Napatulala ako, hindi ko alam ang ire-react ko.

Una, tinawag n’yang kuya si Sei.

Pangalawa, napagkamalan pa n’ya 'kong girlfriend ni ugok.

Pangatlo, kinain n’ya yung busalsal na cake.

"Ang sarap. Ang galing mo mag-bake ng cake ate."

Ibig sabihin, hindi niya girlfriend itong katabi niyang cute na cute? Nakakaloka naman!

"Masarap talaga Renny?"

"Oo kuya! Tikman mo!"

Tumikim din si Sei at...

"Ah... Kakakain ko nga lang pala, busog pa ako. Kayo na lang ang kumain." Pero halata namang gutom siya. Hindi niya lang nagustuhan yung lasa ng cake.

"Ha? Bakit naman? Pero thank you kuya ah! Ang sarap eh, buti na lang binigay mo."

"Nga pala Malan. Si Renny 'tong makulit na 'to. Pinsan ko s’ya."

Pinsan?!

Pinsan lang pala! Akala ko naman girlfriend!

"Renny, eto naman si Malan...a-ano, g-girlfriend ko."

A-ANOOO?!!!

"Hoy! Hindi ki---"

"Nice to meet you ate." Lumapit s’ya sa'kin at niyakap ako. "Buti na lang natagpuan na ni kuya ang girl n’ya. Kasi kung hindi, isusumbong ko s’ya kay lolo at ipapakasal sa ibang babae."

B-bakit?

Tumingin ako kay Sei at pinagdaop n’ya ang dalawang palad n’ya saka nagpuppy eyes and then he mouthed the word 'please help me'

Okay, mukhang naiintindihan ko na.

"Ah he-he..." ‘Yun na lang ang nasabi ko. Awkward.

She broke the hug. "Pa’no ba kayo nagkakilala ni kuya?"

"Ha? U-uhmm..." Hoy Sei! Tulungan mo ‘ko!

"Renny! H’wag mo nang itanong iyan!"

"Hihi! Sorry!" Pahamak kasi 'tong lalaking 'to! Nadamay pa tuloy ako sa kalokohan niya!

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa maging ka-close ko na s’ya. Ang bait n’ya at tsaka may pagka-childish. Haay ang cute n’ya talaga.

"Ate, sa’n ka nakatira?"

"Wala na 'kong bahay. Pinapatuloy lang ako ni Sei dito." Kahit nakakahiya ay inamin ko pa rin. 'Yun naman kasi ang totoo eh.

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon