Meetup 32

1.3K 49 4
                                    

Meetup 32: Paradise Academy, the Hell Academy.

Property of Momo_Ayren

Date updated: August 19,2015

(Nike‘s POV)

Tinawagan ko si Vexy at nagpadala ako sa kanya ng damit at maliligo nalang kami dito habang sila Black Sheep namin ay tinawagan rin ang mga sugo nila sa bahay at nagpadala ng damit. Naiinis talaga ako sa nangyari kanina. Nakakahiya kaya yun!

Ilang oras pa kaming naghintay rito at dumating na si Vexy at yung mga sugo nila sa kani-kanilang bahay na nag dala ng damit para sa kanila. Buti nga at dalawa ang pinatahi kong bagong uniform. Nung nahanap na namin nila Airi ang shower room ng mga girls ay pinaalis ko na si Vexy at binalaan sa mga nagtatapon ng bagoong sa paligid ng campus.

Hindi na naman ako nag-alala ng may dala pala siyang raincoat at payong. May helmet pa. Natawa naman sila Artemis sa inasal ni Vexy. Ang sabi nila para daw‘ng abnoy si Vexy. Natawa na rin ako. Buti nga at meron si Vexy para pampa-good vibes kahit papaano.

Sinirado namin ang shower room at ayun, naligo na. May shampoo na naman eh at may sabon na rin kaya ayun. Nung nagsha-shampoo na ako ay para bang hindi naman bumubula ang shampoo nila at sobrang lagkit pa. Bahala na. Kakaiba yung shampoo nila dito ah.

"AHHHHHHHHHHH!!",sigaw ni Athena.

Nagsuot naman ako ng towel at lumabas. Ganun rin sina Artemis. "Anong nangyari Athena?",tanong ko. "YUCCCCCKKKKK!",sigaw niya na may halong pandidiri. "BAKIT SIPON ANG NASA LOOB NG LALAGYAN NG SHAMPOO?!",sigaw niya.

O______O

SIPON?!

"Lagot.",sabi ko at nagmadaling pumasok sa isang stall at binanlawan ang buhok ko ng paulit ulit. Ganun rin ang ginawa nila Airi at Artemis. Ang tanga ko naman at hindi ko napansin na sipon pala ng tao ang nasa loob ng lalagyan ng shampoo dito sa shower room. Kaya naman pala hindi bumubula.

Nung sa tingin ko ay nawala na ang lagkit ay pinatuyo ko na ang buhok ko. Phewww~

Nagbihis na rin kami at ayun. Bad trip uli kami. Paradise Academy, its like ... hell academy. Urghhhhh!!! Nakaka-inis!

Nung natuyo na ay ang gaspang-gaspang ng mga buhok namin, lalo na si Athena. Lugmok na lugmok pa ang mukha niya. Kawawang Athena. Nung nagkita na kami ng boys ay mukhang badtrip na badtrip din sila. Yung tuwalya daw kasi nila nilagyan ng mga ipis at butiki ng mga estudyante. Nakalimutan kasi daw nilang i-lock ang pinto tas yung sipon din daw yung nailagay nilang shampoo sa ulo.

Urrghhh!

Badtrip kaming pumunta sa leisure room. Nagtaka naman ako ng may nakita kaming mga estudyanteng hawak hawak ang mga cellphones nila habang nakatingin sa aming naglalakad. Nung una, kinabahan ako pero kalaunan naisip kong baka dahil yun sa bagoong kanina.

May  tig-isa namang lalaking estudyante na tawang-tawa na lumapit sa amin at ipinakita sa amin kung ano ang nasa cellphone nila.

O______O

Namula naman ang mukha ko ng makita si Black sheep na naliligo sa loob ng isang stall ng...NAKAHUBAD!

Tinakpan ko naman agad ang mukha ko. Pulang pula ako. Ene be yen! Tiningnan ko si Black sheep na titig na titig sa cellphone. OH NO! Baka yung akin yan!

Tinakpan ko agad ang mga mata niya at umalis na yung mga estudyante na tawang-tawa dahil sa mga facial expressions namin. Pulang pula talaga ako shemms...

Tiningnan ko naman sina Artemis. Sila rin, pulang pula yung mukha pero nakatunganga. Wahhhhh~ SOBRANG NAKAKAHIYA NA TO!!!!!

Inalis naman ni Black sheep ang kamay ko sa pagkakatakip nito sa mga mata niya. "S-sorry--"

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoWhere stories live. Discover now