1. My Albums

9 0 0
                                    

Ayan, first post ulit. Sa first post ko, ipagmamayabang ko muna ang aking koleksyon. HAHAHA. Yabang pft. Baka lumakas ang bagyo dahil sa hangin ko. Lol. At baka wala na talagang babasa ng posts ko. HAHAHA.

December 2012 ako nagsimulang mangolekta. Wala pa akong idea sa version version noon. Basta nasa Odyssey or AstroPlus, kebs na. Meron palang tinatawag na PH version at Korean version ang mga album. Daming arte. Haha.

Una kong nabili yung Grown Up. Severely kasi yung unang FTISLAND na kanta na narinig ko. Same month, nabili ko yung Return. Lam niyo na, December e. Pasko. Kaya maraming pera. Haha! At dahil mangmang nga ako rati, PH ver parehas yan. Haha!,

January, nabili ko yung Flower Rock Japanese single sa may Ramenan sa labas ng university namin. Same month ko rin nabili ang Five Treasure Box. At sunod-sunod na ang pagbili ko ng mga albums. Wala e, naadik agad ako.

Feeling ko, "social status" ang pagkakaroon ng album ng paborito mong banda. Feeling ko lang naman yun. Kaya todo-bigay ako sa pangongolekta. Pero siyempre hindi ko nabibili ang lahat. Hindi ako mayaman. Magulang ko lang. Huhu. At never ever ako nanghingi ng pera sa kanila para lang bumili ng mga albums na yan.

Sariling sikap ako para mabili yang mga yan. Nagnegosyo ako rati. Gumawa ako ng online shop (na nalugi dahil na-scam ng nyetang supplier kaya tinigilan ko na), nagtipid ng bongga galing sa perang baon weekly, at nagtrabaho (syempre sideline lang tulad ng pagbabantay sa negosyo namin, pagstudent assistant sa department office ng course ko, at oDesk - effective, promise!)

Naiinis ako sa sarili ko kasi ika-anim na taon ko na sa college. Yep, you read it right. Six years na ako sa college. Dapat five years lang eh! Pero wala, hanggang ngayon, hindi pa rin ako graduate. Yung mga kasabayan kong iba, sumusweldo na. Ako, ito nganga. Aral aral pa rin. Kaya hindi ko pa rin makumple-kumpleto ang mga album ng FTISLAND! Madali na lang kasi bumili kapag may pera ka e. Kaso sa ngayon, wala akong pera. Ibibili ko kasi ang sarili ko ng cellphone. Ano ba naman yan, priorities! Pero wala, malakas hatak ng LG G4 Stylus. Haha. Pero kung may pera ako edi sana LG G4 na talaga ang binili ko T.T

Anyway, sa mga hindi nangongolekta ng albums jan, simulan niyo na mangolekta :) promise fulfilling. Sobra. As in nakakatuwang makita na hindi na kasya ang mga albums sa lalagyan nila. Saka isa pa, you support your favorite artist!

Sa tabi-tabi ko lang nabili yang mga album ko na yan. Hahajk. De, sa KpopMart ako nabili kapag Korean release kasi may free poster. Sa YesAsia naman kapag Japanese. Kapag naman rare albums (like Beautiful Hits for Asia 1 at Cheerful Sensibility), sa mga nakikita ko lang na nagbebenta sa FB. Yung iba naman, sa eBay.

Dahil sa pagbili ko ng mga album e naging online shoppaholic ako. Paano ba naman, may Paypal account na ako, so kung ano ang makita ko, binibili ko agad basta kaya ng pera ko sa card. Haha. (Recently binili (para madownload) ko yung mga kanta ng PBB 737 teen housemates, sana pinirata ko na lang T.T)

At ito nga pala ang koleksyon ko:

(Yung nasa multimedia, top to bottom)
1. Flower Rock*
2. Soyogi (w/ WonBin photocard)
3. Five Treasure Island* (Taiwan ver)
4. Colorful Sensibility (Taiwan ver)
5. Thanks To
6. Beautiful Hits for Asia 1
7. I Will (w/ Minhwan photocard)
8. Double Date (Taiwan ver)
9. Grown Up (PH ver)
10. Colorful Sensibility Part II (signed by all members)
11. Take FTISLAND Concert DVD
12. Return (PH ver)
13. Beautiful Journey (PH ver) (with Minhwan photocard)
14. New Page*
15. Memory in FTISLAND (PH ver)
16. The Mood* (Taiwan ver)
17. Cross & Change
18. Play! FTISLAND Concert DVD
19. Five Treasure Box
20. Japan Best All About
21. Cheerful Sensibility (signed by all members)
22. I Will Repackaged (w/ Seunghyun x Jonghun photocard)

Yung may *, special/limited edition yun pero di ko na alam kung A or B. Haha.

(Posters)
23. Thanks To
24. Japan Best All About
25. I Will
26. I Will Repackaged

(Hindi kasama sa photo)
27. High Cut - FNC cover
28. Star1 - FTISLAND cover
29. Modern Farmer OST

Primadonna is ze name. FTISLAND is ze gameKde žijí příběhy. Začni objevovat