! Jovielle!!” hindi ko na alam kung sino pa ang mga nagsasalita, all I know they’re all crying too.

“Bro, let’s bring her in the Hospital!” hindi ko pinansin at yinakap ng mahigpit si Jovielle.

“What the heck are you doing Reyson?! HUH!!” this time tumingin ako sa humihila ng shirt ko. Isang galit na galit na Jean.

“Jean calm down.” may humila sa kanya.

“Dalhin na natin siya sa Ospital! Ano ka ba?!! Baka ano mangyari kay Baks!” ngayon lang pumasok sa isip ko na kanina ko pa pala dapat isinugod sa ospital.

Agad naman kinuha ni Peter ang kotse niya at isinakay namin si Jovielle, ako si Peter at Jean ang nasa kotse. Hindi ko na alam ang nangyayari basta ang gusto ko maging okay si Maw. Madaming sinabi si Jean habang humahagugol pero wala akong naiintindihan kasi lutang ang isip ko ngayon. Puro Jovielle lang ang laman ng isip ko.

Itinakbo naman agad sa ER si Jovielle ng makarating kami dito sa St. Luke’s Medical Center.

“Huwag mo ko iiwan please!” bulong ko nalang sa sarili ko. Andito kasi ako sa mini chapel ng ospital. Nagsisi na ako ng sobra.

“Lord, palakasin mo ang loob ni Jovielle, please!”

Napaangat na lang ang ulo ko ng may humawak sa balikat ko at tumayo naman ako sa pagkakaluhod at tiningnan ang humawak sa akin.

“Kuya Elvin?”

Mr. MVP is my FiancéWhere stories live. Discover now