Act 2: Happy Birthday, Kira

1.3K 19 0
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 2

Happy Birthday, Kira

[Selina]

Pagod na pagod ako nang makarating sa condo unit ko. I missed this place! I missed my home! I missed my life!! I missed myself!! Okay, masyado nang OA.

Bago pa man ako makarating dito, pinilit pa ni Jesse na ihatid ako kaso, pinapatawag sya sa HQ nila doon sa kung saan man yung lungga nya kaya di ko na pinasama sa akin dito. Isa pa, nakakasawa na talaga ang pagmumuka nya. Mas okay na rin talaga 'tong maghiwalay muna kami pansamantala. Give me some aiiiir! Bwahahaha!

Ibinalik na rin nya itong phone ko sakin at nag-sorry pa sya dahil itinapon nya ang sim. Emty batt pa. Loko talaga ang isang yun. Mai-charge na lang muna at kailangan ko pang bumili ng bagong sim.

Ini-on ko ang phone ko at ang unang bumungad sa akin?? Alarm lang naman na nagreremind tungkol sa date ngayon.

December 16. Kira's birthday.

Shit lang. bat di ko naalala na ngayon ang birthday nya? Nakakaasar naman! Ganun na ba ako ka-walang kwenta para pati yun, makalimutan ko?! What the eff's happening to me?! Seriously?!

Inayos ko na ang mga gamit ko sa dapat nitong kalagyan at nag-shower lang ako sabay alis na ulit sa unit ko. Kakauwi ko pa lang, lalayas na naman ako agad. Pupunta lang ako saglit sa MOA para bumili ng regalo kay Kira.

Kahit na hindi ko alam kung matatanggap nya pa.

Bago ako pumunta sa MOA, dumaan muna ako sa Metropoint para bumili ng sim card sa mga nagtitinda ng mga prepaid cards sa labas nun. Matapos kong bumili, sinalpak ko agad sa di fully charged kong phone. Buti na lang at di ako nakabili ng phone kahapon dahil nga nawala ako sa mood nung hinanap ko yung familiar figure na nakita ko sa harap ng Sbarro kaya umuwi na lang ako.

Dala ko yung address book ko na naglalaman rin ng contact numbers kaya agad kong idinial ang number ni Kylie kaso, walang sumasagot. Tinry ko rin yung kay Mike pati na rin dun sa kambal na sina Reese at Rex kaso panay mga out of coverage area sila.

Tulad ko kaya, nakalimutan na nila ang birthday ni Kira??

Kesa magmukmok ako, dumirecho na ko sa MOA. Kung saan-saang stores na ko pumasok pero wala pa rin akong makitang pwede kong iregalo sakanya. Ito minsan ang nakakainis sa MOA eh. Ang boring na. Akala mo nung una, exciting kasi malaki 'tong mall pero pag nakapunta ka na, madidisappoint ka kasi di naman talaga 'to ganun kalaki. Sadyang malawak lang. Nakakatuwa lang yung mga nag-ooperate ng elevator, talagang nag-eenglish!

"Hi, ma'am!! pang-regalo po ba??" ain't it obvious? Kaya nga ako pumasok sa Blue Magic.

"Uhh, oo eh." sinundan-sundan pa ko nung babae.

Minsan, nakakainis rin yung mga ganito. Lalo na sa department stores? Yung may buntot nang buntot sayo? Nakakailang kasi. Paano kung nasa underwear section ka tapos bibilhan mo ng brief yung boyfriend mo eh sunod nang sunod sayo yung diser na nakatoka dun. Hindi ka ba naman mahihiya? Tapos tatanungin ka pa ng, 'Malaki po ba or maliit?' tapos maooffend ka eh ang tinatanong lang naman eh yung waist line ng jowa mo. Kakailang. O kaya pag panties ang kukunin mo. Nakakahiya naman kung makikita nyang large ang size mo.

Hindi naman lahat ng pupunta sa department stores, shop lifter. Bakit kailangan pang i-stalk?

Back to present. May nakita akong malaking stuffed toy na aso at kulay violet! Favorite ni Kira yung violet. Not to mention na sobrang cute at cuddly nung stuffed toy at malaki pa.

