Kung alam lang nila

Start from the beginning
                                    

"Alam mo bang ang ibig sabihin ng pangalan mo sa French? Belle means beautiful," sabi ko pa.

"Talaga po?" nagliwanag ang mga mata niya.

Tumango lang ako.

"Kung gano'n, hindi ko na pala papansinin ang mga classmates kong tinatawag akong Jingle Belle," sabi pa.

"Hay naku! Wala silang alam. Wag mo silang pansinin," sinuklay ko ng mga daliri ko ang hanggang balikat niyang buhok.

Nagpaalam ako sa kanilang may ngiti sa labi pero ang totoo, nalulungkot ako. Kung panaginip na lang sana ang lahat...

Dumiretso muna ako sa parlor ni Patty. If it's the ninang and ninong, hindi pwedeng shades lang ang gamitin ko. Kailangan ko ng magic ni Patty.

Maganda ang parlor niya, tatlong babae at limang bakla ang kasama niya rito. Puro sila masayahin at palakuwento, kaya kahit abutin ka ng isang oras sa paghihintay, hinding-hindi ka mababagot. Lahat kaya nilang pag-usapan, horror, comedy, at pag-ibig. Mula sa showbiz, sports, at hanggang sa pulitika, wala silang pinapalagpas, kilala nila lahat. Palagi pa silang updated.

Dinala ako ni Patty sa second floor saan naroon naman ang bahay niya. Si Celeste at ang iba pa niyang mga big time na kliyente ay doon talaga niya sa taas inaayusan.

"Kumusta ka na? In fairness, pumuti ka," iminuwestra niya ang upuan sa harap ng malaking salamin.

"Lotion lang 'to. At saka, madalang na lang kasi akong makabilad sa araw. Hindi pwede ang masyadong exposure," inilagay ko ang bag ko sa tabi at naupo sa kumportable at umiikot na upuan.

"Buti hindi ka pa nabubuking ng daddy ni Dominique? Hindi ba't nandiyan lang kayo sa mansion nila?"

"Medyo malabo ang mga mata ni Mr. Dupond. At saka, hindi naman niya gaanong nakasama si Celeste kaya hindi niya tanda ang itsura no'n. Minsan lang yata niyang na-meet 'yon."

"Kumusta naman pala si Ma'am Celeste? Tumawag na ba?" aniyang inaayos ang mga gamit niya sa ibabaw ng dresser.

"Wala ngang balita eh. Hindi ko ma-contact. Di rin naman tumatawag."

"Eh, kumusta naman ang pagiging Mrs. Dupond?" tanong niya ulit na nahihimigan ko na ng kunting intriga.

"Sa ngayon okay pa. Pero hindi ko alam baka bukas lang, buking na ako," ipinahayag ko na kay Patty ang pangangamba ko. Siya lang naman ang pwede kong makausap tungkol dito.

"Ano daw ba ang plano kapag bumalik si Ma'am Celeste?" sinimulan na niya ang trabaho sa mukha ko.

Ano nga ba?

"Si Celeste na ang magdi-desisyon. Hindi naman siguro niya hahayaang ipakulong ako ng ina niya," hanggang ngayon, naroon pa rin ang takot ko sa banta ni Mrs. Santiago.

"So, maghihiwalay kayo ni Dominique kapag bumalik na si Ma'am Celeste?" kung mabilis ang mga kamay niya, mabilis din ang bibig niya.

"Siyempre naman. Ang hirap mag-pretend."

"Bakit kasi hindi na lang totohanin kung ganyang mahirap mag-pretend?"

"Sira! Imposible 'yan!" napakislot ako.

"Wag kang malikot, magiging kamukha kita niyan eh," reklamo niyang mabilis na binura ang naligaw na kilay.

"Sorry," umayos muli ako ng upo.

"Bakit naman imposible? Paano kung ma-inlove ka kay Dominique?" patuloy niya.

"Patty, jokes are supposed to be funny. Bakit naman ako mai-inlove sa isang playboy?" sinubukan kong wag gumalaw bigla.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now