"Well, that's good for you."

"How about you? Do you have someone you love?"


Hindi ako nakasagot kaagad at hindi ko rin alam kung bakit nagflash sa isip ko ang mukha niya. Again, this conflicting feeling dominates my mind but I pushed it on the corner.


"No," matigas kong sagot at agad kong iniba ang topic. "Anyway, ano ba ang mga pangalang naisip mo?" I thought I asked something nonsensical but she smiled.

"If he's a guy, his name would be Marco. Kapag babae naman, Miles."

"Ahh..." Marco and Miles. Might as well remember those names just in case.

Bigla namang may kumatok sa pinto at nung narinig 'yun ni Minerva ay agad siyang tumayo.

"My time is up," sabay lakad niya papunta sa pintuan. "Goodbye. I hope we'll see each other soon."

"Yeah..."


Lumabas siya sa kwarto at nakita kong tinignan ako ni Kyo bago niya isinarado nang tuluyan ang pinto. I'm sure he saw my eye movement because I was about to repel the door but Minerva was on the way.

I punched the floor because I wasted that opportunity. Pero kung makalabas man ako sa kwartong 'to habang nandyan si Kyo, malaki ang probability na mahuli niya ulit ako, lalo na't hindi ko alam kung sa buong area ba hindi bumubukas ang Black Dimension.

Napahawak ako sa cards sa cloak ko at bigla kong naisip ang kwarto ko sa base. Naisip ko sina Kid, Dana at Keith pati na rin sina Rin at Sarah. They are the reason why I still want to serve my tribe.

It's not wrong to serve your family and comrades but I think you should be loyal to yourself first. You really won't understand anything if you can't accept your true feelings.

Minerva's words lingered inside my head after she said those days ago. I know that I kept denying my true feelings because it felt wrong. Right now, I have accepted the fact that I am confused of who I really am. Biologically, I am a Shinigami but after living with the Senshins, I learned a lot about their culture and somehow I have taken a liking on them. I realized that my ideals and judgment are more inclined with the Senshins.

Kung isasantabi ko sina Kid, Dana, Keith, Rin at Sarah, mas gugustuhin ko pang maging mag-isa na lang at pumunta sa kung saan-saan para makilala ko pa ang pinagmulan ko. Pagkatapos kong makasalumuha ang iba't ibang Erityian tribes, gusto ko pang malaman ang history namin bukod sa mga nakasulat sa libro.

But I can't.

Those people depend on me and I don't want to disappoint them. I know that they look up to me that's why I want to meet their expectations. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong talikuran ang tribe ko ay dahil marami akong gustong baguhin sa pamamahala kung ako man ang susunod na leader.

I don't want to run away with my responsibilities.

Bumalik naman sa kasalukuyan ang isip ko nung makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Nung pinakiramdaman ko nang mabuti ay narealize ko na nanggagaling sa baba ang ingay kaya naman nilapat ko ang tenga ko sa sahig. Naririnig ko ang maingat na paglalakad at alam kong paakyat na ang kung sinuman sa kwartong 'to.

Don't tell me those elders are here again?

Pinosisyon ko kaagad ang cards sa pagitan ng mga daliri ko at naging alert sa bawat paghakbang na naririnig ko sa labas. Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko ang dalawang tao, at isa sa kanila ay pamilyar ang mukha.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now