6. We Will Again

2 0 0
                                    

Usapang concert na naman! Hahaha.

Kasi naman sa Twitter, may mga nagttweet na Pris para pumunta ang FTISLAND sa mga bansa nila. Nung una e Singapore lang e. Tapos ngayon, pati Indonesia at Philippines na rin nakikitweet! Hahaha. Syempre nakitweet na rin ako aba.

Sana talaga matuloy sila rito!!!!

Pero teka, handa ba ako?

Syempre VIP ako. Di ako makakapayag na hindi ako VIP. Kailangan VIP ako! So baka mga 12K ang ticket nun. Hmm.

1700 per week ang baon ko, so 6800 per month. Kung January sila magcoconcert, mula Sept 21 ako magiipon (dahil may kailangan akong bilhin hihi) at dalawang linggo lang ang pasok ko sa December, 8 weeks lang ako mag-iipon!!!

Jusko! 13600 lang lahat ng baon ko! Kung babawasan ko ng 12K, 1600 lang dapat ang gagastusin ko for 8 weeks!

1600 FOR 8 WEEKS MGA BHE!

PAANO AKO KAKAIN?

PAANO AKO MAGCOCOMMUTE?

PAANO AKO MAGBABAYAD PARA SA MGA HANDOUTS?

HUHUHUHU.

200 per week lang gagastusin ko?

110 ang pamasahe ko papunta at pabalik (weekends lang ako nauwi). 90 na lang kailangan kong gastusin.

Nagjejeep ako atleast once a day so 7 times 5 = 35! 55 na lang!

55 pesos para pangkain, pangphotocopy ng handouts, and everything IN ONE WEEK!

SA PAANONG PARAAN AKO MABUBUHAY?

So, ang gusto ko sana, kung magka-We Will man dito, sa FEBRUARY na lang po pls :)

Para birthday ko. HAHAHAHA.

At para makaipon ako.

Sus asa pa na may magbibigay ng pera pambili ng concert ticket sa birthday ko. Hahahaha!

Compute ako nang compute ng baon ko, nalimutan kong may binabayaran pala akong 350 per week na paluwagan!

Wala na, baon na ako sa utang kung sakali. Hahahaha.

Yung sweldo ko sa paluwagan? Ayun ipambibili ko ng cellphone. Hahahaha! Bulok phone ko ngayon e. Cherry Mobile Flare S lang. Hahahhuhu.

9450 ang sswelduhin ko sa Sept 20. Pero wala rin, di ko maidagdag pang concert ticket T.T

Pero naalala ko, may secret weapon ako!

Secret lang natin.

Shhh.

Wag kayo maingay sa adviser ko.

Ssweldo kasi ako ng *toot*K (clue: sapat na halaga para pambili ng VIP ticket *grin*) mula sa SA (Student Assistantship). Di naman talaga ako nagtrabaho pero ssweldo ako kasi para sana yun sa pambili ko ng gamit para sa experiment sa thesis ko. Pero di ko na tinuloy ang thesis ko. At mukhang nalimutan na ng mga tao ang tungkol sa sswelduhin ko. HAHAHAHA!

Kaso natatakot akong gamitin. Baka biglang maalala shet lang.

Aist!

Pero kasi, FTISLAND yun e >.<

Primadonna is ze name. FTISLAND is ze gameWhere stories live. Discover now