Blame it on the wine

Start from the beginning
                                    

"It's just that... you're acting like a jealous wife."

Feeling ka! Nakakainis ka na talaga! Gusto kong sabihin sa kanya. Ngunit iba ang sinabi ko sa halip.

"Dominique, I know my place. I'm not your wife, so I can't be a jelous wife," wika kong bumaling ulit sa kanya.

Something in his face made me stop. It's an expression unusual to him. Para bang for the first time ay nakakita siya ng isang bagay na hindi niya maintindihan kung ano. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng takot. Napayuko ako. Nakakapanibago kapag hindi siya nakangiti.

"Okay, maybe I'm jealous... jealous of you. Kasi nasa 'yo na lahat, kahit ano ang gustuhin mo, nakukuha mo. Ni hindi ka man lang nakakaranas ng hirap. Samantalang ako," ewan kung bakit nasabi ko 'yon. Basta na lang lumabas sa bibig ko lahat ng hinanakit ko.

"You just don't know, Bianca," mahinang sabi niya na tumutok na muli sa kalsada.

Gusto ko tuloy mag-sorry, pero wala na kaming imikan hanggang nakarating kami ng bahay. Tumuloy siya sa library, at ako naman, matapos magbihis ay nahiga na sa couch. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay ni hindi man lang makaramdam ng antok. I decided to go down to the bar. Maybe another glass of wine will help me sleep.

Ewan kung bakit vodka ang kinuha ko nang makita kong meron doon. Siguro kasi iniisip ko, mas matapang, mas madali akong makakatulog. Bitbit 'yon at isang basong maliit, umakyat ulit ako sa room at doon uminom. Ipinatong ko sa bedside table ang bote at ang basong nilagyan ko ng yelo. Doon na ako naupo sa gilid ng kama.

Sa una lang pala pangit ang lasa ng vodka, kalaunan ay nakakaya na rin. Okay lang naman sigurong dito na ako sa kama matulog, hindi naman natutulog dito si Dominique eh.

Naisip ko ang huli niyang sinabi sa kotse...

You just don't know...

Siguro nga ay nahihirapan din siya. Namatay rin ng maaga ang ina niya. At hanggang ngayon ay ang ama pa rin niya ang nagpapatakbo sa buhay niya. Kaya nga niya ako pinakiusapan na ituloy ang pagpapanggap 'di ba? Para maibigay na sa kanya ng ama ang pamamahala ng ilang negosyo at hayaan na siya sa buhay niya.

Yeah, in a way, hindi nga masaya 'yon. Kaya siguro bumabawi na lang siya, para sumaya. Kaya rin siguro niya ako inaasar, para makatawa naman siya. Now I feel sorry for him.

Dominique...

"I thought you said you're drunk. Why are you still drinking?" si Dominique, nakatayo na sa tabi ko.

"Sorry..." tanging nasabi ko.

Kinuha niya ang baso sa kamay ko pati na ang bote ng vodka sa bedside table at inilagay sa refrigerator na naroon sa kwarto. Galit ba siya? Am I doomed? Anong gagawin ko?

"For God's sake! Why are you crying?" agad siyang lumapit at lumuhod sa harap ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nalaglag mula sa hair clip at dumikit sa basa kong pisngi.

Umiling lang ako. Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Basta't kusa na lang bumubuhos ang mga luha ko.

"Is there a problem?" masuyong tanong niya na pinahid ang mga luha ko.

Lalo akong naiyak sa gentleness na pinapakita niya.

"Hey, tell me, Bianca. What is it?" puno ng pag-aalala na tanong niya.

"I'm sorry... I'm so sorry..." wika ko sa pagitan ng pagtangis at paghikbi.

"For what?" nagtatakang tanong niya. He held my face up so I can look straight at him.

"I'm sorry for... hating you... sorry for not... understanding you... sorry kung... nakakadagdag... pa ako... sa problema mo..." putol-putol na wika ko sa pagitan ng pagsinok at pagsinghot.

"What are you saying?" malakas lang ng kunti sa bulong na tanong niya. Hindi ko na makita ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata niya ngayon. Pure concern ang naroon.

"Sorry..." pinilit kong kumalma, pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang sobrang kalungkutan na nararamdaman ko.

"Ssshhh..." pinahid niyang muli ang mga luha ko. Pagdaka ay marahan niya akong kinabig.

I know he gave me time to resist, pausing for a few seconds before claiming my lips, pero hindi ko siya itinulak. It's just a kiss, he already kissed me twice. A third won't be a big deal.

The kiss started gently. Then it became a little strange. What's more strange is, I started to kiss him back as if my mouth has its own will. I heard him groan and he started kissing me deeper.

Ngayon, alam ko na kung bakit gustong-gusto ni Catherine na hinahalikan siya. Deep inside, my mind is yelling at me to stop. Pero pakiramdam ko, kapag bumitaw ako ngayon kay Dominique, babagsak ako at mawawala.

Nang lubayan niya ang mga labi ko, para akong nawalan. Nais kong habulin ang mga labi niya, ngunit marahan niya akong inihiga. Paglapat ng likod ko sa kama ay naramdaman kong may umakyat sa lalamunan ko...

'Yon lang ang huli kong natatandaan.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now