Iniharap ni Gino si Mikay sa salamin at niyakap ito mula sa likod. "Kahit maraming babae pa ang magkandarapa sa akin,.. Hindi na nila ako makukuha"

"...because that girl?" turo ni Gino sa reflection ni Mikay sa salamin "..she owns me... At kanya lang ako kahit anung mangyari"

Hindi nakasagot si Mikay. Namula lang sya. "You're ten times gorgeous when you're blushing"

Napailing si Mikay. Sinusubukan nyang kumawala kay Gino dahil nahihiya na sya sa pamumula nya. Kung bumanat naman kasi si Gino... Sobrang nakakakilig.

Pero isa ito sa mga pinaka namimiss nya,..

-------------------------

"Helen, wag ka ngang umiyak dyan" saway ni Henry sa asawa. Sya ang ina ni Jao.

Umiiyak ito habang kinakabit ang neck tie at pati sa pagsuot ng coat ni Henry umiiyak na ito.

"Pwede bang wag mo ng gawin?" pakiusap ng asawa nya.

Napagusapan na nila ito ng maraming beses. Pumayag na si Martha sa gagawing pag amin at pagsuko ng asawa nya. Pero ngayon na isasagawa nya, binabawi na nya.

"Alam mong kailangan to... Para kay Jao, at kay Gino"

Naniniwala si Henry na itong gagawin nya, ang makikinabang ay ang mga anak nya. Dahil kung ngayon sya aamin, hindi na magiging dahilan pa na ang mga anak nya ang mabuntungan ng galit ng mamamayan kung sakaling lumabas ang katotohanan.

Inaamin nyang nagkamali sya. Nagkamali ang buong pamilya nya, at hindi nya hahayaan na pati si Gino at Jao ay magsuffer sa paghihirap na dinanas nila sa Radical Group.

Kahit na halos kalahati ng taon ng buhay nya ay myembro sya ng grupo na ito, kahit alam nyang yumaman ang Pamilya nya dahil sa grupo na ito.

Pero tulad ng naranasan nya simila bata pa. Aanhin mo ang yaman at kung anu-anu pang kayang ibigay ng mundo, kung buhay mo at buhay ng mga mahal mo ay araw araw na nasa panganib.

"Martha.. I just wanna say sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang asawa. Napagtaksilan kita, nagka anak ako sa ibang babae, nadamay pa kita sa paghihirap na ito..."pinipigilan ni Henry ang maiyak.

"Salamat Martha dahil hindi mo ako iniwan. Salamat dahil paulit-ulit mo akong binibigyan ng pagkakataong magbago."

Umiiyak na si Martha. "At salamat sa pagtanggap mo sa anak kong si Gino"

Napakabuting tao ni Martha. Naloko sya, nasaktan sya pero tinanggap nya parin ang bungga ng kataksilan ng asawa nya, at tinulungan itong makabangon.

Umiiyak na masyado si Helen. Niyakap sya ni Henry. "Alam mo, if I have a choice, hindi ganitong buhay ang ibibigay ko sa inyo."

Pinipigilan nya ang maiyak. Kailangan nyang maging matatag para sa Pamilya. "Let's just hope for the best for everyone of us."

-------------------------------

"Are you sure?" tanong ni Gino kay Mikay.

"Oo naman,." gusto nya kasi na magstay nalang sa bahay ni Gino kahit nasa office pa si Gino "Just be back before lunch, okay lang ba?"

"Oo naman, babalik ako" sagot ni Gino.

Hindi na nagtagal pa si Gino dahil male-late na sya. Natuwa naman si Mikay, para silang mag asawa ni Gino. Maiiwan sya sa bahay habang nagtatrabaho si Gino.

Pumasok na sya sa bahay, nahugasan na rin ng katiwala ang mga nagamit nila nung nagbreakfast sila. Kaya umakyat nalang sya ng kwarto para magligpit ng iba pang gamit ni Gino.

Hindi pa kasi ito naliligpit ng maayos. Kaya umakyat sya sa kwarto at liligpitin ang mga papel sa study table ni Gino, at siguro pati buong ayos ng kwarto ni Gino aayusin nya na.

Sabi kasi nila, that's the best way to move on from a painful experiences-baguhin mo ang arrangement ng room mo, lalo na kung ito yung place na nagkulong ka during those time.

Habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga papel, may isang papel ang nahulog, kaya dinampot nya ito.

Nang makita nya ito, isa itong picture. At kinagulat nya kung sino ang mga kasama ni Gino sa picture.

Naguluhan sya ng makita nya ang picture ni Julia, Jao at ni Tito Henry na kasama ni Gino sa picture, alam nyang nasa ibang bansa ito dahil sa suot at background palang alam mong sa labas ng bansa ito.

Gusto nyang masagot ang lahat kaya naisip nyang halungkatin pa ang gamit ni Gino. Sa drawer na naka-lock, alam nyang may importanteng nakalagay doon.

Hinanap nya ang susi nito, at di rin nagtagal nakita nya. Nang mabuksan nya ito, envelopes and folders ang nakalagay.

"Radical Group Philippine Base?" binasa nya ang title ng isang folder.

Binuksan nya ito. Binasa ni Mikay ang profile ng Radical Group at napag alaman nya na isa pala ito sa mga against sa Administration ng Papa nya at matagal na ang grupo, matanda pa sa kanya.

Nang binuksan nya ang kasunod na page, napatulo ang luha nya.

"Gretchen Santiago, head of the Organization"

Hindi sya makapaniwala, ito ang Political Adviser ng Papa nya, and now isa pala ito sa kalaban.

She turned to the next page "Henry Alvarez?"

Binuksan nya pa ang iba pang profiles, at mostly doon ay nakaupo sa pwesto. At ang iba, kapartido at pati bestfriend ng Papa nya andun din.

Sa last page. Doon nya nakita ang mga plano ng grupo at paano ito isasagawa.

Sila halos ang nagpapatay ng ibang politiko sa bansa. Pero isang bagay ang kinagulat nya ng husto.

Ngayon ang date na ipapapatay nila ang Papa ni Mikay. Nanlamig sya sa takot, isasara na nya ang folder ng isang maliit na ID ang nakita nya sa drawer.

"Alvarez, Yuan"

Napaluha nya, "Bakit may ID si Gino sa Radical Group?"

Pakiramdam nya niloko sya ng lahat. Pati ang lalaking pinakamamahal nya, niloko din syan. Bakit kailangan nilang ipapatay ang Papa nya. Ginagamit lang ba sya ni Gino?

----------------------------------------------

Sorry late UD. Pinapainit ng wattpad ang ulo ko. Yung chapter 63 ko pinost nya ng 10 times. #Crazy

Sumasakiy ulo ko! hahaha

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon