ASKB Chapter 24

22.3K 461 34
                                    

CHAPTER 24

 

[ REVELATIONS ]

 

 

ELI’S POV

“Oo na, sige na pahinga ka na ha! Iloveyou too poy. Kiss :* ” tyaka ko nag sign out at pinatay yung laptop ko.

Halos mag tatlong linggo narin  pala kaming ganito,meaning  isang lingo nalang babalik na si poy. Sobrang miss ko na sya. Sa loob nang tatlong linggong yun halos di naman sya nagkulang. Lagi syang may message sakin at nagsskype din kami kahit dis oras na. Oops teka, hindi dis oras ng gabi sa pinas ha! Kundi dis oras ng gabi sa kanila. Umaga dito, gabi sa kanila. Ayaw nya daw na mapuyat ako.  Biruin nyo yun? Yung effort na ginagawa ni poy. Alam kong pagod na sya sa trabahong ginagawa nya pero pinipilitin nya parin masilayan lang daw ako. Kabog ne? Yan ang poy ko hehe.

Mag aalas nuebe narin pala ng umaga. Wala pa akong nagagawang prodaktibo simula nung nagising ako. Ay mali, meron pala. Napangiti ko na si poy :d. Ewan ko ba dun sa ungas nayun, pag magsskype kami pag lumabas na yung camera makikita mong nakamangot tas pag kaharap na ko para syang batang napapangiti. If i know, miss na miss na ako nun, sa ganda ko ba naman na ito! Oh biro lang po hihi :d

Ang kaso lang kapag nababanggit ko na lumalabas kami nina bea minsan medyo kumukuyumos yung noo nya, ano pa nga ba? Edi dahil kasama naming si kuya kelvin, sa totoo lang wala naman akong nakikitang masama kay kuya kelvin eh. Ang bait nya kaya! As in kung hindi ko lang sya kilala, aakalain kong sya si kuya meme ko. Wag kayong maingay ha? First crush ko si kuya meme. Hihi, hindi alam ni poy yun at wala akong balak ipaaalam sa kanya. Kung bakit? Eh kulang na nga lang pagselosan nya pati mga kapatid ko eh. Biro lang, pero mahirap na kasi. Alam nyo naman si poy, medyo agresibong gwapo.

Tyaka hindi naman ako basta basta sumasama sa kanila eh. Siguro once a week lang, tyaka sa charity works naman. Hindi naman ako kaladkarin na babae, lalo pa’t wala sa tabi ko si poy. Alam ko naman ang limitations ko. And one more thing, lagi kong sinasamahan si bessy ngayon, medyo maselan kasi yung pagbubuntis nya. Ang sabi nya pa sakin nung last time eh

“sabi ng doctor puro magaganda at gwapong muka lang daw dapat ang makitabells ko, para daw iwas stress” nako parang sira yung si charlie, namimiss lang ako ang dami pang sinasabing arte eh! So yun nga every other day nandun ako.

Excited na ko! 1 week nalang, makakasama ko na si poy. Hays, dati sobrang umiiyak ako kada gabi sa pangungulila kanya, samantalang ngayon mukang mapapatalon na ata ako sa saya. Nasa harap ako ngayon ng isang kalendaryo, nilagyan ko yung date ng korteng puso! Yay! Totoo nga, uuwi na talaga sya!

Maya maya pa, may nagdoorbell nabigla ako kasi si kuya kelvin lang, hindi nya kasama si bea. Pagbungad nya palang nakangiti na sya ng maaliwalas. Ano kayang kailangan nya?

========================

LEX’S POV

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon