Act 11: Payback

857 17 22
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 11

Payback

[Selina]

Ilang minuto na rin kaming apat na nagtititigan dito. Ang sabi sa akin ni Kira, bago pa lang si Lee dito sa ospital at first day nito ngayon. Naiinggit ako sa babaeng 'to dahil bukod sa napaka-gwapo at hot ng jowa nya, doktor na ito sa edad na 23 pa lamang. No wonder, nakapasok agad sya sa ospital na 'to. Matalino eh. Ang swerte naman ni Kira.

Hindi naman sa sinasabi kong malas ako kay Jesse. Gwapo at super hot din naman kasi ng mokong. Ang kaso kasi, sobrang immature eh. Di ko maipinta ang itsura nya kanina. Para bang ayaw nya kong makita. Sus. Para namang gusto ko syang makita pagkatapos ng mga ginawa nya. Anong akala nya? Pag-aari nya ang mundo? Lahat ng gusto nya, yun lang ang masusunod? Asa sya. Nakakaimbyerna.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" tanong ko sakanilang tatlo.

Sa kasamaang palad, katabi ko si Jesse sa inuupuan namin. Kaslukuyan kaming nasa.. ewan ko. Ano ba 'to? Cafeteria? Canteen? Apatan yung kinuha naming table. Magkatabi si Kira at si Lee at ako ang katapat ni Kira kaya ang katabi kong si Jesse ay kaharap naman si Lee.

Bumuntong-hininga si Lee. "Okay." tumingin sya sa akin. "Bestfriend ko si Jesse. Humingi ako ng pabor sakanya para imbestigahan si Kira. Ang pagkakaalam ko, nahuli mo syang inii-stalk ka. Ginagawa lang nya ang trabaho nya nun ang kaso, mukhang di ka nawala sa isipan ng kumag na yan kaya binalikan ka pa dito sa Maynila para mapalapit sayo kahit na ang sinasabi nya sa akin noon eh, interesting ka lang daw talaga dahil may kung anu-ano kang ginagawa tulad ng paglipat mo sa school ni Kira."

Sumabat naman si Kira. "Ano?! Lumipat ka sa Loki?! Bakit?!"

Si Jesse naman ang sumagot. "Kasi gusto nyang ipaghiganti ka. Kaya lang, di yun pabor sa mga plano nyo ni Lee kaya ako na ang gumawa ng paraan para pigilan sya." tumingin ng masama si Jesse sa akin. "Ginusto nyang mapalapit ni Jethro sakanya at paibigin yung lalaking yun at sa huli, sasaktan nya ito sa pamamagitang ng pagloko sakanya. yun lang naman ang plano nya, di ba, Selina?" nagkatitigan lang kaming dalawa.

Gusto ko syang layasan at patayin sa isip ko. Bakit ba ang sama nya? Hindi man lang nya pinakinggan yung mga paliwanag ko. Dahil ba sa selos? Kasi kung oo, grabe lang ang pagka-immature nya. Wala syang tiwala sa akin. Hindi ba nya alam na nasasaktan ako?

Pinipigilan ko ang lumuha ngayon dahil sa sarcasm na pinapakita nya. Alam kong may mali rin ako pero bakit ganito sya? Kung makaasta sya, parang hindi nya ko girlfriend at wala akong kwenta. Eh, gaguhan naman pala ang gusto nya eh! Mapagbigyan nga!

Nginitian ko sya at ibinaling ko ang tingin ko kay Kira. "Oo, tama si Jesse. Ganun na nga ang nangyari. Sa sobrang galit ko nun sa mga gumahasa sayo, pinlano ko ang mga yun. Kaya lang, dumating nga si Jesse sa buhay ko at pinakiusapan nya kong wag na lang ituloy ang lahat nang iyon dahil sabi nya, hindi pa daw yun ang tamang panahon para paghigantihan ko sya."

"Pero hindi mo na dapat ginawa yun! Ano ka ba naman, Sel?!" kinuha ni Kira ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Buti na lang at nanjan si Jesse para pigilan ka." sana nga di na lang sya dumating sa buhay ko. Baka masyang masaya pa ko ngayon. "Pero teka nga.." tumingin naman sya kay Lee. "Bakit naman hindi mo sinabi sakin na magkakilala si Jesse at Selina?!" sinimangutan pa nya ito. Halos matawa ako sa reaksyon ni Lee dahil halatang natatakot sya kay Kira.

"E-eh kasi..."

"Kasi sabi ko wag sabihin sayo. Ako ang may kasalanan dun, Kira. Wag mong pagbuntungan ng galit yang si Lee." at tumawa pa si Jesse.

Bwiset! Sarap pasakan ng daga ang bibig nyang si Jesse! Nakakaimbyerna sya! Wag nga syang tumawa dahil naiinis ako sa tuwing tumatawa sya! Bwiset talaga!

