[Chapter 5]

32 5 0
                                    

Mika's POV

.

.

"Oh anak, nandito na si Miguel!" tawag sa akin ni Mama.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan dahil masakit parin ang ulo ko at feeling ko matutumba ako. Pagbaba ko nakita ko si Miguel na nakaupo sa sofa at may dalang gitara.

"Bes! kumusta na pakiramdam mo?" tanong nya sa akin.

"Mas okay kesa kahapon."

"Ah! halika dito sa tabi ko."

Umupo ako sa tabi tabi niya.

"Hindi ko pa nga pala nasasabi sayo na marunong na akong maggitara."

"Weh? di nga?" pagdududa ko.

"Oo gusto mo tugtugan kita ng paborito nating kanta?"

"Oh sige nga."

Inumpisahan na niya ang pagtugtog ng gitara niya.

♪Do you remember when I said I'd always be there?♪
Ever since we were ten,baby.
When we were out of the play ground playing pretend,
I did'nt know it back then.

♪Now I realize yoy were the only one,♪
It's never too late to show it.
Grow together,
Have feelings we had before,
Back when we were so innocent.

Nakangiti kaming pareho habang kinakanta ang paborito namin kanta.

I pray for all your love,
Girl our love is so unreal,
I just wanna reach and touch you,squeeze you,
Somebody pinch me.
This is something like a movie,
And I dont know how it ends girl,
But I fell inlove with my bestfriend.

Grabe talaga ang epekto ng kantang to sa akin. Tamang-tama!

Dinalhan kami ni Mama ng juice at sandwich para daw may mameryenda kami.

"Thank you po Tita." sabi ni Bes.

"Nga pala may assignments ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Meron..."

"Ano? marami ba?"

"Secret, di ka pumasok eh kami lang tuloy ni Kate ang magkasabay kumain kanina."

"Ayie! kayo na noh?"nakangiti kong sabi...pero deep in side it hurts.

"Uy hindi pa ah."

"Eh ano ngang assignments?"

"Ang assignment ay dapat pumasok kana bukas....pero sa totoo lang walang assignment."

"Eh pano kapag nilalagnat parin ako bukas?"

"Aalagaan kita magdamag."

"Luh?! nandiyan naman si Mama."

"Okay lang yun, nagpaalam naman ako kay Mommy at Daddy na dito ako matutulog ngayon."

"Eh kay Mama nagpaalam kana?"

Biglang dumating si Mama at tinangaun ako. Halatang nakikinig sa usapan namin.

"Saan ka naman matutulog?"

"Sa kwarto mo syempre aalagaan kita."

"Ayie! si Ate kinikilig!" biglang singit ng kapatid ko.

"He! tumahimik ka nga diyan."

~*~*~*~*~*~*~*

Pagkatapos nun nagluto na si Mama ng hapunan namin at tinulungan siya ni Miguel.

"Buti nandito ka ngayon Miguel, kundi pagod na pagod nanaman ako." rinig kong sabi ni Mama kay Miguel.

Naku! nagpapa-goodshot nanaman to kay Mama para bukas may masarap siyang lunch.

"Ate? pwede mo ba akong turuan sa mga assignments ko?"

"Oh sige, halika dito."

~*~*~*~*~*~*~*

Aba! itong lalaking 'to dito nga matutulog sa kwarto ko.

''Siguraduhin mo lang na babantayan at aalagaan mo lang ako ha?!''

''Oo naman, may tiwala sa akin sina Tito't Tita tapos ikaw wala.''

''Diyan ka sa sahig.''

''Opo Ma'am...Goodnight!'' sabi niya sa akin.

Pinatay na niya ang ilaw at humiga na kami.

Nakatulog naman ako ng ayos pero...

''AHHHH!!! bakit nandito kana sa tabi ko?''

''Ang lamig kasi sa sahig, kaya tumabi ako sayo. Saka alam mo ba ilang beses kang nahulog sa kama ko kagabi?''

Tinignan ko siya ng masama habang siya nakangiti sakin na parang nang-aasar.Tinawag kami ni Papa parakumain,pero bago kami bumaba tinulungan muna niya akong mag-ayos ng hinigaan namin.

''Eto na yung food niyo para mamayang lunch.''pagpapaalala ni Mama.

''Opo Tita ako na pong bahala diyan.''sagot niya kay Mama habang ngiting-ngiti.

Masayang-masaya nanaman, may masarap siyang ulam mamayang lunch.

Nauna akong matapos sa kanya maghanda para sa school, sabi kasi niya lady's first.

''Hay! salamat natapos kana din....tara na!''

''Oh sige tara na!'' sabi niya sabay akbay sa akin.

''Bye Ma.''

''Bye po Tita! Thank you po!''sabi niya kay Mama.

~*~*~*~*~*~*~*

Mabuti na lang walang assignments kahapon.

''Bes ako naman ilibre mo.'' sabi ko kay Miguel.

''Namiss kita kahapon kaya....sige ilibre kita.''

''Yehey! sabi na may mabait ka ding side eh!'' pagpuri ko na may kasamang pang-aasar sa kanya.

''Pero Bes yung favor ko sayo ha.'' biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

''O-oo n-naman.''

Alam ko namang Bestfriend lang ang tingin niya sa akin. At alam kong hindi na iyon hihigit pa dun.

Nakita ko si Kate na nasa tambayan naming dalawa ni Bes.

''Bes bakit nandon si Kate?'' tanong ko sa kanya.

''Ah...diyan kasi kami tumambay kahapon.......Bes pwede mo ba ibigay to' kay Kate kasabay nitong chocolates?'' Inabot niya sa akin ang isang papel kasama ang isang box ng Toblerone.

Pinuntahan ko agad si Kate at binigay ko sa kanya ang love letter at box ng chocolates.

''May nagpapabigay nga pala.'' nginitian ko siya pero agad kong binawi ang ngiti ko.

''Huh? sino naman?''

''Basahin mo na lang yan.''

Umalis na agad ako at nakita kong binabasa na ni Kate ang Letter nakita ko ring nilapitan ni Miguel si Kate. Wala na akong ibang nagawa kundi bumalik na lang sa classroom dahil alam kong makakaabala lang ako sa kanila.

Pagdating ko sa classroom, kumpulan ang classmates ko sa pagdungaw sa bintana at parang alam ko na kung sinong pinagkakaguluhan nila.

''Grabe naman ang swerte ni Kate!! nakakakilig sila!!''rinig kong sabi ng mga kaklase ko.

''May new loveteam!!'' sabi pa ni Vincent.

Tama nga ang hinala ko.

Umupo ako sa upuan ko at kinuha ko ang drawing notebook ko....syempre nagdrawing nalang ako. Hinintay ko na lang mag-bell.

5mins before mag-bell sabay bumalik sa classroom sina Kate at Miguel pagpasok nila sa pinto sabay-sabay nagsigawan ang classmates namin. At halata sa mukha ni Kate na gusto din niya si Bes.

Grabe nakakafriendzone.

To be continued...

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Where stories live. Discover now