Chapter 17: An Emotional Prince

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ito na, ito na. Sisimulan na nga eh." Nag-umpisa na nga siyang palitan ang mga dapat palitang detalye sa template. Sinimulan niya sa petsa, sa oras, sa lugar.

Kailangan niyang kalimutan ang tungkol sa bisita ni Prince. Kailangan niyang burahin ang imahe ng babaeng kasama nito sa kanyang utak. Naroon siya para magtrabaho, hindi siya dapat magpaapekto sa mga nakikita niya.

Tama, hindi niya na iisipin ang kung ano mang nangyayari sa loob. Magpopokus na lang siya sa pagta-transcribe ng minutes. Focus lang. Focus.

Pero anak ng tinapang focus yan at ayaw makisama! Napabaling na naman siya sa saradong silid. Sakto nga ang tingin niya at bigla iyong bumukas. Sumalubong sa kanya ang makinis na likod ni Tiana. Isang itim na backless dress ang suot nito. Paatras ito kung humakbang palabas, parang ayaw pang umalis.

"Make sure you'd call me or I'll bug you again," rinig niyang anito bago pumihit patalikod sa pintong iniwan nitong bukas.

Nagsalubong ang mga tingin nila at isang irap ang ibinigay nito sa kanya. Pinigilan niya ang sariling gumanti. Sa halip ay binantayan niya ang bawat hakbang nito palabas. Mala-modelo ito kung maglakad kaya abot-langit ang hiling niyang matapilok sana ito.

Kaso ay hindi nangyari. Umikot na lang ang mga mata niya pabalik sa tinatrabaho. Nang gawin niya ay nahagip ng tingin niya si Prince. Mabilis na ibinalik niya ang tingin sa nakabukas na pinto. Tama nga ang nakita niya, naroon ito at nakasandal sa doorpost.

"Asan ang camera?" Pinilit niyang tumawa kahit sa totoo lang ay naiilang siya sa hitsura ngayon ni Prince. Magulo na ang buhok nito, mukhang nasabunutan. Maluwag na rin ang bughaw nitong kurbata. Ang polo nama'y tanggal na ang unang dalawang butones.

Ayaw niyang mag-isip ng masama pero isa lang naman ang maaaring dahilan kung bakit ganoon na ang ayos nito ngayon.

"Get me a glass of water." Garalgal ang mahina nitong boses nang mag-utos.

"Na-rape ka ba?" tahasang tanong niya sa halip na sumunod.

Isinalin nito sa malayo ang tingin. "Don't mention it."

Parang sumikip ang dibdib niya sa narinig. Edi nagahasa nga ito sa loob ng sariling opisina, kung ganoon?

"Gusto mo naman?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Sa tono pa niya, hindi mawari kung nanunukso ba siya o naaasar. Siya naman ang nag-iwas ng tingin nang paningkitan siya ng mga mata ni Prince. Dali-dali siyang tumayo. "Sabi ko nga ikukuha kita ng tubig eh."

"Nagseselos ka ba?" Hindi niya kailangang tumingin dito upang masigurong nakangiti ito. Bakas niya ang panunukso sa boses nito.

Pinilit niyang tumawa. "Wow ha. Ba't naman ako magseselos?" Walang lingon-lingon niyang inumpisahan ang paglakad papunta sa pantry.

"Dahil gusto mo pa rin ako?" walang gatol namang tugon nito. May kahalong panunukso ang nagtatanong nitong tono.

Bahagya siyang yumuko. "Asa ka." Gusto niyang isigaw ang sagot na iyon ngunit isang mahinang boses lang ang lumabas sa kanyang mga labi. Sapat lang para makaabot sa pandinig nito.

"So, wala ka nang feelings para sa 'kin?" Hindi niya alam kung imagination lang o ano pero parang nahimigan niya ang hinanakit sa tinig nito. O baka dahil malumanay lang ang pagsasalita nito? Baka na-misinterpret niya lang ang kalmado nitong boses.

Lumunok siya at sinubukang kalmahin ang isip. "Siraulo ka kaya," pilit na naman ang tawa niya. "Kaya bakit ako magkakagusto--" Tila isang maling desisyon ang bigla niyang pagpihit paharap dito. "Sa 'yo," may pag-aalangang patuloy niya.

Gusto niya lang asarin si Prince. She felt the need to deflate his ego. Just so he'd know the world doesn't revolve around him. Lumingon siya para makita ang reaksyon nito. Ngunit sa halip na matuwa sa tagumpay niya, nasaktan siya.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon