Dayreen's POV
Unang kita ko pa lang kay Young Princess, I mean kay Bow ay happy go lucky. Pero nung hinagisan niya ako ng kunai at shuriken, nakakatakot pala siya. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko. Kaya ka niyang patayin sa isang iglap lang kung gugustuin niya pero kapag nakipaglaro siya sa'yo, mas lalo kang mahihirapan. After nang away namin na muntik na akong matamaan ng kunai, tinulungan niya pa ako at ngumiti siya sakin. I mean, seriously? Pagkatapos niya akong muntik patayin, ganun ang magiging reaction niya? May sayad sa utak si Bow. J personally chose me as the bodyguard of Young Princess, sa maniwala kayo at sa hindi, I am the top 1 agent in our Orbit Security Organization, pero natalo lang ako ni Bow. I am not insecure with her, I was amazed the way she moved. So I decided that I will train more to improve my skills, lalo na ngayon na gumagalaw na ang kalaban at unti-unti na nilang nakikila si Bow at hindi siya pwedeng kunin samin.
***
Gumising ako ng maaga at nag-ayos. Lumabas ako at hinintay si Bow sa sofa. Mayamaya bumaba na siya at nakita kong all black lahat ang suot niya. Nakablack skinny jeans, Black Chuck Taylor high cut shoes, printed Naruto shirt, black wristwatch at merong ponytail sa right wrist niya. Meron ring chain sa pocket niya, I think wallet niya 'yun.
Tinignan niya ko.
"Good Morning Reen!" masiglang bati niya sakin.
If I didn't know that she's our Young Princess, I would think that she's a free worry girl. Parang walang papatay sa kanya.
"Good Morning Bow" bati ko.
Lumapit siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Nice outfit"
I slightly smiled.
"Thank you" sabi ko
"But I guess, you love dresses. Kung saan ka comfortable na damit Reen yun ang suotin mo baka mamatayan ako ng bodyguard. Breakfast muna tayo before pumasok sa school" sabi niya at pumunta ng kusina.
How did she know?
"Napansin ko kasi sa laban natin kagabi, hindi ka sanay magrubber shoes" sigaw niya kaya napapunta naman ako sa dining table.
Tama nga si J, ibang klase si Young Princess.
***
Her POV
Nasa cafeteria ako kasama si Myth at Reen nang nagsitilian ang mga girls. I frowned.
"May artista ba?" inosenteng tanong ko kay Myth.
She just chuckled.
"Nope. It's our hearthrob campus Bow"
Tumaas ang kilay ko.
"Wattpad ang peg?" tanong ko
Nakita kong napanganga naman si Myth sakin.
"What?"
"You mean, nagbabasa ka ng wattpad Bow?" Myth
"Hmm. Yeah? Krimen ba ang pagbasa?"
"Hindi naman. Ahm. Nagsasalita ba 'tong si Reen?"
I tsked! Magaling talaga 'tong si Myth umacting, sa ibang tao para siyang lampang nerd at hindi makabasag pinggan pero kapag kausap ko na umiiba. Tss! Hindi ko pa natatanong kung anong mission niya sa school at hindi ko rin sinasabi sa kanya na ako ang may ari ng school, hindi naman siya nagtatanong.
I already introduced her to Reen pero nagkatinginan lang sila na para bang magkakilala na sila?
I looked at Reen at tinitignan ang mga tao kung saan nagtitilian.
YOU ARE READING
The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen)
ActionShe's witty. She's clever. She's cool. She's weird. She's odd. She's creepy. She's unknown. She has a weird hair. She's tough. But they don't know her name. That's why she is, The Nameless Princess...
