Chapter 45 (Accident)

Start from the beginning
                                    

"Blue-"

"Wait, hear me out first. I want you to know that I can't do such things to you. I can't flirt with other girls.. I won't! and that's a promise. And I know that you know how much I love you! And I can't afford to break your heart! Just trust me princess!" masuyo nitong sabi sabay halik saaking kamay.

"I trust you, don't doubt about it! And I love you too, that's why I acted that way." Mahina kong sabi. 

"Princess listen, para sa ikakapanatag mo I want you to know na you don't have any reason to be jealous. You're the only one my eyes can see, my mind shouts and my heart beats for!" sincere nitong sabi sabay yakap saakin ng mahigpit. Nakagat ko ang aking labi sa sobrang pag pipigil kong maiyak. Bahala na bukas, alam kong magiging maayos din ang lahat. Sana...





Wednesday, katatapos lang ng first subject ko. Palabas na ako ng room ng Makita  ko si Blue na naghihintay saakin sa may corridor. Dahan dahan ang lumakad palapit kay Blue, at ng malapit na ako sakanya ay pinilit kong ngumiti.

" Hi.." mahina kong bati.

"Are you okay?"kunot noon nitong tanong.

"Y-yes" matamlay kong sabi sabay hawak sa braso nya at iginaya ko sya paalis doon, pero tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako sakanya.

"You're pale...how are you feeling?" worried na tonong ni Blue.

"I'm fine Blue, there's nothing to worry!" pangungumbinsi ko sakanya.

"But-"

"I need to go Blue! I'm already late " at bago pa sya makapagsalita ay pumasok na ako sa room ng next subject ko para na rin takasan ang mga katanungan ni Blue.


Breaktime na at sinalubong ako ni Thea na kasama ang boyfriend niya na si Andrew. Wala pa si Blue, baka nag extend pa ng time prof nya kaya hindi pa sya makalabas ng klase. While si Monique at Carlene  ay kasama naman sila Reid. Dumiretso kami ng Cafe para doon hintayin si Blue, mayamaya lang ay dumating na si Blue. Tumabi ito sa kinauupuan ko at nakipagkwentuhan kina Thea. Hindi na rin ako nakasali sa kwentuhan ng mga ito, dahil bigla ako nakaramdam ng hilo. Automatic akong napasandal sa balikat ni Blue at pumikit na ikinagulat nila.

"Crimson-" nag aalala na sabi ni Thea

"I'm fine Thea, don't worry" nanghihina kong sabi.

"No you're not fine! You look pale! Parang papel na ang mukha mo!" nag aalalang sabi nito sabay alalay saakin.

"Nahihilo lang ako, mayamaya lang ay mawawala rin ito kaya wag na kayong mag alala!" nangungumbinsi kong sabi at para maniwala sila ay umayos ako ng upo ay nagmulat ng mata.

"Crimson, what happened to your left arm?" nagtatakang tanong ni Andrew.

" A-alin?" taka kong tanong pero bago ko pa makita ay tiningnan na ni Blue.

"Saan nanggaling ang pasang ito Crimson?!" mariing tanong ni Blue. Ngayon nalang ulit ako nito tinawag saaking nickname dahil simula ng maging kami ay angel, princess o di kaya love ang tinatawag nito saakin.

"Uhmmn.. wala lang yan, baka nasangga lang mula sa kung saan"

" I won't buy your alibi Crimson!" seryosong tanong nito, madilim ang mukhang nakatingin saakin.

" I'm sorry, the truth is... I fell from the stairs!" mabilis kong sabi.

"WHAT?!" sabay sabay na sabi ng mga ito. Napailing lang ako sa reaksyon ng mga ito!

"Nahulog ako sa hagdan nung Friday. Nasabit kasi yung heels ng stiletto ko sa carpet ng hagdan namin, and then ayun namalayan ko nalang na gumugulong na ako pa baba. And then everything went black! Nagising na lang akong nasa hospital na" tuloy tuloy kong sabi na sinabayan ko ng mahinang tawa.

"And you never told me about it?!" madilim na anyong sabi ni Blue.

"I asked my parents not to tell anyone about it, Because I know all of you will freak out!" bulong ko.

"I'm your boyfriend! I have the right to know!"galit na sabi nito.

"And I'm your best friend Cc, In case you're forgetting! Best friends are not supposed to keep secrets!" nakasimangot na sabi nito halata sa mukha ang pag aalala.

"I know.. I'm sorry..." sabi ko sabay tingin kay Blue at Thea.

"So hindi totoo na nag out of the country ka nung Saturday?" singit ni Andrew.

"Nope. I was at the hospital for four days and that's why I was absent for two days."

"Four days?!" nabibiglang sabi ni Thea

"Althea don't over react! It's only four days and not a week! Gusto kasi ni Dad makasiguro na walang masamang epekto saakin ang pagkakahulog ko ng hagdan!"

"Translation please!" naguguluhang sabi ni Thea. Napatingin ako kay Blue na nakatingin lang din saakin at blangko ang mukha. Siguro ay pinipIgilan nito ang galit.

"M-my head hit the floor, so my dad wants me to undergo CT Scan and so on and so forth.." napakagat ako ng labi ng makita ko ang reaksyon ni Blue.

"I can't believe this! My girlfriend was in the hospital for several days but I didn't even know it!" nailing na sabi nito. Halata ang disappointment sa mukha. "And you don't even have a plan to tell us about it? Kung hindi pa napansin ni Andrew!" nag aakusang sabi nito.

"Please Blue, I'm not really feeling well right now, maybe it's because of the side effect of the medicines that I'm taking. Let's talk about it some other time. Will you be a gentleman and take me home?" naglalambing kong sabi. Alam ko kasing iyon ang kahinaan ni Blue, ang paglalambing ko. Dahil kadalasan ay ito ang naglalambing.

His face softens.

"I'm sorry love... I didn't mean to be an ass! Let's go..." malambing nitong sabi atinalalayan akong makatayo. Kinuha nito ang mga gamit ko at sya na rin angnagbitbit. " Thea, Andrew mauna na kami" tumingin nalang ako kay Thea at Andrew bilang pamamaalam. Nakakaintinding tumango ang mga ito. Nag uumpisa na ako makaramdam ng takot. Takot dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod, pero umaasa ako na malagpasan namin ang lahat ng ito. Ang mahalagaay magkasama kami ni Blue    

Crimson and Blue Where stories live. Discover now