ASKB Chapter 21

22.6K 462 88
                                    

CHAPTER 21

 

[ ALARM TONE ]

 

 

CAROL’S POV

 

 “look, may girlfriend na ko! Kaya pwede ba tumigil ka na?”

 

Hindi ko alam, pero bakit ganoon? Kakakakilala ko lang sa kanya, pero noong sinabi nya yoon alam kong nasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag, ang alam ko lang, gusto kong mapalapit sa kanya. Pero noong narinig ko y'un na galing sa bibig nya mismo, para bang may mga sinulid na kusang tumahi sa aking mga labi para pigilan ang pagsasalita ko.

Hanggang makarating kami sa hotel, nauna syang bumaba at ako? Naiwan lang ako dito sa pinaka main lobby.

Inabot rin ako ng halos isang oras sa pagmuni-muni. Oo nga naman, bakit ko ba pag aaksyahan ang gaya nya? Matutulog nalang ako! "Ako si Carol Shone at ipapakita ko sa kanya na hindi ako kagaya ng ibang babaeng patay na patay sa kanya." Tingnan nalang natin kung sino ang unang susuko saming dalawa. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga.

*ELI*

Simula kaninang umaga, noong nagpaalam sya at sinabing magpapahinga muna. Yoon din ang huling pagkakataong narinig ko ang boses nya. Mula noon, hindi pa sya ulit tumatawag. Siguro kasi gabi na sa kanila ngayon. Pero diba, sabi nya kahit gabi tatawagan nya ako, bakit ganoon? Nako, baka nagalit kanina ah? Tsst! Ang tanga ko naman kasi. Ano bang malay kong pupunta sina Bea dito? Eh mataps naman naming kainin yung cake, nagsilayasan na yung mga yoon eh, iniwan lang sakin ang mga hugasin. Parang nakakuha lang sila ng katulong!

Isa pang ipinagmumukmok ko dito, yung nasira nyang cellphone! Sayang! May hinanda pa naman ako para sa kanya. Nirecord ko kasi ang boses ko doon. Nung huling gabi nami sa batangas. Tapos ginawa kong alarm tone nya. Ang kaso mukang hindi nya na maririnig yoon.Pano sira na nga eh! Sayang talaga! Ang sabi ko pa man din dun,

“Seth, Seth, Seth, (ascending tone) este Poy! Gising ka na mahal ko. Wag ako masyadong isipin ha? Kiss ko? Muah, muah tsup, tsup!” Corny ko no? Ayos lang yun. Gusto ko kasi boses ko ang gigising sa kanya tuwing umaga. You know? Kaso lang mukang pangarap nalang yoon. Nakakatampo diba? Sana man lang tumawag sya para kahit konti mawala yung tampong nararamdaman ko.

Tutal anong oras palang naman, dadalawin ko na lang si bessy.

 ****** 

Dirediretso lang ako sa bahay nila ni jigs. Wala ng padoorbell-doorbell. Miss ko na sya kaya sige pasok lang ng pasok!

“ Bessy! Yuhoo!” Sigaw ko.  Aba’t, bakit walang sumasagot?

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon