"Ipagluto mo ako." Utos niya nang makababa ako ng hagdan.

"Ng ano?"

"Ng pagkain." Malamang. Sabi ko nga.

"Ay pagkain ba? Akala ko lason eh!" Sarcastic kong sinabi.

"Haha. Basta kahit ano o kaya mag-bake ka na lang ng cake."

Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng ingredients.

Maya-maya ay biglang may nag-doorbell…

Hmm... Sino kaya ‘yun?

Narinig kong may nagbukas ng pinto. Dahil sa curiousity, sumilip ako. Medyo malayo nga lang dahil nasa kitchen ako.

"Hello!" Babae?

Nagulat ako nang bigla niyang yakapin si Sei.

"H-hoy anong ginagawa mo dito?" Inihiwalay ni Sei yung babae sa kanya.

"Eto naman oh! Hindi mo ba 'ko namimiss?"

Sino kaya 'yun? Girlfriend? Ba't parang wala namang nasasabi sa'kin si Sei?

Argh! Kainis! Hindi man lang niya sinabi! Close naman kami eh!

Teka, bakit nga ba ako naiinis?! Eh.ano naman kung hindi sinabi ni Sei sa'kin?! Big deal ba 'yun?!

"Syempre na-miss din kita kaso hindi ka pa rin nagma-mature."

Miss din ni Sei yung babae?

Hay nako Sei!!!

"Hmp! At least cute pa rin ako!" Nadinig kong sinabi ng babae. Oo nga naman, cute nga naman siya. Bagay sila ni Sei.

----

"Malan tapos na ba yung cake?" Tawag ni Sei sa'kin. Nandoon sila nung malanding babae sa living room.

"Oo! Tapos na po!"

Dinala ko na yung ehem, matatawag ko pa ba 'tong cake? Binusalsal ko kasi eh. Hindi ko alam kung bakit ganito kinalabasan. Masyado yata kasi akong naka-focus sa kanila kaya ayun, ang nangyari.

"Oh ayan, pagpasensyahan mo." Nilagay ko yung cake sa table sa may harapan nila. Mas natitigan ko tuloy ng malapitan yung babae. Infairness, cute nga talaga siya.

"B-bakit gan’yan ‘yan?" Gulat na tanong ni Sei. Mukhang diring-diri sa cake. Hmp! Buti nga nag-effort pa eh!

"Basta! Kainin mo na lang 'yan! Keri na 'yan!"

"Ayos lang ‘yan kuya. Kainin pa rin natin. Mukha namang nag-effort talaga yung cute mong girlfriend eh." Sabi nung cute na babae tapos sumubo siya ng cake.

My Kontrabida Love [editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt