Chapter Ten

6.6K 159 14
                                    

(dedicated para kay@RosalindaPalad ^^)

---

-Drin-

Kumunot ang noo ko ng hanggang ngayon hindi pa din bumabalik si Cherry. Tumingin ako sa relong pambisig ko.

Damn it what taking her so long? Nag paalam lang naman sila na mag re-retouch lang saglit sa restroom ah, then bakit ang tagal nila?

Geez girls will always be girls! Mapuntahan na nga!

Tumayo na ako at tinungo ang papuntang restroom. Kakatok na sana ako ng makarinig ako ng mga sigawan na parang mga nag tatalo. Nilapit ko pa yung tenga ko sa pintuan para mas klaro yung maririnig ko. Nobosesan ko yung dalawang babaeng nag sisigawan. Yung isa boses ni Cherry and yung isa boses ni Wise. Kumunot ang noo ko

Boses ni Wise?Teka nandito siya? Ano namang ginagawa niya dito? Fxck don't tell me...

"I'm warning you Cherry... if you love your job and your parents company, leave Adrin Lee alone! At sa pagkaka alam ko, major shareholder lang naman ang kuya ko sa kompanya niyo... ano kung sabihin ko kay kuya na i-pull out ni kuya ang shares niya sa kompanya niyo? I'm sure na mag papanic pa ang iba niyong investors... hindi din naman lingid sa kaalama ko kung bakit kayo may mga investors eh... kasi nandun si kuya! My brother saved your company from bankruptcy! At sa isang salita ko lang kay kuya, ma ba-bankrupt ang kompanya niyo—na naman"

Nagsalubong yung dalawa kong kilay. Wait. Is she threatening Cherry to stay away from me? Fxck anon a naman bang ginagawa ni Wise?! Ganito na lang ba siya ka desperada?!

"Y-you b*tch!"

Rinig kong sagot ni Cherry. Halata ko sa boses nito na nanggigil na ito.

"I hope I made myself clear to you Cherry... leave Adrin Lee alone!"

Parang nagpanting yung dalawa kong tenga sa narinig ko. Pinapalayo niya si Cherry sa akin! anong karapatan niyang gawin iyon?! She's not even my girlfriend or kaibigan man lang!

Pinihit ko na pabukas yung pinto—or yun ba ang tamang term dahil padabog ko iyong binuksan. Lahat sila napatingin sa gawi ng pintuan at nakita nila akong nakatayo doon. Nakita ko kung paano panlakihan ng mga mata si Wise at pamutlaan naman ng mukha si Cherry.

Nagpalipat lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa.

"Wise" banggit ko sa pangalan nito.

"What the hell are you trying to do this time?!" galit na tanong ko sa kanya. Nanggigigil ang mga kamay ko, I want to strangle her beautiful neck right at this moment. Pasalamat siya at malaki ang respeto ko sa mga babae kaya nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko ngayon.

"D-Drin!" nabaling ang atensyon ko kay Cherry.

"K-kanina ka pa diyan?" kinakabahan na tanong nito at hindi ko alam kung para saan ang kaba na iyon.

"Not that long. But I heard what this woman told you" I said then glance at Wise side again. I give her my deadliest glare and I hope she will pray that she didn't exist right at this moment.

"What the hell are you doing Wise?! Ano yung mga pinag sasabi mo kay Cherry?!" nag titimpi na tanong ko sa kanya.

"N-nothing!" agad naman na sagot nito. Mas lalong uminit yung ulo ko sa sinabi nito. Liar!

"Anong nothing?! Don't fool me Wise! I've heard everything and don't you fxcking deny it!" mas nanlaki yung mga mata nito pero this time, parang nagkaroon ng pag asa ang mga iyon.

"R-really? Y-you heard everything?" masayang tanong nito sa akin pero may halo pa rin iyon na kaba. Nag igting ang panga ko.

"Loud and clear" madiing sabi ko.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon