Chapter 4: Celebrity Paparazzi (SAMPLE CHAPTER)

37.9K 595 113
                                    

NAGPAPASALAMAT si Avril sa wakas dahil tapos na rin ang nakakapagod niyang mga projects. Hindi niya maintindihan kung nananadya ba ang tadhana o ano. Noon ay pangarap niya na mapansin ng mga tao. Gusto niyang sumikat at marami palaging ginagawa. She's so obsessed with the spotlight pero ngayong medyo umaangat na siya ay saka naman siya parang nawalan ng gana. Parang mas gusto niya na lang sundan si Sydney araw-araw. Simula nang makilala niya ito ay wala na siyang ibang naisip kundi ang mapalapit dito.

Katulad ngayon. Para siyang paparazzi na nasa malayo at nagtatago sa gilid ng damuhan. Kuntodo shades, cap at ang kapal-kapal pa ng suot niya para lang hindi siya makilala. Ngayon niya tuloy pinagsisisihan kung bakit nag-model-model pa siya. Kung hindi lang sana siya sikat att hindi natatakot na baka may makakilala sa kanya ay makakapagmasid sana siya ng walang makakapansin. Pero heto siya ngayon, mukhang tanga na nakatingin lang sa kanyang prinsepe mula sa malayo. Oo, si Sydney ang prinsepe dahil sa ganda niyang iyon ay iiyak ang araw kapag nagpakalalaki siya! Ha-ha-ha...

No'ng isang araw pa siyang nag-i-i-stalk kay Sydney pero hindi siya makalapit-lapit dahil sa hiya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinakabahan na makipaglapit dito samantalang nakausap na naman niya ito noon. Bakit kasi palagi na lang itong may kasama e!

Ka-ka-out lang ng mga ito sa school at kumakain na ngayon ng fishball kasama ang mga kaibigan nito habang nakikipagtawanan.

'Uwaa... Kawawa naman ang mahal ko! Ang dirty-dirty ng kinakain niya!' sa isip-isip niya habang nakatingin sa nginunguya nitong fish ball na isinawsaw nito sa sawsawang iba't-ibang estudyante na ang nakisawsaw.

'Pero ang swerte-swerte ng mga kasama nya. Nakakasama nila si Sydney!' dugtong pa ng isip niya na inggit na inggit sa mga kasama nito na katawanan nito. Para sa kanya lang dapat ang ngiti nito e!

Halata namang ang mga tao ang lumalapit dito dahil independent si Sydney. Ang sabi sa profile na ibinigay sa kanya ng private investigator ay scholar daw ito sa Phoenix University at nag-pa-part time job pa para lang may maipangbaon. Hindi raw ito humihingi ng pera sa tatay nito at ito pa raw ang madalas na nag-aabot.

Sa mga nalaman niya mula kay Mr. Gil eh mas lalo lang tuloy siyang na-i-inlove kay Sydney. Dahil mabuti itong tao...

'Hayy... Ang aking prince charming. Sydney mylabs,' parang nangangarap na anas niya.

Hindi niya rin alam kung bakit sa dinadami-dami ng lalaki sa mundo ay sa babae rin siya na-in love. May mga bagay talaga na hindi maipaliwanag pero kusang nararamdaman. Hayy...

Sa sobrang busy ni Avril sa pagtanaw kay Sydney ay hindi nito napansin na may aso na pala sa tabi nito. At dahil kung saan-saan na nakarating ang imagination nito ay hindi rin nito napansin na dinidilaan na pala ng aso ang paanan nito.

'Hi-hi-hi... Sydney, huwag diyan. Nakikiliti ako, anobey! Hi-hi-hi..." pangangarap pa ni Avril na sa imagination nito ay si Sydney ang dumidila rito. May papikit-pikit pa talaga ng mata!

Pero napansin ni Avril na parang may mabaho. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang askal pala ang nasa tabi niya!

"AAAAHHHHHH!!!!" Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae mula sa hindi kalayuan sa kanila sa gilid ng school. Agad napukaw ng isang pamilyar na pigura ang atensyon ni Sydney.

"Aaahhh!!! Help me, help me! This creepy dog will bite me! So kadiri! Eww!!!" maarteng pagsigaw ng isang babae na napaka-weird tingnan. Naka-shades, cap, may hawak na mini umbrella at ang kapal-kapal pa ng suot nito kahit na tirik naman ang araw.

Imbes na tulungan ito ng mga tao sa paligid ay pinagtawanan pa ito. Hindi naman kasi nakakatakot ang askal sa tabi nito. Malambing at cute naman kasi ang aso kahit na pakalat-kalat lang ito sa kalsada. Pero dahil halatang maarte ang babae ay mapaghahalataang mangiyak-ngiyak na ito kahit pa naka-shades.

The Rules of Heart (Published Under Dreame App)Where stories live. Discover now