Binalingan naman kaming dalawa ni Jesse ng isang makamandag na tingin ni Kira. "Kayo ba, ha?! Hoy, Jesse! Nag-take advantage ka ba dito sa kaibigan ko, ha?! Loko ka ha!" pareho tuloy kaming naging stiff ni Jesse.

Kainis naman itong si Kira. Bakit bigla syang nagtanong ng ganun? Langya. Di ako prepared eh! Parang yung di ko pagiging prepared sa jowa ni Kira ang pinagnanasaan ko kanina. Tss.

"Oo. Girlfriend ko sya." sagot ni Jesse.

It's payback time!

"Actually, oo. Naging kami kaso break na kasi kami ngayon kaya hindi na." tumayo ako pagkasabi ko nun. "Wait lang ha? Mag-CR lang ako." at umalis sa harapan nilang tatlo. Walk-out kung walk-out. I deserve to breathe anyway. Nawawalan ako ng hininga pag katabi ko si Jesse.

Natigilan silang lahat sa akin. Ramdam ko rin ang pagtitig ni Jesse sa gilid ko pero hindi ko sya magawang tignan.

Tama lang siguro 'to. Na mag-break na lang muna kami kung di rin naman nya magawang magtiwala sa akin. Nakakapagod na rin kasi eh. Akala ko okay na ang relasyon namin dahil naiiwasan na namin ang mag-away pero hindi pa rin pala. Kahit anong gawin ko, napaka-immature pa rin nya.

Masakit, oo. Mahal ko sya eh. Kahit naman galit ako sakanya ngayon, mahal ko pa rin sya. Ang kaso kasi, sobra na sya. Lalo na kahapon na hindi man lang nya ko hinayaang magpaliwanag at talagang kinaladkad pa ko palabas ng school. Hindi lang yun, pinahiya pa nya ko sa harap ng maraming tao. Anong klaseng boyfriend ang gagawa nun sa girlfriend nya, di ba? Mas masakit yun kesa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

May biglang kumapit sa braso ko. Pagtingin ko, si Jesse. Sino pa nga ba? "Hindi pa tayo break, Selina." inalis ko ang kamay nyang nakakapit sa akin.

Not even his touch would make me change my mind.

"Kakasabi ko lang, di ba? Naging tayo. So, break na tayo." tinalikuran ko na ulit sya pero kumapit ulit sya sa braso ko and this time, mahigpit na ito.

"Wala akong matandaan na pumayag akong makipag-break sayo!" sigaw nya. Eto na naman sya sa pagpapahiya sa akin.

"Sige, Jesse! Ipahiya mo pa ko sa harap ng maraming tao! Gawin mo pa lalo yung makakasakit sa akin! Sige pa! Mukang kulang pa yung kahapon eh! Yung pagpapahiya mo sakin sa school grounds, yung pagkaladkad sa akin, at pati na rin yung pag-iwan mo sakin sa parking lot matapos mo akong sigawan!" nagsituluan na ang mga luha ko at nagsisimula na rin akong mahilo.

Nawala na ang lagnat ko nang makainom ako ng gamot kanina pero sumasama na naman ang pakiramdam ko ngayon. Nakakatawa na isang lalaki lang ang nagiging rason kung bakit nagkakasakit ako physically at emotionally. Hindi healthy ang makisama sakanya. Napatunayan kong tama ang naging desisyon kong hiwalayan sya kahit pa ayaw nya.

Natulala lang sya sa mga sinabi ko. Mejo lumuwag ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Nakakasawa na, Jesse! Palagi na lang! Wala ka bang pinipiling lugar, ha? Kahit saan ba pwedeng pwede mo kong pahiyain? Pinapalabas mo lang na wala akong halaga sayo kaya bakit pa natin ipagpapatuloy ang relasyon na 'to?" kinalas ko ang kamay nya sa braso ko. "Ayoko na, Jesse. Pagod na ko. Hindi ko na kaya pang makipagtalo sayo."

"P-pasensya ka na. Di ko agad naisip na masasaktan ka." sagot pa nya.

"Di ko akalain na ganyan ka na ka-tanga ngayon para hindi mo maisip agad na nasasaktan na ko." tumawa pa ko habang pinapahid ang mga luha ko. Para na kaming tanga na nag-aaway malapit sa CR. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang desisyon ko. Break na tayo, Jesse. Tanggapin mo na lang yun."

Paalis na sana ko nang bigla na lang akong mahilo nang sobra kaya napa-upo ako nang patagilid. Kainis naman 'tong lagnat na 'to.

"Okay ka lang?" inalalayan ako ni Jesse na tumayo pero inalis ko rin ang mga kamay nyang nakahawak sa akin.

"Natumba na nga, okay pa? Ang tanga mo nga talaga." at iniwan ko na syang nakatayo dun tulad nang pag-iwan nya sakin kahapon.

The Witness ActsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora