Bulsyet, nababara na ako. Ano bang nangyayare sa akin? Bakit wala na akong pangcounter attack? BV.

"Oh, oh, oh! Nagsheshake hands na naman yang kilay mo eh." Pang-aasar niya.

"Shunga. Pano magsheshake hands eh wala naman silang kamay?" Sabay irap ako. Hoo, ayun, nabara ko rin.

"Oh, chill lang M. Masyado kang hot. Hot na nga ako tapos dadagdag ka pa. Baka tayo pa ang masisi eh." 

"Masisi saan?"

"Lam mo na," Kumibit-balikat siya, "Sa pagiging hot ng Pinas. Baka tayo pa ang masisi kaya chill ka lang." Sagot niya.

Binatukan ko nga, "Ulul. Lakas ng hangin 'no, ramdam mo ba?" 

"Di eh, alam mo kung bakit?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong kalokohan na naman yan?"

"Kasi yung tuwa lang na makasama ka ngayon ang nararamdaman ko." Sabay kindat niya.

Sinuntok ko na lang siya sa braso at umiwas ng tingin. Langya! Ano bang meron at ganito 'to ngayon? Lakas ng tibok ng puso ko. Kinikilig ba ako?! Ang landi pakinggan. Ano bang nagyayare sa akin?!

"Hahahaha! Si Mia, namumula! Ayeee." Sinundot-sundot na naman niya pisnge ko

Tulad ng ginawa ko kanina, pinalo ko na naman kamay niya. "Sige, isa pa, hahambalusin na kita." Banta ko.

"Ayeee! Isa pa daw. Nagrerequest si Mia. Ayeee~! Gustong gusto mo rin eh." Pang-aasar niya.

"Bahala ka nga dyan! Uuwi na ako. Panira ka ng araw. Leche." Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa swing pero pinigilan ako ni Treb.

"Mamaya na, tambay muna tayo." Pigil niya.

Umirap naman ako at umupo ulit, "Ano ba kasi yung sasabihin mo?! Sabihin mo na para matapos na tayo." Atat kong sabi.

Siya na naman ang umirap at nagcrossarms, "Bakit ba atat na atat ka? Wala pa nga tayong isang oras dito eh. Pero pag si Kurt kasama mo, ayos lang kahit buong araw pa kayo magkasama." 

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano na namang drama yan ha, Treb? Ang gay mo. Puros ka drama. At talagang dinamay mo pa si Kurt. Problema mo?"

"Wala! Gusto ko lang naman kasi tanungin kung pwede ka bang.." 

"Pwedeng ano? Pabitin pa eh! Ano ba kasi yun?!" Oo na, ako na atat. Bakit ba? Di na ba pwedeng maatat?

Ako si Mia.Where stories live. Discover now