"Eh anong kinalaman nang kwentong barbero mo sa mga nangyayari sa amin ngayon?" Sarkastiko kong tanong.

 

"Its our history. Hindi lang eto basta-bastang kwentong barbero Flame." Tapos tiningnan niya ako with a disappointed expression.

 

"Fine! Go ahead, continue." Kahit hindi ko masyadong magetz ang essence ng kwento nya related sa nangyayari sa amin ngayon, pinagpatuloy ko nalang siya sa pagkwento.

 

"Since then, nagalit ang mga Diyos kay Rowa dahil sa binigo niya ang mga eto kaya gumawa ulit sila ng isang nilalang na makakatapat ni Rowa sa kapangyarihang taglay nito, yun si Dalmaa."

 

"Wait lang Curse, so ibig sabihin gumawa ulit sila ng tulad ni Rowa. Bakit hindi nalang sila bumaba sa lupa?" Pag-interupt ni Ice. Nagpapay attention pala talaga siya sa story ni Curse.

Tiningnan ko siya at tumingin sa katabi niyang tulog. Psh. Happy ba pangalan neto? Siya na nga yung walang ginawa sa amin kundi magtago sa likod namin ni Curse kanina, siya pa yung tulog ngayon.

 

"Oo Ice, gumawa sila ng kasing tulad ni Rowa. Isa ring makapangyarihang mensahero. Dahil nga sa halos maubos na ang mga naniniwala sa kanila, hindi na nila kayang bumaba pa ng lupa. Ang mga diyos na tulad nila ay nabubuhay lang dahil sa paniniwala ng mga tao, pero kapag nawala yung paniniwalang yun, ganun din ang mga buhay nila kaya ganun sila kadesperado upang buhayin ang paniniwala ng mga tao sa kanila."

 

"So what's next?" Tanong ko. Gusto ko ng matapos ang kwentong eto at maliwanagan sa mga nangyayari.

 

"Pagkagawa nila kay Dalmaa ay ipinadala nila kaagad eto sa lupa at inutusan nilang paslangin neto si Rowa. Bukod sa kapangyarihang nananalaytay kay Dalmaa, nagtataglay din siya ng galit  dahil sa bunga rin siya ng galit ng mga Greek Gods kay Rowa kaya naman pagdating niya sa lupa, ginawa niya ang lahat para lang hanapin si Rowa. Halos sirain niya ang lahat ng mga makikita niya para lang lumabas si Rowa at hindi nga siya nabigo dahil hinarap siya nito. Naglaban ang dalawang makapangyarihang mensahero sa templo ng mga Greek Gods ng mahigit isang linggo. Dahil sa tagal ng labanan nila, halos masira ang buong mundo sa kanilang mga lakas. Hindi inaasahan ng mga Diyos na ganun ang mangyayari kaya naisip nila na kesa masira ng tuluyan ang buong mundo dahil sa dalawang naglalaban, wasakin nalang nila ang dalawang eto. Buong lakas na tinitipon ng mga Diyos ang kanilang kapangyarihan habang buong lakas ding iniipon ng dalawang mensahero ang natitira nilang lakas upang wasakin ang isa't-isa. Sa kasamaang palad, sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang kapangyarihan at nagtagpo-tagpo ang mga eto at nagkaroon ng isang malaking pagsabog na gumawa ng isang malaking butas sa Earth na halos makita na ang pinakacore neto."

Tumigil muna siya sa pagpapaliwanag at huminga ng malalim.

 

"Namatay ang dalawang mensahero dahil sa nangyari at akala ng mga diyos ay tapos na ang lahat nang biglang may lumitaw sa ilalim ng lupa. Isang madilim na anyo ngunit namamayagpag ang kaniyang mga matang mapupula, yun si Dalmãa Rowã, ang Chaos Bender. Nabuo siya dahil sa kapangyarihan ni Dalmaa at ni Rowa."

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now