ASKB Chapter 18

23.2K 424 60
                                    

CHAPTER 18

[ WORST DAY OF SETH ]

KELVIN'S POV

"tamang tama ah, habang wala ang unggoy samantalahin!" Napangisi ako. May sinat si bea, wala si seth, nag iisa si eli. Anong konek? Simple, samantalahin hangga't maluwag, hangga't umaayon ang lahat.

Habang naliligo si bea, tumawag sya at sinabing pupunta nga daw ng US ang gago. Mukang gumaganda ang ihip ng hangin ah, nakikiayon sakin. Paglabas ni bea, preskong presko sya, pero hawak nya parin yung ulo nya. Kaya naman tiningnan ko ito at may sinat nga sya. Ang ulit kasi eh, sinabing magpahinga nalang, eh naligo kaagad! Ayan lumala, may sinat tuloy. Pinagpahinga ko nalang sya, para mamaya makapunta pa kami sa charity event.

hindi ko masisisi tong si bea. Talagang bukal na sa puso nya ang pagtulong sa mga gipit lalo na sa mga bata, kaya naman nakasuporta ako sa kanya sa mga ganitong okasyon. Kaya mahal ko to eh. Ang kaso masama na nga pakiramdam yun pa ang inuuna, kundi ba naman sinasamantala ang katawan nya eh. Dapat nagpapahinga rin kasi.

Buti nalang sinat lang ang inabot nya, kanina pa kasi sya nagsasabi na nahihilo at masakit ang ulo. Nakatulog na sya, kaya naman napaidlip narin ako. Paggising ko tulog parin sya. Siguro hindi naman masama ang gagawin ko.

Kumuha ako ng pulbos at nilagyan ng konti ang muka at labi nya. Medyo nagmuka na syang maputla. Hoi! Wag kayo maganda parin yang hon ko kahit pinagmuka kong may sakit. Sinamantala ko na, habang tulog pa sya pumunta ako sa unit ni eli at nagkunwaring alalang alala kay bea. Kunwari hindi ko na alam ang gagawin ko. Syempre chance nayun para kunwaring mapalapit kay eli.

Naawa naman agad ito kay bea, kaya ayun alalang alala. Naghanap agad sya ng first aid. Syempre dahil planado nga ang lahat, sinadya kong magkalapat ang mga kamay namin nung pinipiga nya yung bimpo. Alam kong nailang sya pero kasama sa plano yun. Tinititigan ko rin sya ng bahagya para maconcious. One way to get the attention of a girl is to stare at her all the time. Oh? Bilib na ba kayo sakin, ganyan kapag gwapo!

Nung napansin nya yun, nakakatawa yung muka nya, halata kasing ilang na ilang na sya sakin, ito talagang batang to, hindi talaga marunung magtago ng emosyon. Nakakatuwa kasi sya kumilos eh! Nagprisinta akong ihatid na sya sa unit nya, nung una ayaw pa. Eh wala naman syang magagawa, kaya ayun inakbayan ko na. Ganun naman ako kahit kanino eh. Ang kaso mas nailang ata, kaya ayun mas naging nakakatawa yung muka nya. Syempre nagpasalamat na rin ako sa kanya. Totoo namang pinagpapasalamat ko na kahit hindi naman malala yung lagnat "daw" ni hon eh nag aalala parin sya bilang kaibigan. Pasensyahan nalang eli, kailangan ko kasing gawin to eh. Para naman to sa ating lahat kaya ko rin to ginagawa. Ih basta! Mahirap pa sa ngayon, hindi mo pa dapat malaman kung sino ang may pakana nitong ginagawa namin.

Hindi lang dahil sa pakiusap nya kaya ko ginagawa ang mga ito. Gusto ko rin kasing makita ang reaksyon nung magaling na seth nayun. Kung anong gagawin nya para mapatunayan na karapat dapat sya kay eli. Hindi naman ako kontrabida sa pag iibigan nila eh, kung baga isa lang akong pagsubok na dapat nilang lagpasan. Dapat nga magpasalamat pa sila sakin. Eh tama na nga! Bakit ba ko nagpapaliwanag?

==================================

SETH'S POV

Okay lang naman yung naging byahe ko, mabilis lang naman. Ni hindi nga inabot ng dalawang oras, tutal Cebu lang naman. Mag isa lang ako, nandito na kasi si papa nung isang araw pa. Nung makababa ako, i-non ko agad yung phone ko, kaso dahil sa lintek na babaeng hinahabol ata ng tatlong kabayo. Ayun nasira yung telepono ko. Bumagsak eh, ayaw ng bumukas. Ni hindi man lang nagsorry, what a life!

"f*uck" sambit ko.

Imbis na magmukmok ako dito, naghanap nalang ako ng payphone. Madaming paraan kung gusto mong makausap ang mahal mo. Ano ba namang buhay to? Eh tinalo pa ang pila sa nfa na bigas sa haba eh. Lahat ng slots ganun? Saklap dre! Hindi na talaga ako natutuwa.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon