Mukhang nahiya si Tito kaya ngumiti na lang siya, "A-ah. Sige, good luck." Sabi na lang niya.

"Salamat po." Sagot ko.

"TAHAHAHAHA! Tang, bakit ganyan suot mo? Waiter ka na ngayon? HAHAHAHA!" 

Napatingin ako sa taas at nakita ko si Mia na nakasandal sa railings ng stairs nila. Tawa siya ng tawa, yung tipong nakahawak siya sa tyan niya tapos nawawala na mata niya sa sobrang tawa.

"Anong nakakatawa Mi? Tsaka anong waiter?" Takang tanong ko.

"HAHAHAHA! Mukha kang waiter sa suot mo eh. HAHAHAHA!" Sagot niya na tawa pa rin ng tawa.

Napatingin naman ako kay Tito na kagagaling lang ng kusina, "Tito! Mukha daw akong waiter?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya at tinuro yung damit niya na may nakalagay na: "Silence means YES." 

Tumingin ako sa taas at binigyan si Mia ng ganun-ba-kapangit-suot-ko? look.

Natatawang ngumiti siya, "Chox na yan bespren Tang! Pogi ka pa din naman kahit mukha kang waiter!" At nagthumb's up siya. Pero ano daw yun? Pogi ako? Maasar nga.

Ngumisi ako, "Ano yun Mi? Pogi ako?" Pang-aasar ko.

Namula naman siya at nagiwas ng tingin, "Feeling. Wala akong sinabing ganun 'no. Asa." Sagot niya.

Natawa na lang ako sa sinagot niya, "Sabi mo eh. Hahaha! Ang cute mo mamula bespren!" 

Tinignan niya ako ng masama pero namumula pa rin siya, "Ikaw, ano kaya itsura mo pag namumula ka? Nacucurious ako eh. Dali dito para masampal kita at mamula yang pisnge mo. Landi lang brad ha." Sabay irap niya.

Natawa na naman ako sa kasungitan niya, "Ang sweet mo Mi! Kinikilig ako, tignan mo ngiti ko oh, laki!" Sagot ko na lang at ngumiti ng pagkalaki-laki.

Nagmake-face lang siya at maya-maya rin lumabas na si Lia sa kwarto niya. Simple lang suot niya, jeans at shirt lang. Nakalugay lang din buhok niya at wala siyang make-up; Simple lang pero maganda.

Tumayo na ako at nginitan si Lia, "Ganda natin ngayon ah." 

Ngumiti naman siya pabalik at bumaba na, "Salamat. Hehe. Treb-treb, nahiya ako bigla sa suot mo. Ayos na ayos ka eh tapos ako nakashirt at jeans lang." Sabi niya.

"Sus! Ayos lang 'no. Kahit ano pa suot mo, maganda ka pa rin." Sabay kindat ko sa kanya. 

"Landi lungsss." Napatingin ako sa taas at binigyan si Mia ng sinong-malandi? look. Bigla na lang kasi bumubulong sa sarili pero rinig ko naman. Umiling lang naman siya bilang sagot kaya hinayaan ko na.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now