Meetup 30

1.5K 49 5
                                    

Meetup 30: Left with a decision.

Property of Momo_Ayren

Date updated: August 16,2015

(Nike‘s POV)

"Ate..Mahal kita."

Napa-upo naman ako galing sa pagkakahiga dito sa kama ko. Narinig ko ang boses ni Maika. Sure ako pero alam kong patay na siya. Isang linggo na since nangayari yun at kahapon lang ay inilibing na ang nakababatang kapatid ko. Miss na miss ko na siya.

Naiinis ako sa sarili ko at sa mga panahong iyon, wala akong nagawa para mabuhay pa siya. Kung hindi lang sana ako naging mahina baka...buhay pa siya ngayon. Nagsimula naman akong umiyak.

Hindi ko na kaya eh. Naiinis ako sa sarili ko. Napaka-hina ko kasi.

Nag-ring naman ang cellphone ko.

Mukushitsuna bokura no sekai wa...kirameita toki wo nazotte dekita~

Pambihira. Nang-iinis ka ba Lord?! Urghhh...favorate song yun ni Maika eh. Yung glitter. Urghhh. Tiningnan ko kung sino.

Vexy...

-____-

Binasa ko ang message niya. Ang sabi:

From Vexy:

Amo, gising na po ba kayo? Handa na po ang almusal. Nasa baba lang po ako, nagwawalis ng bakuran. Paparusahan niyo po ba ako?

Eh? Nasa bakuran lang naman pala siya at bakit kailangan niya pa akong i-text? Eh di sana ginising niya nalang ako. BAKIT BA SIYA HINGI NG HINGI NG PARUSA?!

Hindi na ako nag reply. Wala akong load, still naiinis ako. Naaalala ko si Maika dahil sa ringtone ko eh. Handa na daw ang almusal kaya umalis na ako ng kama ko at inayos ito. Tiningnan ko ang isang maliit na cabinet na nasa gilid ng kama ko. Ang kalat kasi, kaya inayos ko na rin.

Nagtaka nalang ako ng may isang papel ang nahulog sa sahig. Kinuha ko ito at lumungkot naman ang mukha ko nung nalaman ko na may sulat doon para sa akin na ginawa pala ni Maika noong nabubuhay pa siya.

Dear Ate,

Ate, sorry sa mga gagawin ko ah. Sana maintindihan mo. Mahal na mahal kasi kita kaya gusto kong ma-solo kita. Simula nung nagkawalay tayo ay yun na ang pangarap at panalangin ko sa Diyos na sana makasama kita uli ng panghabang buhay.

Oo ate, ako si Mikaela Forteza. Ela for short. Ang nakababata mong kapatid.

Nasaan ako nung sa panahong nagkawalay tayo? May isang lalaki ang kumupkop sa akin at dinala ako dito sa syodad. Mabait naman siya, may mabait siyang anak na babae na kasing edad mo lang, biyudo siya at mayaman. Walang araw ate na hindi ako nagdadasal sa Diyos na sana magkita na tayo at sana hindi mo ako kinalimutan.

Tinulungan ako ng nagkupkop sa akin na hanapin ka tapos ay pinasali ako ng kanyang babae sa kanyang gang na ang tawag ay x-axis. Oo mabait siya but she‘s a gang leader. Sakto, nung nahanap ka na kita ay may isang misyon na pinagawa sa akin ang patayin si Nikko Partson. Nung una ay hindi ko sana tatanggapin yung misyon na iyon eh kaso ang sabi nila ay magsyota daw kayo at pinapahirapan ka daw ni Kuya Nikko. Nainis ako kasi...araw-araw mo silang kasama habang ako...nangungulila sayo, kaya tinanggap ko ang misyon.

Sorry ate. Mahal kita. Sana maintindihan mo,para sa atin din ito. Sorry na din para sa mga taong madadamay.

PS. May impormasyon ang x-axis sa inyo dahil nag hire sila ng stalker noon. Please, don‘t forget me and make me as a glitter in your heart.

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora