Chapter Six

6.4K 134 6
                                    

(Dedicated kay @iheartyouG143^^) 

---

-Wise-

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa mga taong labas pasok sa coffee shop na iyon. Nag hahanap siya ng pwede niyang gawing subject pero wala siyang mahanap. Nag hahanap din siya ng balita pero wala namang interesanteng nangyayari ngayon sa bayan ng Real State. Walang aksidente, walang patayan siyang narinig ng araw na iyon.

Napabuntong hininga ako bago ko ininom yung kape ko ng hindi nag iisip.

"Aww aww aww—sh.t!" ilang beses akong nagpakawala ng malulutong na mura habang nakalabas yung dila ko! Sino ba ang hindi mapapamura kung napaso lang naman yung dila mo? Siguro meron... yun yung mga taong hindi naman marunong mag mura.

"Di ka kasi nag iingat eh" napatingin ako sa baritonong boses na nag salita sa tabi ko. Kahit hindi ko ito tignan ay kilalang kilala ko ito. Agad akong nag paskil ng ngiti sa labi ko bago ko ito binati.

"Hello Boss Drei!" masayang bati ko dito. Ngumiti lang naman ito sa akin bago umupo sa kaharap na upuan ko.

"What are you doing here, boss?" tanong ko. Nag kibit balikat ito bago ito sumimsim sa hawak nitong kape.

"Wala, nag hahanap ng balita" simpleng sabi nito.

"Bakit ka pa naghahanap eh ikaw naman yung boss namin?" tanong ko. Di ko naman na kailangang tanungin iyan dahil memoryadong memoryado ko na yung sagot nito. But I can't help myself to ask him over and over again. Natutuwa kasi ako sa sagot nito

"Because I'm bored" oh, ang gandang sagot diba?

"And besides, it's because that I am the boss it doesn't mean that I don't need to work my butt on the field anymore" sumandal ito sa upuan nito bago tumingin sa paligid.

"It's my profession and I'm just doing what I need to do" napangiti ako sa sagot nito. Ito yung pinaka gusto ko kay Drei. Hindi ibig sabihin na 'boss' namin siya at siya ang may ari ng agency na pinag ta-trabahuan namin ay pa relax relax na lang ito. Pero nakakainis minsan kasi kung ano yung pinaka malaking balita—siya ang madalas ang makakuha. Tulad na lang kung may giyera sa Mindanao, mga bomb threat, kidnapping case at iba pa... pero hindi naman ito ganun ka selfish at binibigay naman niya yung assignment na iyon sa ibang deserving at kayang kaya talagang gawin yung assignment.

"Boss, wala akong mahanap na balita sa Real State. I'm thinking na mag out of town baka may mahanap ako" pahayag ko dito. Nag kibit ito ng balikat

"You don't need to inform me. Ang trabaho mo ay maghanap ng balita at kung may mahanap kang balita sa ibang lugar, ede mabuti." Simpleng sagot nito. Napailing na lang ako.

"But, may i-o-offer ako sayo na tiyak na hindi mo matatanggihan" nakangising sabi nito.Hindi ko maiwasang kabahan sa ngising iyon ni Drei. I know that smirk very well at ilang beses na akong napahamak sa ngisi na iyan.

Tulad na lang non na pinadala niya ako sa Barangay Kapayapaan, hindi ko alam na may nagaganap na palang madugong labanan laban sa mga pulis at sa ilang drug syndicate doon na may hostage na isang high profile person. Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng mga putukan, meron pang mga granada. Dumating ang SWAT team at doon humupa ang laban sa pagitan ng mga pulis at drug syndicate.

Wala akong pake kung boss ko ito at talagang sumugod ako sa opisina nito noon pero tinawanan niya lang ako. Sabi nito na bored daw ako kaya binigyan niya ng thrill ang buhay ko.

On the other hand nakatulong iyon sa pagiging journalist ko dahil di ko aakalain na hahanap hanapin ko yung ganung thrill. Malaking balita iyon, choosy pa ba ako?

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon