Meetup 12

3.4K 92 32
                                    

Author's note:

Airi Suzuki- Scarlet Sanchez

Choi Jong Hun- Gerard Fernandez

Tetsuya Kakihara- Nathan Keironeel

Hero's SARSHI- GJ Lopez

Hero's Yu-ta- Roro Conboltu

——-

Meetup 12: Fantasy Tale

Property of Momo_Ayren

Date updated: May 4,2015

(Nike's POV)

Stalker.

Stalk-er.

Isang taong umaaligid sayo ng pasikreto. Taong kumukuha ng impormasyon tungkol sayo. Maaaring obsessed sayo ang taong to.

Yan yung nabasa ko sa English-Filipino na dictionary.

Nainis nga ako eh. May nakita akong Poseidon sa dictionary tapos meron din dun ang definition tapos ganun din kay Athena, Artemis at Zeus. Naiinis talaga ako kasi WALANG NIKE! Kala siguro nila brand ng sapatos eh pero hindi. Ni-ke naman ang paraan kung paano basahin ang name ko as Nik-ki hindi Nayk. Hayyy. Panlalaki yun ano.

1 week na since nangyari yung harutan namin doon sa bahay nila Black sheep pero sabi ni Athena eh bahay ko na din daw. Ayun, medyo nakakapag-adjust nako atsaka dumalaw naman doon sa mansion si Mama at kuya kaya ayun di ko pa sila masyadong namimiss.

1 week narin ang nakakaraan. Nangangalap lang kami ng impormasyon kung sino yung stalker ni Black sheep pero wala talaga kaming ideya kung sino yun atsaka wala naman din masyado kaming alam tungkol sa stalker na yun. Di na kami nag hire ng private investigator eh sa trip ni Black sheep na mag ala spy o secret agent ngayon! Pero alam niyo 2 araw ng nakakaraan pero may nararamdaman na akong pagka-weird. Eh kasi naman noon may namimicture lang sa akin kung kasama ko si Black sheep pero ngayon kahit wala na si Black sheep eh may namimicture na! Feeling ko nga eh andito rin siya sa library at kumukuha ng pictures ko sa di kalayuan.

Hayyy.

Ang alam lang namin sa stalker ni Black sheep eh isang JaDine Fan. Eh kasi naman nung isang araw eh nagaaway kami ni Black sheep ng biglang may namicture sa amin then tiningnan namin sa kung saan nanggaling ang tunog tapos bawat sulok kaso wala kaming nakita pero may nakita lang kami na isang JaDine na keychain kaya ayun.

Tumayo nako sa upuan at lumabas na ng library. Magbe-bell na kasi eh. Habang pababa ako eh may 4 na babae na humarang sa akin. Uh-oh mukang kasali to sa fansclub ni Black sheep.

Hindi.

Mukhang di sila kasali ang kakapal ng make up eh. parang clown lang.

Papatuloy nalang sana ako ng paglalakad at di na sana sila papansinin ng bigla nilang hinila ang buhok ko at papunta ata kami sa likod ng school. Ang sakit ah. Gusto ko nang umiyak sa sakit.

Tama nga ang hinala ko eh at itinapon niya ako sa lupa nung nakarating na kami sa likod ng school.

"Bagay lang yan sayo!"-clown 1

"Your so bitch kaya alam mo yun?! Nikko is ours."-clown 2

"Yeah, and you two aren't fit for each other because your poor and he is rich. Poor Nike dukha. Awwww."-clown 3

"I think she's going to cry na. Awww."-clown 4

"Kaya nga eh. Awww."-clown 3

Ito talagang mga to. Kelan ba nila ako tatantanan?! -____- Nakakainis na talaga ha. Ilang linggo at months na ba nila akong ginaganito? Mapupuno na talaga ako sa kanila ha!

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoWhere stories live. Discover now