Napangiti ako ng mapalingon ako sa gilid ko. Nandito kasi yung kabigan ni Maddy na si Megan. HAHAHA xD maganda, makinis, sexy at uhlalalam.. Seryoso syang nakatitig sa malayo, sinusundan nya ng tingin sila Maddy.

At dahil bored at wala akong love life kaya kina-usap ko sya.

“ahemm ahemm! Summer ka ba?” napatingin sya sa akin na may pagtataka.

“bakit?”

“Ang hot mo kasi” sabi ko sabay wink ^__*

“hehehe” napipilitang tawa nya at nag roll pa ng eyes.

Tsk! Pa hard to get pa kasi eh. Mga babae talaga, kunwari hard to get pero sa totoo kinkilig na pala.

“Hindi ka ba na iinggit sa kanila?” sabi ko sabay sumimpling inakbayan sya.

“Excuse me, di tayo close kaya wag mo akong ka usapin.” Sabi nya at tinanggal ang kamay ko na naka akbay sa kanya..

Hindi pala close ha.. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at mahigpit na inakbayan sya.

“Oh ayan close na tayo.”

“Ano ba, lumayo ka nga sa akin” sabi nya at tinanggal ulit ang kamay ko sabay KABOOOM sinampal ako. T__T

Syeet, wala pang na naka sampal sa akin na babae ah, sya pa lang. Magsasalita pa lang sana ako ng umalis sya. Aba, badtrip yung babae na yun ah… Ang gwapo kong mukha sinampal nya? Syeeeeet lang talaga!

*CHARLES POV

Mahina lang yung takbo namin ni Maddy. Nasalikuran ako ni Maddy kasi ako yung nag co-control sa takbo ng kabayo.

Nalilipad ng hanggin ang buhok ni Maddy kaya na aamoy ko ito. Aba amoy Palmolive ah! Sa posisyon naming ito ay para na akong nakayakap sa kanya. Inilagay ko ang mukha ko sa left shoulder nya, napatingin naman sya sa akin at ngumiti.

Isiniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya, ang sarap kasi sa pakiramdam. Sana ganito palagi, masaya at walang sagabal.

At dahil napagtripan ko, so I kick the horse in its left side, mahina lang naman ito kaya hindi masyado mabailis kung tumakbo yung kabayo. Nagulat si Maddy dahil sa pag-iiba ng takbo ng kabayo. Mas mabilis na kasi ito ng konti kay sa kaninang mahina at tila naglalakad lang.

Napahawak sya sa kamay ko dahil sa gulat. “Charles, bakit biglang bumilis?” tanong nya.

“Para ma enjoy natin. Just calm down. Relax.” Panigurado ko sa kanya.

*CELEINE’S POV

Enjoy na enjoy talaga ako sa nangyayari sa akin ngayon. Eeeehhh, kasi naman amoy na amoy ko yung perfume ni Vince.. Waaaaah! Ang bango. Nasa iisang kabayo lang kabi, kung titignan mo kami ay para kaming nasa isang teleserye.

Tahimik lang si Vince at nag co-concentrate lang sa pagpapatakbo ng kabayo. Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa Dyos at hindi ako marunong mangabayo.

Na una kami ni Vince kina Maddy at Charles, siguro sinadya iyon ni Vince para hindi nya makita sila Maddy at Charles. Pero biglang bumilis ang takbo nila Charles kaya na unahan nila kami.

Biglang napahinto si Vince at tumingin lang kina Maddy at Charles.. Haaaay, ayan na naman sya, nasasaktan na naman. Pati ako nasasaktan din. Tsk, kalian ba magiging masaya ang lahat? Actually si Maddy lang ata itong masaya eh.

Kung tutuusin si Vince nasasaktan dahil kay Maddy, ako nasasaktan dahil nasasaktan si Vince at si Charles sigurado akong nag-aalanganin din yan, natatakot na baka maagawan. Walang ka alam-alam itong si Maddy sa mga bagay na nangyayari, di nga nya alam na may gap na between sa magpinsan dahil sa kanya, kung alam nya lang sana.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now