Chapter 3: Female Yandere (SAMPLE CHAPTER)

39.4K 590 69
                                    

THE RULES OF HEART  

©lady_phoenix16

CHAPTER 3: Female Yandere

Hindi mapakali si Avril. Ilang araw na syang busy para sa isang Maynila eposode na pagguesting-an nya. Bukod run sunod-sunod pa ang mga shoots nya para sa mga commercials na ginagawa nya. At ilang araw na syang hindi nakakabalik ulit sa coffee shop! Hindi nya na nakikita ang pinakamamahal nyang si Sydney!

Sinasabi na nga ba nya at tama ang hinala nya e. Talagang nalove at first sight sya kay Sydney kasi hindi nya ito makalimutan kahit saglit na saglit pa lang niya itong nakasama. Akala ni Declan nagbibiro lang sya rito nung sinabi nya na type nya si Sydney at di na rin nya binabanggit ang babae rito para wala nang masyadong dada. Pero sa totoo lang, gustong-gusto nyang makita ang babae!

Alam nya weird talaga pero talagang gusto nya si Sydney eh. Para syang mababaliw sa pagnanais na makita ulit ito. Tomboy na ba sya? Pero parang hindi naman nya maramdaman na may nagbago na sa kanya. Nainlove lang naman sya sa babae rin pero parang hindi pa naman nya nararamdaman na magpapakalalaki na sya. Ang ganda-ganda nya kaya! Sayang ang beauty! Hahaha...

Kaya lang, kung ganun ang ayos nya imposibleng magkagusto din si Avril sa kanya. Parehas silang chicks, ano kaya yon?

Nng bigla na lamang ay biglang bumatok sa kanya.

"Declan! Ungas ka talaga! Bakit mo ko binatukan!?" Inis na tanong nya.

"Hahaha.. Masyado ka kasing seryoso at nakakatawa pa yang facial expression mo. Anong drama yan? Nangingilid pa ang luha mo. Siguro kung nakapagsasalita lang ang utak nabingi na ang mga tao dito sa paligid. Isip ka ng isip!" Pang-aasar nito.

"Aba,Aba, pati pag-iisip ko ngayon pinapakailaman mo na rin? Di rin naman makapal yang mukha mo, ano? At anong ginagawa mo ritong hampaslupa ka? Sinabi ko bang magpunta ka rito? Nasisira ang araw ko sa'yo!" Inis na sabi nya.

"Tingnan mo tong babae na to. Ang sungit-sungit mo, dinadaig mo pa yung mga matatandang hukluban na menopause na e. Dinalaw ka na nga rito sa taping mo ginaganyan mo pa ko. Alam mo ba na dapat nga matuwa ka pa dahil nagkakagusto ako sa'yo. Sa gwapo kong to, na hinahabol ng mga chicks? Hahaha..." Mayabang ma sabi nito.

"Hindi ka ba nandidiri dyan sa sinasabi mo? Tingnan mo tong balat ko, tumataas ang balahibo ko! Libre lang mahiya Declan!"

"Wosshhoooo... Kaya ka lang di nagkakagusto sa akin kasi TOMBOY ka e.!" Asar pa nitong lalo.

"Excuse me? What did you say?" Pagpapaulit nya sa sinasabi nito dahil baka namamalik bingi lang sya.

"Ang sabi ko, kaya ka ganyan kasi TOMBOY ka!"

"No! Hindi ako tomboy no! Ang kapal ng mukha mo! Gusto mo laslasin ko yang leeg mo?!" Violent reaction na sabi nya na napatayo pa.

"Kung hindi ka tomboy eh bakit ka nagkakagusto dun sa chicks dun sa coffee shop? Nakakadiri ka, ang ganda-ganda mo pagkatapos maganda rin pala ang habol mo! Hahaha..." Pang-aasar pa nito.

Pikon na pikon naman sya at pakiramdam nya uusok na ang ilong nya sa inis pero syempre di sya dapat magpatalo sa kumag na to.

"So? Astig nga tingnan eh. Parehas kaming chicks. Di mo lang yata matanggap na mas gusto ko pa ang kapwa ko babae kaysa sa'yo. Kung sya rin lang ang magiging dahilan para maging tomboy ako, so be it. I don't care, as long as sya ang makakasama ko at hindi ikaw." Painsultong sabi nya na nakangisi. Napansin rin nya na unti-unting nawala ang ngiti nito at halatang nasaktan sa sinabi nya pero kiber ba naman nya?

Asarin na sya nito sa lahat basta wag lang pagdating sa feelings nya para kay Sydney because she's deadly serious.

Umalis na sya sa harap ni Declan nang mamataan na amg private investigator na inupahan nya para alamin ang profile ni Sydney. Wala na syang panahon na imeet ito sa kahit saang restaurant dahil she's too busy sa work nya.

"Wala na si Sydney dun sa shop?!" Takang tanong nya kay Gil. Isang private investigator.

"Yes, Ms. Avril. Pinaalis ho sya ng manager nya run dahil palagi syang nalelate sa trabaho." Balita sa kanya ng lalaki.

"Aww. May poor Sydney..." Anas nya na iniisip kung ano siguro ang lagay ng mahal nya ngayon. Siguro naiisip na naman nito na maghanap ng ibang trabaho. Mahirap pa naman lalo at di naman ito mayaman tulad nya. At naghihirap ngayon ang mahal nya dahil sa bwisit na matandang hukluban na yun! "Damn that old geezer! Mr.Gil, gusto ko gumawa ka ng paraan para mapabagsak yung bulok na coffee shop na iyon!" Utos nya sa lalaki.

"Ho? Pero bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi kita binabayaran para balikan ako ng tanong na matanda ka. Basta gusto ko gawin mo ang sinabi ko at dodoblehin ko ang ibabayad ko sa'yo!" Pagtataray nya rito.

Napatahimik naman ito pero napansin nya na nagkaron ng dollar sign ang mata nito bago lumayas. At dollar sign pa talaga! Sosyal, imported ang peg!

Saka na sya umupo sa designated seat nya sa taping. Napansin nya na nawala na rin si Declan sa paligid kaya binasa na lang nya ang profile ni Sydney na binigay ni Mr.Gil sa kanya.

Nagtataka pa ang matanda na yun kung bakit nya gustong pabagsakin nito ang coffee shop eh inapi ng mga ito ang Sydney nya. Paparusahan nya ang lahat ng taong mananakit sa mahal nya.

- TO BE CONTINUED..

Parang nagiging MY HANDSOME STALKER na rin ang flow ng story na to. Kaibahan nga lang e hindi male yandere si Avril kundi female yandere. Pero syempre, mas extreme pa din ang pagkaobsessed ng aking prince na si Kyle. Try nyo read din yun. Medyo creepy si Kyle mylabs. Hahaha...

Anong balak gawin ni Avril para mapalapit kay Sydney?

Thanks for reading! :)

The Rules of Heart (Published Under Dreame App)Where stories live. Discover now