Meetup 44

1.5K 41 9
                                    

Meetup 44: Positive.

Property of Momo_Ayren

Date updated: September 26,2015

(Nike‘s POV)

3 araw na ang nakakalipas mula nung nag-usap kami ni Auntie.  Napapa-tulala ako pag naiisip ko iyon.

(Flashback)

"Sige na Nike. Partson University in South Korea is the most best university in the entire earth. Sana hindi mo aksayahin ang offer na‘to. I‘ll give you time to think. You can go now,"

(End of flashback)

ANO BA??!!

KAINIS!

"Oh Puds, hindi ka ata mapakali?" tanong ni Pudding, halata yung pag-aalala niya. Awww...so sweet~

"Oo nga Nike. 2 araw ka nang ganyam ah. Ano bang meron?" tanong naman ni Poseidon. Tumango-tango naman yung barkada.

"Eh kasi...*sigh* Binigyan ako ng offer ni Auntie Carla. Pag-aaralin niya daw ako sa South Korea," sabi ko. "HUWAG MONG TANGGAPIN," sigaw ni Pudding ko.

"Hindi ko naman talaga tatanggapin yun, mapilit si Auntie Carla eh," sabi ko, ayun napa-suntok naman si Pudding ko sa lamesa. "How dare Auntie Carla do that!" tatayo na sana si Pudding ko at susugurin na sana ang Principal‘s office pero pinigilan ko siya.

"Pudding, hindi ko naman yun tatanggapin eh," sabi ko. "Promise?"

"Promise," sagot ko sa kanya. Hinalikan niya ako ng madali sa lips. Nagkunwari namang nasusuka yung barkada. Inggit lang sila!

"Alam niyo, noon nag-aaway kayo. Grabe nga kayo eh. Parang aso‘t pusa tapos ngayon ewan ko nalang. Naghahalikan pa sa harapan naman. Kaderder lang," sabi ni Artemis.

"You‘re so tama, Artemis. Opposites do attract talaga," sabi naman ni Athena. "Parang tayo lang," biglang sabat ni Zeus. Napa-‘tss‘ nalang si Athena. Hahahaha. Ang cute nila.

"Inggit lang kayo!"

--

Papunta akong CR ngayon. Mag-isa lang ako. Nauna na yung barkada pati si Pudding. Pinauna ko na.

Habang nag-lalakad papuntang CR ay may napansin ako. Bakit parang sa mga nakaraang araw wala nang nanggugulo sa amin ni Pudding? Hindi na nagpaparamdam si Aphrodite eh. Nag-sawa na siguro sa kaka-try ng paninira sa relasyon namin ni Pudding. Mag-dusa siya!

Sabi din sa akin ni Pudding na si Aphrodite pala ang nag-sabi kay Kuya Hermes na si Pudding ang nakapatay kay Papa. Sa ngayon, unti-unting bumabawi si Pudding kay Kuya sa pamamagitan ng hindi pagpapa-iyak sa akin. Sabi ni Kuya isang luha lang daw lumabas mula sa mga mata ko mapapatay na daw niya si Pudding. Magpapadala daw siya ng synthetic rice dun sa bahay nila tas ipapa-bomba niya rin daw yung bahay nila Pudding. Natawa nalang ako. Joke lang yun ni Kuya noh! Alam niyo naman kung gaano yun ka-protective pagdating sa bunso niya kahit hindi niya talaga ako totoong kapatid. Tinatakot lang ni Kuya si Pudding.

Pagka-pasok ko sa CR ay naalala ko. BUKAS NA NGA PALA ANG GRADUATION. Eme se excited!

Magre-rehearsals nga pala kami mamaya.

Pagkatapos kong mag-CR ay may nakita akong isang babae na ayaw kong makita o nakikita.

Si Aphrodite.

Mugtong-mugto ang mga mata niya. Putlang-putla siya. Wala siyang make-up na nakalagay sa mukha niya.  Walang jewelry, walang make-up, walang suot na mamahaling damit. Tanging uniform lang namin ang mahal. Simpleng-simple siyang tingnan. Nagulat ako sa nakita ko.

"Ano na namang pakulo ‘to Aphrodite? Ginagaya mo style ko para ma-agaw mo sa akin si Nikko? Please, pwede ba--"

"Please rin Nike, ayoko na. Pagod na ako. Ayoko nang agawin si Nikko sa‘yo. Sa iyo na siya. Sobra na akong nasasaktan," sabi niya at nag-sisimula nang umiyak. Napaluhod siya.

"I‘m sorry Nike. I‘m so so so so sorry. Please forgive me from what I did. Mahal na mahal ko lang si Nikko kaya ko iyon nagawa. Please, I‘m so sorry. Please, forgive me," sabi niya habang humihikbi at nakaluhod sa harapan ko.

Naawa naman ako sa kanya. Ano ba. Kahit naging bad siya sa akin, pinag-sisisihan naman ata niya yun. Hindi naman ako ganito ka-pusong bato para hindi siya patawarin at hindi ako maawa sa kanya. Nag-sisisi naman siya eh. Halata sa mga mata niya.

Lumuhod naman ako sa harapan niya at niyakap ko siya.

"Shhh...tama na Aphrodite. Apology accepted," sabi ko tapos pinunasan yung mga luha niya at nginitian ko siya. "Talaga? Ganun- ganun lang?"

Tumango ako.

"Friends?"

"Friends." sabi ko. "Promise Nike, hindi na ako manggugulo sa inyo ni Nikko. I‘m so happy na sa huling pagkakataon ay nagka-bati na tayo. I‘m going to States. Please take care of Nikko." sabi niya at umalis na.

Naiwan naman ako dun sa CR. Para akong estatwa. ANO? AALIS NA SIYA? AGAD AGAD? KAKABAGO LANG NAMIN NAGING FRIENDS EH!

Tumayo ako at may napansin akong parang isang puting parihabang plastic. Kinuha ko iyon. Kay Aphrodite ‘to ah.

Pregnancy Test?

May dalawang naka-ukit na linyang pula.

Hindi.

Tumakbo ako para habulin si Aphrodite. Nakita ko naman siya agad.

"Buntis ka?" tanong ko na malapit nang umiyak. Namilog naman ang mga mata niya. "H-hindi." kinakabahan niyang sagot.

"Anong hindi?! Alam kong sa‘yo ‘to Aphrodite. Nahulog mo ‘to tama? Sino ang ama?" lakas loob kong tanong. Please ‘wag naman sana.

Umiyak na siya. Grabe ang pag-iyak niya at humihikbi pa siya.

"I‘m so sorry Nike. S-si Nikko a-ang ama. A-ayaw ko naman talaga ‘tong s-sabihin sa‘yo eh. Sorry Nike. I‘m so sorry."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Tumutulo na ang mga luha ko.

"Nike, sino ba yang--" sinampal ko kaagad si Pudding. "Kala ko ba mahal mo ako. Paano mo‘to nagawa sa akin? Favor lang. Panagutan mo yung bata. Break na tayo." tapos nun ay umalis na ako ng Partson at pumunta sa isang lugar kung saan makikita ko yung babaeng iyon.

Isang ngiti ang bumungad sa akin nung mahanap ko siya ngunit nawala ito ng mapansin niya ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko.

"Auntie, Tinatanggap ko po yung offer niyo.Pupunta po ako ng South Korea."

"Are you sure?"

"Sobrang sure."

-------------
VOTE VOTE VOTE

COMMENT VOMMENT COMMENT

SHARE SHARE SHARE

UP NEXT!

Epilogue.

-Ayrenxx

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoWhere stories live. Discover now