Act 8: The Cold Came

891 16 3
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 8

The Cold Came

[Jethro]

Can't they even tone their voice down? Kahit ilangguhit man lang? Kase, nakakaasar na. Alam ko naman yung ginawa ko dun sa city jail at di ko yun ipagkakaila pero bakit kailangan pa nilang pag-usapan yun? Eh pano nga ba yun nakalabas doon?

Tss. Palibhasa anak ako ng governor at siguro di ko talaga sila masisisi at mapipigilan sa pag-uusap tungkol sakin. Totoo naman kasi talaga yun. Nakakahiya mang aminin pero nanliliit ako ngayon. Dapat lang talaga sakin 'to. Sa katarantaduhan ko ba naman noon? Simpleng bagay na nga ito. Mas okay pa ata yung bigla na lang may susuntok sa akin kung saan at tatalakan ako ng masasakit na salita.

Pumasok ako sa Dean's office para magtanong lang sana. Naabutan ko si Ma'am Guevarra.

"Ma'am, excuse lang po. May itatanong lang sana ko." bungad ko sakanya pagkapasok ko.

"Sure, Marcos. Ano yun?" huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Tungkol po sana kay Kira Gonzaga--"

"What about her?" di pa ko tapaos magsalita ah. Ganun ba sya ka-excited malaman ang tanong ko?

"N-naging student nyo po sya, di ba?" tumango naman sya. "Meron po ba kayong number ng magulang nya?" pinanlakihan nya ko ng mga mata.

I know I sound weird for asking her about Kira who's been missing. Naaalala ko pa nga nung 1 week after pumutok ng balita sa TV stations about Kira, nagpa-prayer vigil sila para sakanya. Syempre di ko alam kung anong ginawa nila dun kasi guilty ako sa nangyari at di talaga kami nagpakita dun dahil baka pagpasok pa lang namin sa school chapel, lumiyab na kami.

Kung alam ko lang sana na darating ang pagkakataong ito-- na makokonsensya ako, edi sana pumunta ako para dun pa lang, namatay na ko dahil sa sobrang kagaguhan ko.

Tinanggal nya ang salamin nya at inilapag ito sa table. "Why are you asking for that, Marcos?"

Nanginginig na ang katawan ko. Sobra akong kinakabahan ngayon pero gusto ko talagang malaman kung nasaan sya ngayon.

"Meron lang po kasi akong importanteng bagay na gustong malaman kaya kailangan ko po silang ma-contact." sa itsura ni Ma'am Guevarra ngayon, di sya satisfied.

Eh ano pang sasabihin ko sakanya? Na pinsan ko si Kira? Who the heck would fall for that trick?? Malamang kung pinsan ko yun, edi sana kilala ko sya noon pa at pinapansin ko yun dito sa loob ng campus.

"I'm sorry, marcos. Pero kahit sabihin mo pa ang rason mo at ma-persuade mo ko, I can't give their number kasi wala rin ako nun." umayos sya ng upo at nginitian ako. "Wow, marcos. nag-iba ka na ha. Pumunta ka dito para jan kay Gonzaga na lama naman nating nawawala pa rin hanggang ngayon. Since when did you care for others?" so, di pa nya alam yung balita tungkol sa ginawa ko doon sa city jail?

Sasagot na sana ako kaya lang may kumatok at pumasok sa loob. Nagtagpo ang mata naming dalawa at mas lalo akong nanginig. Napalunok pa ko nang makita ko ulit yung mukha nyang yun. Ang ganda pa rin nya. Nakabalik na pala sila galing Palawan.

"Sige na, Marcos." napatingin na ulit ako sa dean na kausap ko at ngumiti.

"Salamat po." umalis na ko nang di man lang sya tinitignan.

The Witness ActsWhere stories live. Discover now