May sumalubong sa amin na babae. Di naman talagang 'sumalubong', nakasandal kasi siya sa dingding. Mukha siyang.. maangas. Sa poise and facial expression niya, di makakailang boyish ang dating niya. Ang sama ng tingin niya samin. Specifically, sa amin ni Sarah. Kay Sarah, syempre kasi delikado kapag nagwala to. Pero sakin? Di naman ako delikado sa iba. AKO nga ang nanganganib eh.

“Ikaw pala ang anak ni Landon?” tanong sakin ng babae.

“O-opo.” –ako

“Wag mo nga ako i-opo. Di naman lalayo ang edad natin, future cousin-in-law.”

Nagulat ako sa sinabi niya. I mean lahat kaming mga bampira at dhampir na nandito. Tiningnan ko si Erick and tiningnan din niya ako. Future cousin-in-law?

“Anong ibig mo sabihin?” –ako

“Di mo pa alam? Grabe. Bakit palaging huli ang bride sa balita?” –yung babae

“Sino ka ba?” –ako

“Olivia. Olivia ang pangalan ko. Ako ang pinsan ng mapapangasawa mo na anak ng pinuno namin.”

Huh? Wala naman sinabi si Dad tungkol dito ah. Ano ako? Prinsesa na galling sa isang kaharian tapos ipapakasal nila sa prinsipe ng kaaway na kaharian para magkaroon ng peace between the two kingdoms? Yaks. Ang drama. Prinsesa? Si Erick ang prinsipe ko! -.-

“Olivia. Wag mo ako pangunahan. Mabibigla lang sila sa iyo.” --??

Tiningnan ko ang nagsasalita. Siya yung pinuno ng mga lobo na nandun nung tumakas kami mula sa mansion. Pumunta siya sa harap namin.

“Cassandra. Sa wakas ay nagkakilala na din tayo.” –si pinunong lobo

Cassandra? Ay oo nga pala. Ako pala yun.

“Ano po ba ang kailangan niyo sa amin?” –ako

“Anak. Ikaw ang mapapangasawa ng anak ko. Kaya kita pinapunta dito para, sa mga ihahanda para sa kasal.”

“Anak?! Kasal?!”

“Oo.”

“Eh bakit wala naman po akong alam diyan?!”

“Wag naman masyadong mainit. Gagawin natin ito para sa kapayapaan ng mga lahi natin.”

Nosebleed ako dito kay lider. Talagang Tagalog lang ba dito?

“Hindi naman po pwede na wala kaming alam. Lalo na si Jean. Tsaka di naman po papayag si Sir Landon na mapangasawa niya ang isang lobo. Isa pa, may mahal po na iba si Jean and botong botong boto po sa kanya si Sir Landon.” –Abie

Napatingin kaming lahat kay Abie. Seryoso ang mukha niya and naka-cross ang mga arms niya.

“Oo nga naman, Sir. Baka naman po may ibang paraan diyan?” –Samuel

“Wala nang ibang paraan. Kailangan mapag-isa ang mga lahi natin para hindi na uli magkagulo.” –pinuno ng mga lobo

“Pero pwede naman po sa pamamagitan ng isang treaty, diba ho?” –ako

“Nasubukan na naming yan, hija. Pero wala pa ring nangyari lalo na nung magkagera. Ikaw ang anak ng pinuno ng mga bampira, kaya ikaw dapat ang mapakasal sa aking anak.” –pinuno

“You mean siya ang malalagot sa mga nagging away ng lahi natin?! Di yan pwede!” –Lauren

“Hindi naman ‘malalagot’ ang tawag diyan, hija. Magiging masaya din naman siya sa piling ng anak ko.” –pinuno

“Hindi siya sanay sa amoy ninyong mga lobo. At tama si Abie, sobrang mahal ni Jean ang kasintahan niya.” –Micah

Si Erick, nakatungo lang. Kita ko sa kanya ang lungkot. Nasasaktan siya. Ako din naman eh. Sobrang sakit na kailangang ako ang magbayad para sa alitan ng mga lahi namin. Pero anong magagawa ko? Para sa lahi din namin to. Pero hahayaan ko nanaman ba ang sarili ko?

“Masasanay din siya matapos ang ilang taon ng pagsasama nila.” –pinuno

“Eh pano kung hindi?” –si Erick. Ramdam na ramdam ang galit at inis sa tono niya. Di ko alam na pwede din siyang magsalita ng ganyan lalo na sa isang lider? Pero anyway, mahal ko pa din siya, and ganyan ako pag super naiinis and nagagalit na.

“Hijo. Ikaw ba ang sinasabi nilang mahal ni Cassandra?” –pinuno

“Oo. Ako nga. Gusto naming na mapag-usapan to kasama si Sir Landon. Siya ang ama kaya dapat kasama siya sa usapan.” –Erick

“Hindi naman papayag yung Si Landon. Wala siyang magagawa kapag ikinasal na sina Cassandra at ang anak ko.” –pinuno

May naisip ako.

“Eh sino ba kasi yang anak niyo?! Bakit kailangan ninyong ipagpilitan ako sa kanya?! Hah?! May damdamin din naman po ako! Nasasaktan po ako ngayon. SOBRANG nasasaktan! Bakit di na lang po pag-usapan?! Bakit kailangan lagging ako?! Dahil nanaman ba sa talent ko, ganun?! Eh sana nawala na lang yung @#$^ talent kong yan eh!” –ako

Tumutulo ang luha ko habang sinisigaw ko yun. Kailangan kong magpakita ng angas. At magagawa ko yun pag nilabas ko ang nararamdaman ko.

Medyo napapailag sina Erick, Sarah, Nikka, Lauren, Micah, Abie and Samuel. Yung pagkasigaw ko naman kasi, di masyado malakas. Pero yung mga lobo, nakatakip yung mga kamay nila sa tenga nila. Baka naman mas malakas ang effect sa kanila?

“Hija. Hindi naman ganoon iyon. Gusto lang naman naming na magkaayos na ang mga lahi natin. Kung sa usapan lang yun sa isang papel, marahil pwede rin iyong masira sapagkat nasa papel lamang iyon.” –pinuno

“Kahit na!! Ako nanaman? Hah?! Ako. Wow. Great. So @#$%^&* great!” –ako

“Hoy! Wag kang magsalita ng ganyan sa pinuno namin!” –yung babaeng lobo na boyish

“What do you @#$%^&* care?!” –ako

Nagpoise siya na parang aatakihin ako. Pinigilan siya nung pinuno nila. Sina Abie, Samuel, Lauren, Micah, Erick, and Sarah pinalibutan ako na parang poprotektahan ako. Si Nikka hinawakan ko na lang. Alangan namang lumaban din?

“Tama na ito. Ipapatawag ko na si Landon. Mag-uusap usap tayo bukas ng umaga. Ilagay niyo na lamang sila sa mga kulungan.” –pinuno

“Kulungan?! Di kami aso!” biglang lumabas sa bibig ko yun. Di ko sinasadya pero mukhang nainsulto sila sa sinabi ko. So, nevermind.

Kinuha kami ng mga lobo. Hiniwalay kami sa mga lalaki. Pinilit kong mawala sa pagkahawak sakin pero nanghihina din ako dahil sa amoy nila kaya di ko mapigilan. Hindi lang naman ako ang nagpipilit na kumalas eh. Lahat kami. Pati ang mga lalaki. Pero siguro dahil lang sa amoy nila kaya nanghihina kami.

Tsssssss.

Sinubukan kong gamitin ang visions ko. Pero wala eh. Ano ba yan! Bakit hindi ko magamit ang talent ko?! Yan na nga lang ang makakatulong samin eh not available pa!

Nakakainis!

Bakit pa kasi kailangang umabot pa sa ganito?!

Alam ko na may iba pang paraan.

Kailangan kong mag-isip ng paraan.

~~~~~~

The Dhampir's DaughterWhere stories live. Discover now