ASKB Chapter 5

38.3K 751 20
                                    

CHAPTER 5

Small World...

Naalimpungatan ako sa tunog ng Door bell ko. Halos wala pa akong tulog dahil na rin sa nangyari kahapon. Matapos naming umalis ni Poy sa Recepcion, diretso kami dito sa Condo ko at nagkulitan lang maghapon. Madaling araw na rin nang umalis siya, gustohin man niyang dito matulog, syempre hindi pa rin pwede.

Paguray-guray pa akong lumakad papunta sa may pintuan. Sa totoo lang ay wala sa isip ko kung ano pa man ang itsura ko ngayon, mas nangingibabaw sa sistema ko ang hanggang ngayon ay pagtawag sa akin ng sarili kong higaan.

Nang buksan ko ang pinto, mas lalo lang akong nagsisi kung bakit ko pa ba pinagbuksan ang lalaking iyon. Sana pala ay hinayaan ko na lamang siyang lamukin at mabulok sa paghihintay. Sinalubong niya ako ng ngiting siguradong makakapagpainit ng ulo mo sa umaga, sabayan pa ng pagharang niya ng kamay sa pinto, tila nagmamalaki kung gaano siya gwapong-gwapo sa sarili.

 “ Ano ba namang itsura ‘yan, Badong?” Oh well, heto nanaman kami sa Badong na iyan.

 “ Ilang ulit ko bang sasabihin, Eli at hindi Badong ang pangalan ko? Ano bang kailangan mo? Anong masamang hangin nanaman ang nagdala sa’yo dito ha, Kuya!” tamad kong sagot sa kaniya sabay talikod. Kahit naman hindi ko siya papasukin ay gagawin at gagawin pa rin ni Kuya Lex ang gusto niya. Sobra! Ang sarap talaga naming magmahalan.

“ Hahaha! Bawal na bang bisitahin ang pinakapaborito kong kapatid na babae? Saka Badong naman, maghilamos ka nga muna!” doon niya ako hinabol at tinulak papuntang lababo.

 “ Kuya, bitiw nga! Ano nanaman ba? May kailangan ka, ano?” muli kong pagmamaktol sa kaniya, habang siya ay patuloy lang akong itinutulak at nakangising akala mo ay timang. “ Paborito? Malamang, ako lang naman talaga ang babae sa ating lahat.” Pagbulong ko at sinimulan ng linisin ang mukha ko sa lababo.

“ So ano nga, sabihin mo na Kuya. Ano nanamang ba ha?” hindi ko mapigilang irapan ang kapatid kong alam kong pasimple pang nagkukunwari pero halata naman sa kaniyang may kailangan siya, kaya nandito siya at nangsisira ng umaga.

 “Well, well, well. Namiss lang talaga kita, Badong.” Saka niya ako hinigit at niyakap ng mahigpit. Seriously, I’m starting to doubt my Brother from using drugs. Minsan talaga ibang mangtrip ang kapaitd ko.

" Namiss? For your information lang naman, Kuya! Huling beses na namiss mo ko ay noong pinaggawa mo ako ng letter para kay Ate Apple. And that was 1 year ago! Kaya ‘wag na ‘wag mong masabi-sabi sa’king namimiss mo ko. Kuya! And one more thing, don’t try to deny it! Baka nakalimutan mong tumawag ka sa akin last day at mukang alam ko na rin kung bakit!" halos ilabas ko na ata ang lahat ng litid ko sa leeg sa ginawa kong pagpapaamin sa kapatid ko.

As far as I remember, isang beses palang akong dinalaw ng kapatid kong ito mula pa nang lumipat ako ng tinutuluyan. Kung hindi pa dahil sa pag-aaway nila ni Ate Apple, hindi niya talaga ako maaalalang dalawin. Although lagi naman niya akong kinakamusta through phone. Over protective ang mga kapatid ko, lagi nilang pinagmamalaki na aanhin pa ang kagwapuhan at kamachohan nila kung hindi ako maproprotektahan bilang bunso. Pero sa nangyayari ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa  mga sinasabi nila dati.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon