ASKB Chapter 6

35.4K 782 65
                                    

Chapter 6

Omelette...

SETH’S POV

I’m on my way to Eli’s Condo. Magkasama na kami kahapon pero kahit hindi niya sabihin, alam kong gusto niya lang akong makita kaya niya ako pinapapunta ngayon. Idinahilan niya pa ang kapatid niyang isa pa ring walang kwenta tulad ng Kelvin na iyon kahapon. Umiinit lang ang ulo ko kapag naaalala ko kung paano niya pasadahan ng tingin si Eli. Alam kong gago siya, sa Simbahan palang nagiigting na ang kamao ko para suntukin ang pagmumukha niya.

Wala akong sinayang na oras, agad na akong tumaas para masilayan ang pinakamagandang babae sa buhay ko ngayon. Sa nabungaran ko, kaagad kong naramdaman ang kagustuhang magpadugo ng labi ng lalaking ngayon ay nakahawak ang kamay sa kasintahan ko.

“Eli!” tawag ko sa kaniya.

Hindi ako nagseselos, nakakagago lang talaga! Sa dinami-dami ng lalaki, kung sino pang hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha ang lagi kong makikitang malapit sa kaniya. Fuck the hell  out of him!

Agad kong inalis ang paghahawak niya sa kamay ni Eli. Wala akong balak pagaksayahan ng oras ang mga mukhang unggoy na ito. Sa kapal ng mukha nila, nauna pang pumasok sa loob ng Unit ng Girlfriend ko. Naguusapusap sila ngunit wala akong pakialam, tanging si Eli lang ang pinakikinggan ko. Isa pa, naaalibadbaran ako kapag yung mukhang Unggoy na Kelvin na ‘yon ang nagsasalita. Pati baho ng hininga niya, naamoy ko sa kinauupuan ko.

“ Let them, prisintadong tarantado.” Saka ko siya hinapit papalapit sa akin.

Wala akong pakialam kung talent niya ang pagluluto, edi sana sumali siya sa Got Talent. Isaksak niya sa baga niya ang lulutuin niya.

Iniwan lang ako ng magaling kong Girlfriend. Nakakatangina talaga! Pinapunta niya ako dito, para ano? Para manuod ng TV? Kung hindi lang dahil kay Eli, hindi ako magdadalawang isip na ipagtabuyan sila dito. Nawawalan na kami ng Privacy dahil sa kanila.

Hindi ko na matagalan, mag lalabing limang minuto na siyang hindi bumabalik. Sinundan ko na sila, baka mamaya wala na akong maabutan pa. Kung makatitig pa man din ang unggoy kay Eli, akala mo may balak siyang hubaran ito.

Inabutan ko ang isang lutong Omelette sa lamesa habang si Eli at kung sino mang kaibigan ni Eli ‘yon ay hangang-hanga sa iba pang niluluto ng kumag. Wala namang ibang iluto kundi puro prito, puro pampabilis ng buhay. Baka gusto niyang ako ang magpabilis ng buhay niya, sabihin niya lang at willing ako.

Lumapit ako kay Eli at agad siyang inakbayan, inilayo ka na rin sa paligid ni Kelvin na nagpapakaMaster Chef. Saktong tingin niya sa amin ay ginantihan ko rin siya. Ano sa palagay niya? Isang palag niya, makaktikim na talaga siya ng kamao ko.

“ Uhm Eli. Where’s your soy sauce?” tanong ng babae.

Paalis na sana si Eli ng pigilan ko siya, isang blangkong tingin at hindi na siya tumuloy pa. Alam niya na ang ibig sabihin ng ginawa ko. Ako naman blangkong tumingin sa kanya. Alam nya nayun kapag ganun. Kaya naman hindi na sya umalis sa tabi ko. “ Diyan lang sa may lababo, katabi ng pepper.” Sabay turo niya sa pinaglalagyan nito at inirapan ako. Lumabi pa ito at doon ko halos hindi mapigilan ang sarili kong halikan siya.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon