Chapter Twenty Three

7.6K 192 9
                                    

(Dedicated para kay @ann03luvbooks thank you so much for the message, ^^)

---

-Wise-

Maghapon akong nagkulong sa kwarto na inilaan ni Drin para sa akin. Ayaw ko kasing humarap kay Drin ngayon. Nakakainis lang kasi eh. Nag mo move on na nga yung tao, lapit naman ng lapit!

Nagmumuni muni lang ako dito ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako para pagbuksan iyon. Nakita ko si Nana Soledad. Agad na ngumiti sa akin ang matanda ng makita niya ako.

"Hija, handa na ang hapunan. Bumaba ka na para makakain ka na" nakangiting turan sa akin ni nana Soledad. Tipid naman na ningitian ko si Nana Soledad.

"Sige po, susunod na lang po ako sa baba" marahan itong tumango bago tumalikod at naglakad palayo. Hindi nag tagal ay sumunod ako dito pababa. Naabutan ko si Drin sa komedor na prenteng nakaupo. Ng makita ako nito ay ningisihan ako ng loko. Inirapan ko lang naman ito.

Hindi muna ako makikipag talo dito dahil nasa hapag kainan kami.

Tahimik lang kami habang kumakain. Pero ramdam ko ang kakaibang tingin na ipinupukol sa akin ni Drin. Pag titingin ako dito ay nakangisi ito na parang may binabalak na kung ano.

Pagkatapos naming kumain ay nag boluntaryo akong mag hugas ng pinggan. Nong una ayaw pumayag ni nana Soledad pero ng huli na ay pumayag rin lang ito.

Sinimulan ko ng hugasan yung pinagkainan namin ni Drin. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Drin na nakasandal sa may counter at nakatingin sa akin. Pinabayaan ko na lang ito at binalik ang atensiyon sa hinuhugasan ko.

Narinig ko ulit ang mga yabag nito pero hindi ko na ito nilingon pang muli. Napapitlag na lang ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Nanigas yung katawan ko.

"D-Drin..." sambit ko sa pangalan nito. Nataranta ako ng ibaon nito ang mukha nito sa leeg ko at naramdaman ko ang pag singhot nito doon! Nag simula na namang mag regondon ang tibok ng puso ko. Parang may karera ng kabayo ang nagaganap doon.

"H-hoy bakit ka yumayakap sa akin!" siniko siko ko ito pero hindi ito nag patinag. Hindi ko naman ito magawang itulak dahil may sabon ang kamay ko at may hawak akong trapo at pinggan.

"Drin!" sigaw ko dito ng hindi pa rin ito umaalis mula sa pagkakayakap sa akin.

"Hmmm" pero ang lintek umungol lang at hindi pa rin umaalis mula sa pagkakayakap sa akin.

"Drin pwede bang tumabi ka muna?!" saway ko dito.

"Ayaw" parang bata naman na maktol nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"Drin, wag ka nga munang manggulo nag huhugas ako ng pinggan eh! doon ka muna!" pag tataboy ko dito.

"Pwede ka namang mag hugas ng pinggan habang nakayakap ako sayo ah" pag rarason naman nito.

Pwede nga pero hindi ako maka concentrate lintek ka!

Nakipag talo pa ako dito pero in the end ito ang nanalo. Ipinag patuloy ko na lang yung hinuhugasan ko para matapos na ako at makalayo na dito.

Patapos na akong mag hugas ng mag salita ulit ito.

"I love your smell..." wika nito. Natigilan ako saglit sa sinabi nito. This is the very first time that Drin gave me a compliment.

"You smell good, and I'm beginning to get addicted to it" sabi nito na parang pina husky pa nito ang boses nito. Parang nag sitayuan naman yung balahibo ko sa may leeg ko dahil sa sinabi nito.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon