ASKB Chapter 28

23.5K 494 47
                                    

CHAPTER 28

 

[ HE'S BACK ]

 

*CHARLIE*

Ano nanaman? Bakit nakasama nanaman ako dito? O sya, sige na, sige na! ( >.<)

 Pagka galing ko kahapon  kina bessy eli, dumiretso ako sa checkup namin ni baby tapos umuwi na rin ako. Hindi na ako bumalik sa unit nya,mas maganda kung silang dalawa ang  aayos  noon. Basta nasabi ko na syung pinapasabi ni seth. Tapos!

 So yun nga, nung gabi may natanggap akong tawag galing kay seth. Nung una hindi ko gusto sagutin hindi kasi registered yung number, nagtaka pa ako tapos ayun sinabi nya kung bakit ibang number gamit nya, pinatay nya kasi yung phone nya eh. Kung bakit? Aba wait, atat lang? Hinga muna!

Kasi isusurpise nya si eli. Opo! Surprise, meaning gugulatin haha! Okay waley. Basta!  Pinatay nya  kasi tinatapos nya lahat ng gagawin nya, para walang istorbo. Mabuti na daw yun para kahit si eli mapapaisip kung ano nangyayari sa kanya tapos bigla nya isusurprise. Sabihin nyo? Sinong gago ang gagawa nun sa babaeng mahal nya? Oh diba, itong gagong seth lang na ito!

At syempre dahil sa ako angdakilang kaibigan, tinalakan ko muna bago ako pumayag. Eh gago kasi eh, pag aalalahanin ba yung bessy ko? Ang kaso natameme ako nung sinabi nya na yung plano nya. Me is so kilig for bessy. Alam nyo yung feeling na mas excited pa ako? Haha, basta ganun nayun. Maipapakita ko nanaman ang acting skills ko! Hooray! \(*^O^*)/

So yun nga. Kinaumagahan agad kong sinabi kay bessy na pumunta dito sa house. Nung una ayaw pa, wala daw sya sa mood. Pero dahil mapilit ako at kailangan matuloy ang plano hindi ako pumayag na hindi sya pupunta. Sabi ko may niluto ako at kailangan tikman nya muna kung kabog na ba ang lasa. Matamlay yung sagot nya pero sinabi paring pupunta sya. Ang lakas ko kaya sa bruhang yoon! Si jigs? Aba umalis  may sinusundo =D

 

Maya maya pa dumating na si bessy, tulad ng inaasahan ko maga yung mata nya, ayun mukang pandang walang tulog. Edi tinaasan ko nanaman ng kilay. (~_-)

“oo na bessy,wag mo na ko sermonan, kahit ngayon lang. Nasan ba yung niluto mo? Akin na titikman ko na.” Wala parin nyang ganang sagot.

“ahm, wait lang bru. Magfb ka muna, hindi pa kasi sya luto.” lols, wala naman akong niluluto eh! anong malay ko doon? Eh si jigs kaya ang cook dito sa bahay nyehehe =P. Prinsesa ako no!

“ganun ba? Sige” sya habang papunta sa may laptop. Ako naman kunwaring papunta sa kusina para icheck yung niluluto ko kuno.

Pagbalik ko sa sala nakita ko nalang na tumutulo nanaman yung luha nya. Anak ng, ano nanaman ba nakita nito? Napakaiyakin eh! daig pa ako.

“hey, anong nangyari?” ako, habang tinatapik sya sa likod nya. Nakalapit na ako eh.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon