Meetup 21

1.7K 48 2
                                    

Meetup 21: Quarrels and Bars.

Property of Momo_Ayren

Date updated: July 12,2015

(Nike's POV)

"Ate, may good news. Natanggap ako sa trabaho!"

Ha?

"Ano?!"

"May trabaho na ako. Hindi ka ba natutuwa ate?",tanong niya.

"Diba sabi ko hindi mo kailangang maghanap ng trabaho?",sabi ko. "Eh nahihiya na ako sa iyo ate eh.",sabi niya.

"Maika..."

"Ate..."

"Ok. Payag na ako. Ano ba yang trabaho mo?",tanong ko. Lumaki naman ang mga mata niya. "Uhhh..."

Tiningnan ko pa siya ng maigi. "Uhh...ano..."

"Ano?"

"Isang...cook ate.",sabi niya.

Cook?

Ok na siguro yun. "Anong restaurant ba yan?"

"Uhh..di ko po alam."

"Ang galing naman ng pangalan ng restaurant na pinag-applyan mo. Di ki po alam. Ang galing ah.",pangongomedya ko sa kanya. "Ate naman eh!"

"Hihi. Oh,bakit di mo alam?"

"Eh kasi...nakalimutan ko?"

"Bahala ka,basta hindi yan Bar  o kung ano na magpapahamak sa'yo.",sabi ko. Ngumiti naman siya. "Salamat ate.",sabi niya tapos niyakap ako.

"Sus,ikaw pa.",sabi ko naman at ibinalik ang yakap sa kanya.

---

(3rd person's POV)

2 HOURS EARLIER...

"Maika, anong ginagawa mo dito?"

"Uhhh...Naghahanap ng trabaho?",patanong na sagot ni Maika.

"So ginawa mo na pala ang pinagawang misyon sa'yo ni Venus? Tara,tutulungan kita."

Sabi ng lalaki at tumalikod tas naglakad. Sumunod naman ang dalaga sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang matao at maingay na lugar. Walang reaksyon ang dalaga sapagkat sanay na siyang pumasok doon at nagbago na rin ang dalaga. Mula sa iyakin at mabait nagi na siyang seryoso at nag-iba ang mga mata ng dalaga.

"So, Maika. Kamusta?"

"Ok lang."

"Hindi ka talaga masyadong nagsasalita. By the way, anong posisyon gusto mo?",tanong ng binata.

"Ganun ganun nalang? Tatanggapin mo'ko agad?",tanong ng dalaga. "Eh bakit ba hindi? Atsaka total, utos naman yan ni Venus eh tatanggapin na kita.",sabi ng binata.

"Bartender."

"Kaya mo ba yan?"

"Pipiliin ko ba yang posisyon na yan kung di ko kaya?",pamimilosopa ng dalaga. "Chill ka lang ok? Wag highblood agad. May dalaw ka ba?"

Tiningnan naman siya ng masama ng dalaga. "Sorry na.",sabi naman ng binata. Inikot na lamang ng dalaga ang mga mata sa inis. "Sige,kelan ka magsisimula?"

"Bukas.",sabi ng dalaga.

"O sige. Regards mo nalang ako kay Nike kahit di ko pa siya nakikita.",sabi ng binata tapos kinindatan ang dalaga.

"Tumahimik ka jan Luke.",sabi ng dalaga.

"Wag na wag mong paglalaruan ang ate ko."

---

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoKde žijí příběhy. Začni objevovat