Why do they write RANTS?

75 2 11
                                        

This is for you dahil nakita kong naiinis ka sa mga nag-rarant! Hahaha

Nauuso ata ang mga RANTS dito sa wattpad? Marami akong theories kung bakit nauso yaaaan! Hahaha

Bakit nga ba may "rants" na sinusulat? Pwedeng for the "good" and of course, for the "bad". Parang mali ata yun, ungrammatical.

Anyway, nagsusulat ang tao because of many reasons. Nagsusulat sila due to boredom. Kaya ko nga sinulat to dahil sa BOREDOM! May iniisip akong iba habang tinatype ko ang BOREDOM! hahahaha

Kung anu-ano iniisip ko. I apologize for that, and with that let's proceed-- err I'll proceed with the reasons and my CRITICISM to people who have written some RANTS.

Why do people write rants? Kung alam nilang makakatulong? Kung alam nilang makakasakit? Kung alam nilang wala lang, kasi wala silang magawa sa buhay nila kagaya ko na nagsusulat nito.

1. Pwedeng dahil gusto nilang mag-improve pa yung writer PERO pwede ring may HIDDEN AGENDA lang talaga sila kaya nila ginawa yun. You, people should always look deeper. Deeper in a way na hindi lang puro positive side ang hanap mo. You must know if there are ANY reasons behind their criticism. Magulo ba? Magulo talaga isip ko pag ganyan eh.

You must always remember, or yeah remember if may nagawa kang hindi maganda towards them. May nasabing mali kaya ganyan nalang sila mag-criticize sa gawa mo. Hindi mo sila napansin. Hindi mo nabigyan ng dedication.

(Sinasabi ko lang 'to pampagaan ng loob. Masyado bang straight forward? Kailangan. Kung ako ang isa sa writer na na-criticize, yan nalang ang iisipiin ko para hindi masyado magdamdam kung sobrang tactless yung nag-criticize sa gawa ko.)

2. Sobrang marami nalang talagang nabasa yung nag-criticize sayo. Nabasa na niya yung Harry Potter series, Twilight (ugh!) series, John Grisham novels, Dan Brown's (I salute you!), Nicholas Sparks, Nancy Drews (hindi ko pa yan nabasa kahit na ganito na ang age ko. -_- ), Percy Jackson's, E.L James, at marami pang iba. O siya, pati sina Martha Cecilia, Amanda, Camilla at Bob Ong nabasa na rin niya ang books nila. Kaya kung hindi mo pa naman nabasa ang kalahati sa gawa nila tapos nagsulat ka na edi wag ka nalang umangal. Mas marami na silang nabasa sayo eh. O wag kang mag-isip ng kung ano agad, kasi kung baga MAS MARAMI NA SILANG EXPERIENCES SAYO. Dahil, kung ikaw eh na-inspire ng mga writer dito sa WATTPAD kaya ka nagsulat eh di okay! Hahaha Joke lang, eto naman. Kung na-inspire ka man nila edi mas lalo mong pagbutihin at basahin mo narin yung mga gawa nung mga nasabi ko kasi I will super duper say na gagaling ka ng bongga!

3. Kayo namang mga nag-criticize, osige na nga. The term is kinda off so let's put it to rants. Hahaha arti! Anyway, wag naman kayong super tactless when it comes to writing rants with these people. Its hard writing story. Kayo, of all people must know that. Sana marami na nga kayong nabasa to do those things. Ako kasi, isa lang talaga ang minamahal at nabasa kong english book. Hahahaha Pasensya naman, kung hindi talaga interesting eh hindi ko binabasa. -_- Enough of me, dahil hindi nga naman kasi ako ang topic dito. Going back, sana marami na nga kayong nabasa na books to post your rants. Kasi, you must know how the first novel of someone looks like. Naalala mo ba ang unang librong sinulat ng favorite mong writer outside and inside wattpad?

Now, let's compare that story to those stories that you've been assessing(?). Magaling ba? Wala bang loop holes? Naiyak ka ba? Na-recommend mo ba sa isang reader ni HP? Yung mga ganung level. Kasi kung hindi, eh hinaan mo naman ng kaunti yung pag-assess mo. Nakakasakit ka na kasi. At, sana ikaw nalang yung mag-revise ng ginagawa nila. Just Kidding. Tulungan mo sila, message them in a proper and educated manner. Hindi yung, magugulat nalang sila na may rants ang stories nila. Surely, you know what to do di ba? Kaya ka nga nakagawa ng rants eh. Getching?

Just wanted to say na.

Mahirap mag-sulat. Kaya hinay-hinay lang sa pag-assess sa kanila.

Mahirap magbasa. Hindi porke, hindi mo sinabing basahin niya ang stories mo, eh ganyan na ang trato mo sa kanya. (Natamaan ako.)

Pare-pareho lang kayong wattpader eh. Nagtatalo pa kayo. You must know when to be passive.

And at the end, I didn't know if I made sense.

When I write things like this, I tend to be off the topic I'm writing. Such a loser.

Random RantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon