Meetup 38

1.2K 48 2
                                    

Meetup 38: Btch in Beach

Property of Momo_Ayren

Date updated: September 18,2015

(Nike‘s POV)

"Huh? Bakit? Anong meron sa mukha ko?" hindi namin namalayan na lahat na pala kami ay nakatingin na kay Aphrodite.

Ewww. Ang pabebe niyang kumain.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Maya maya ay ganun din ang ginawa ng barkada.

"Ang liit naman ng kinakain mo Nikko." sabi ni Aphrodite. "Hindi ka ba inaalagaan ng girlfriend mo?" tanong niya. "FYI--" bago pa man makasatsat si Athena ay binara ko na siya.

"Pupunta muna ako ng CR." sabi ko at tumayo na‘t umalis. Pagdating doon ay naghilamos ako ng mukha. Nike, ok lang yan. Ok...lang..yan.

URRGHHH!! NAPAKA-TINAPA NAMAN NG APHRODITE NA YUN! ANONG HINDI INAALAGAAN SI PUDDING KO?! FYI! MAHAL NA MAHAL KO IYON AT AYAW NA AYAW KONG NAGUGUTOM AT NASASAKTAN ANG PUDDING KO! BWISIT SIYA! MAMATAY NA SIYA! PAPATAYIN KO SIYA!

Ok Nike. Inhale ... exhale. Inhale pa. Exhale pa. Ok na ako. Ok na ok. Ok?

Palabas na sana ako ng CR ng nakasalubong ko ang babaeng gusto kong patayin. Si Aphrodite. Hindi ko na sana siya papansinin ng bigla niyang hinila ang buhok ko. Arayyyy!!

Ang sakit ah!

"Ano ba ang problema mo?" inis kong tanong sa kanya. "Problema ko? Ikaw. Layuan mo na si Nikko." sabi niya.

ANONG SABI NIYA?!

"Hah! Bakit naman ako lalayo sa BOYFRIEND KO."

"Oh c‘mon! Alam naman nating lahat dito na PANG REBOUND KA LANG! Ako naman talaga ang totoong mahal ni Nikko and halata naman na...mas nakakalamang ako sa‘yo. Bakit? Maganda ka ba? Eh kuko ko lang nga yang pagmumukha mo eh. Mayaman ka? Well I guess your not. So, if I were you...I‘ll stay away from Nikko kasi wala ka namang panlaban sa akin eh." sabi niya.

May biglang kumurot ko dibdib ko. Shet. Bwisit. Natamaan ako dun ah. Parang gusto kong umiyak, pakshet.

"M-mahal ako ni...ni Nikko. Alam ko yun kasi n-nag promise siya sa akin." sabi ko. Bigla naman siyang bumanat.

"Promises are meant to be broken." tapos nun ay umalis na siya. Napaupo naman ako sa sahig.

Mahal nga ba talaga ako ni Pudding?

--

Naglalakad ako ng mag-isa papuntang rooftop.ay surprise daw kasi ang aking pudding nang may 2 babae ang humarang sa akin at bigla akong sinampal ng magkasabay. Oh diba, eh di left and right lang naman ng pagmumukha ko ang natamaan. Bwisit!

asdfghjkl!! qwertyuiop!! zxcvbnm!! Nakakainis na ‘to ah! Mukhang alam ko na kung sino ang salarin dito eh!

"Ano ba ang problema niyo?" inis kong tanong. "Wala. Pero sa yung nagpa-utos sa amin nito...meron." sabi ng isang babae. Hindi ko sila namumukhaan eh. "Did you know that Aphrodite is a--"

"Aishhh! Diba sabi ni Aphrodite secret lang ‘yon?! Bakit mo sasabihin? Tanga lang?"

"Eto naman. Oh, sorry." sabi nung isa. "Basta, if you don‘t stay away from Nikko...ikaw lang din ang labis na masasaktan." sabi pa ng isa at umalis na silang dalawa.

Nakakainis.

Ano ba naman yung Aphrodite na yun. Shunga lang? Diba girlfriend siya ni Nikko tapos bakit iniwan-iwan niya tapos ngayon babalik-balikan niya na ako na ang mahal ni Pudding! Nakakainis!

I Met A Gangster Whose Name Is Nikkoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن