Chapter Four

6.9K 133 4
                                    

(dedicated kay abbhy29 haha kakaumpisa pa lang naiinis ka kay Drin XD)

--

-Drin-

"Why did you do that?" inis na tanong ko kay Wise. Matapos nito akong halikan ay tinulak ko ito palayo sa akin at tsaka ko kinaladkad palabas ng bar. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin, kanina pang patay itong si Wise.

"I will ask the same question Drin... why are you flirting with that sl*t?!" galit na tanong nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito pero wala akong paki alam. Tinignan ko lang ito.

"It's none of your business" madiing sabi ko na ikinatigil nito. Halatang nagulat ito sa sinabi ko at tsaka napayuko.

"I'm just having fun and you ruined it! You act like a jealous girlfriend when in fact you are not my girlfriend! pwede ba Wise, hanggang kailan mo ito gagawin?" naiinis na tanong ko.

Mula college ay lagi na itong nakabantay sa akin. Binabakuran niya ako sa mga babae na nilalapitan ko at lumalapit sa akin, na siyang ikinaiinis ko! Pati mga panliligaw ko sa mga babae ay pinipigilan nito!

"I just cared about you Drin, ginagamit ka lang ng mga babaeng iyon!"

"And how the hell did you know huh?!" hindi ito nakasagot sa tanong ko.

"Look Wise, can you please mind your own business?! Stop pestering me!" yamot na sabi ko dito bago ko ito tinalikuran. Iniwan ko na ito doon at pumasok na sa loob.

Wise didn't give up on me. Hindi ata uso sa kanya ang salitang 'sumuko'. Kahit ilang beses ko siyang binusted ay hindi ito sumuko. Patuloy pa rin ito sa panliligaw sa akin.

"Oh, bat nakasimangot ka?" agad na tanong sa akin ni Gavin ng pumasok ulit ako sa VIP room. Pabagsak na umupo ako sa couch at kumuha ng maiinom doon bago ko iyon inisang lagok.

"Bad trip kasi eh! nandito na naman si Wise!" iritang pag imporma ko sa magkakapatid. Narinig ko ang pag tawa nila Gerone at Gavin habang napapa iling na lang si Grin.

"So binabakuran ka na naman ng girlfriend mo?" nang aasar na tanong ni Gerone. Agad ko itong sinamaan ng tingin

"How many times do I have to tell you that Wise is not my freaking girlfriend?!" yamot na sabi ko dito. Since college, sinasabi na ng mga ito na girlfriend ko si Wise! Pati parents namin ay iyon ang iniisip and every time that I'm going to deny her, walang naniniwala sa akin!

Aasarin lang nila ako ng 'pakipot' at 'in denial'

"Sus, bakit kasi di mo pa sagutin? Aba ilang taon na siyang nanliligaw sayo ah!" sabi ni Gerone

"I agree, ilang taon na bang nanliligaw sayo si Wise?" tanong naman ni Gavin

"Well four years na tayong graduate plus yung one year na panliligaw niya sayo sa University so I think five years already" sagot naman ni Grin

"Woah five years na dude! Di mo pa ba sasagutin?" nakakalokong tanong ni Gerone

"I don't care kung umabot pa sa dekada ang panliligaw niya sa akin! In the first place, pumayag ba akong magpaligaw?" nagsihagalpakan ang mga ito.

"Hahah grabe Drin! Bilib din kami sayo!"

"Daig mo pa ang babaeng pakipot!"

Nailing na lang ako sa sinabi nila

"Bakit ko ba kasi siya sasagutin? Mahal ko ba siya?" natigilan ang mga ito sa tanong ko. Pagkuwan ay nagkaroon ng mahabang katahimikan

"Well, what do you think?" basag ni Grin sa katahimikan

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon