Level 10 -The Song Of Helena

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na sinayang pa ang mga natitirang oras kaya naman pumasok ako at nakita ko ang pag ka kipot-kipot na daanan madilim at napapaligiran ng mga bungo na naka kalat sa daraanan. Diretso lamang ang daan at walang daan para lumiko kaya naman ang mga paa ko ay patuloy sa pag lakad..

Hanggang sa. . .

Eucalyp Lord Guard/Lvl. 55 Type: Metal,Fire/ Eucalyp Lord Guard will guard the Ribbon who will be the key to entered the second floor. / 50567HP / 25678MP /

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa hawak kong wand.. habang nakatitig ng mabuti sa napakalaking halimaw na sa tingin ko ay napaka lakas. Ito ay may mga matitigas na armor sa katawan at ang kanyang mata ay parang naka tingin sayo ng napakasama. Hindi ako makagalaw sa takot. Anong gagawin ko?

"Meoooww." Ay anak ng kabayo!!

Nagulat pa ako biglang lumitaw sa harapan ko itong pusang ito. Kahit hindi mo pasiya sina-summon agad lumalabas hayyyy hihimatayin yata ako dito eh.

WAAAAAA umaatake na pala yung halimaw buti nalang naka iwas ako. Napaka laki ng espada niya at kulay blue pa siguradong durog ako dyan.

"Don't touch the Mighty Rosario Ribbon or else I will kill you." Wooohhhhhh nakaka takot siya.. Kahit ano pang mangyari kailangan kong makuha yung ribbon nayun.

kaya naman bahagya akong lumayo pero sinusundan parin niya ako ng tingin. Umilaw ng napakaliwanag ang kaniyang mga mata habang naka titig sa akin. Ano kayang balak niyang gawin?

"Bind Clock!" Nag liwanag ang buong paligid sa atake niyang yun.. bakit wala akong maramdaman para bang dinadala niya ako kung saan. Teka anong klaseng atake ba ito?

Bind Clock- Who will be the one who suffering the heartache the Bind Clock will bring you to eternal life, your mind will be into illusion and it takes you to your sought. If you are not already wake up on time you are out.

Nasaan ako? na disconnected ba ako?

"Kezzar? gising na darating na ang sundo mo?"

"Ha? Ate bakit ako nandito?"

"Ano kaba.. ikaw talaga tumayo kana dyan at papasok kapa sa school hindi ka nga raw magising ni Madam Lee kaya ako nalang yung nag prisinta na gisingin ka."

Diba dapat nasa. . . bigla akong napatingin sa lamesita malapit sa akin at doon ko nakita yung Nerve Gear ko. Ibig sabihin hindi ako nag Online ngayun? at nananaginip lang ako. Bumangon ako at isinuot ko yung pambahay kong tsinelas at lumabas ako ng kwarto bumaba ako ng hagdan mula rito nakikita nakita ko na sila mama at papa na naka upo na sa hapag kainan.

Lumapit sa akin ang isang Maid.

"Young Master naka handa na po ang lahat ng mga paborito ninyong pagkain. Maupo na po kayu kanina pa po kayu hinihintay ni Madam at Sir." Tumango nalang ako, lumakad ako papalapit sa kanila nakita kong napansin narin nila ako.

"Oh Kezzar halikana pinaluto ko ng lahat para sayo."

"Ngayon ang araw para iwan mo ang school mo at mag-transfer ka sa Ishidawa School. Ayoko ng school na pinapasukan mo ngayon kaya naman napag disisyunan namin ng papa mo na ilipat ka."

"Pe-Pero ma.. malapit ng matapos ang third quarter pakiusap hayaan niyo na ako sa school ko.."

"Hindi maaari ang sinasabi mo Kezzar gusto mo bang yang pumasok sa utak mo ay puro nalang pag lalaro?" kahit na mahinahon ang pag kakasalita ni mama alam kong galit na siya.

Marami na kasi akong anging kaibigan sa School ko. bakit ganun akala ko ba hindi na ako ilipat.. napaka gulo nila ayoko na.... hindi ako papayag.. kaya naman bigla akong tumayo sa kinauupuan ko laking gulat nila mama na ginawa ko yun sa harap ni papa.

F A T E Underworld OnlineWhere stories live. Discover now