"Kukunin ko 'to." hinawakan ko yun tenga nung stuffed toy.

"Ipapabalot ko pa po ba?" nanlaki naman ang mata ko.

Paano nya ipapabalot ang ganung kalaking stuffed toy?

"Ahh, wag na. Ako na lang ang bahala jan." nginitian ko naman sya kahit nawiweirduhan na ko sakanya.

"Paul, kukunin daw ni ma'am 'to." sinenyasan nya yung lalaki sa counter.

Tinignan nung Paul yung stuffed toy tapos may kinuha sa kung saan at pumindot pindot na sa cash register. "Dito na lang po, ma'am." suplado ni kuya. Ang ganda ko tapos di man lang ako tignan habang sinasabi yun?

Lumapit ako sa counter kahit labag sa loob kong harapin yung lalaki. Nakita ko kung magkano yung price kaya kumuha ako ng 2k sa pitaka ko at binayaran na. Paglingon ko kung nasaan yung babae, inaayos na nya yung stuffed toy.

"Ako na lang. Thank you." sabi ko sakanya nang makita kong ready na syang dalhin yung stuffed toy na binili ko.

"Okay na po kayo, ma'am?"

"Yup. Okay nang ako ang magdala nito. Uwi na rin naman ako."

"Sige po. Thank you po." tumango na lang ako. Mataray ako ngayon eh.

Umuwi agad ako matapos kong bilhin yung regalo ko kay Kira kaso pagdating ko sa unit ko, nabadtrip lang ako.

"Why are you here??" naiinis kong tanong kay Jesse nanag maabutan syang nasa loob.

"Huh? What do you mean? I'm visiting you, I guess?"

"Jesse naman!!" padabog kong isinara yung pinto at pumunta sa kwarto para ilapag ko yung stuffed toy. Ang bigat eh. "Kakakita lang natin kaninang umaga! Kaya nga ako umalis sa bahay mo para makapagpahinga naman tayo sa pagtatalo tapos eto ka na naman?? Makiramdam ka naman." malamig kong sinabi sakanya.

"Teka nga, Selina. Wala naman akong ginagawa sayo tapos kakarating mo pa lang, aawayin mo na agad ako?"

"Anong wala? Iniinis mo ko."

"Tangina! Iniinis ka na ng presence ko, ganun ba?!!"

"Hindi naman sa ganun!! Ang akin lang, magsawa naman tayo sa muka ng isa't isa! Magpamiss naman tayo para pag nagkita ulit tayo, worth it na. Di ba??"

"So ayaw mo kong makita??"

Napa-facepalm ako. minsan talaga, ang kitid nyang mag-isip! Ito yung dahilan ko eh!

"Ewan ko sayo, Jesse! Ang kitid mong mag-isip!"

"Hindi ako makitid mag-isip! Ikaw 'tong may problema eh! Pagod ako sa byahe papunta rito tapos ito pang unang gagawin mo pagkakita mo sakin? Ineexpect kong may girlfriend akong yayakap sakin at matutuwa pero ano? Mali pala ko. Fine, Selina. Magkasawaan muna tayo. Maging masaya ka lang." pagkatapos nyang sabihin yun, dire-direcho na sya sa paglabas at umalis na nang tuluyan.

Hindi ko na napigilan kaya tumulo na lang nang tumulo ang mga luha ko.

Bakit ba ganun sya? Hindi nya ko maintindihan. Gusto ko lang naman na mamiss ko sya nang sobra para pag nagkita kami, sweet moments agad ang ibubungad namin sa isa't isa. Nakakainis!!

Niyakap ko yung regalo ko kay Kira.

If only Kira's here, makikinig lang sya sakin habang dumadaing sa mga problema ko. Sigurado rin akong ipagluluto nya ko para makalimot sa problema kong yun tapos manunuod kami ng nakakatawang movie para maitawa ko na lang ang dinadala ko.

Kaso, that's only an 'if' kasi ngayon, I still don't know if she's living or not.

Happy Birthday, Kira. I miss you.

-Selina.

The Witness ActsWhere stories live. Discover now