Chapter 54 Daniella's Cheating?

1.5K 29 5
                                    

Ella's POV

"Beshie!" tawag ko sa mga kaibigan ko sa canteen. Dalawang araw na ang lumipas simula nung hindi kami magkaintindihan ni Blake, pero naayos din naman agad namin yun. Siguro nga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, kailangan lang ng mahabang patience and understanding. Hindi kami pumasok nun, at nagdate lang sa carnival kasama si Kyle. Pinaliwanag naman niya sa akin lahat, kahit na gusto ko siyang tanungin pa ng tanungin eh hindi ko na ginawa. TIWALA na lang. Di naman siguro ako lolokohin ni Blake diba? ^___^  Sinabi pa nga niya sa akin na "Kahit gano pa kadami ang hahadlang sa atin, hindi ako susuko, hanggang sa sila ay mapagod at kusang huminto." Kinilig talaga ako dun!! Aba?! Bibihira na lang ang lalaking kaya kang ipaglaban hanggang sa huli!

"Hoy Ella! Tatawag tawag ka sa amin tapos di mo kami papansinin! Pakopya nga sa Taxation!" biglang balik ako sa ulirat sa sinabi ni jenn. Natulala ba ako?! 

"Hay nako Ella!! Wag mo yang papakopyahin! Matataasan ka lang nyan! Ako na ang nagsasabi sayo!" pabirong sabi ni Danine. Eto na naman tong dalawa!

"Wag ka ngang ano dyan! Palibhasa wala ka ding sagot!" buska pabalik ni jenn. Inirapan lang siya ni Danine.

"Oh! Wag na nga kayong mag-away dyan! Ito na yung sagot ko!" pagka-abot na pagka-abot ko ng yellow pad ay nag-agawan pa silang dalawa! Tignan mo?! Gagamit din naman si Danine, kinontra pa si Jenn! Mga kaibigan ko talaga! >.<

Habang kumokopya sila na parang ninja sa sobrang bilis nilang magsulat eh, dumating na sila Chin at Sheena. Teka, parang amputla ata ni Sheena?

"Sheena, okay ka lang?" tinanong ko siya. Alam ko nmang narining niya yun pero hindi siya sumagot. Napatingin din naman sila Jenn at Danine sa kanya dahilan para mahinto sila sa pagsusulat.

"She looks pale. Kanina ko pa siya tinatanong kung kumain na ba siya, sabi niya oo! Pero I doubt!" sabi ni chin at tinignan si Sheena na para bang sinusuri..

"Medyo nahihilo lang ako." nahihilo na naman siya?! Parang 1 month na ata siyang nahihilo ah?! Hindi kaya?

"Sheena, meron akong sandwich dito na favorite mo eh, wait, AYUN!" binigyan siya ni Jenn ng sandwich. Hindi ko alam kung anong palaman.

"Baka nalipasan ka lang ng gutom." sabi ko. Oo nga! Wag muna mag-conclude Ella! Imposible yun! Bago lang sila ni Aldrian! Di pa pwede yun!

"Salamat Beshies!" inalis ni sheena yung balit ng sandwich at kumagat na dun. Kaya lang..

Bigla siyang tumakbo ng CR dahil nasusuka siya. Dahil sa taranta namin ay agad kaming sumunod sa kanya. Pagdating namin ng CR eh siniguro muna naming walang iba tao dun tsaka namin ni-lock yung pinto. OMG! Sana wag naman.. yung alam niyo na?! 

"Sheena? Sigurado ka bang okay ka lang? May tinatago ka ba sa amin?" kalmadong sabi ni Chin. Ramdam kong iisa lang iniisip naming lahat. At mukhang tama nga ang hinala namin.

"Beshies, I'm sorry!!" nagulat na lang kaming lahat ng biglang umiyak si Sheena. So ano?! Totoo nga!? OMO!!!!

"Sheena.." niyakap siya ni Jenn para ma-comfort siya.

"I'm sorry Beshies, alam kong nangako tayo sa isa't-isa na wala na tayong secret secrets. Na magiging open tayo sa isa't-isa. Pero hindi ko yun natupad.... Beshies, I'm 6 weeks pregnant... at si Aldrian ang ama.." OMG! Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Sheena. Hindi ako makapaniwala! Ginawa talaga nila yun?!

I Love You To Infinity and Beyond - Book 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now