Chapter Seventeen

7.1K 170 19
                                    

(Thank you so much for the comments bago to ah XD... dedicated para kay @Anthony_nathan ^^)

---

-Wise-

It's been a week mula nong naganap yung party. Simula non, todo iwas na ako kay Drin. I'm not yet giving him up, pero makakabuting dumistansya na ako sa kanya. I'm just waiting for him to be happy and then after that aalis na ako. Parang practice na itong ginagawa ko. At sa ginagawa ko, the pain has lessen.

Kasalukuyan akong nag luluto para sa hapunan ko ng may biglang nag doorbell. Agad na kumunot ang noo ko at napatingin sa orasan. It's past eight o'clock in the evening and I am not expecting a visitor, sino ba to? Baka si kuya. Pinatay ko muna yung gas stove bagoko tinungo yung pintuan.

Napasimangot ako habang papunta sa pintuan ng unit ko. Mangungulit na naman ba si kuya Clever? Hindi na ako nag abala pang silipin yung peephole, basta binuksan ko na agad yung pinto.

"Wise" mas lalong kumunot yung noo ko ng hindi ang kuya Clever ko ang nabuksan ko.

"Boss, what are you doing here?" takang tanong ko kay Drei. Mukha itong balisa, naiinis, o galit?

"I need your help Wise" madiing sabi nito. This time, ang dalawa kong kilay naman ang nag salubong.

"Tulong? ANong klaseng tulong?"

"Basta!" pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinignan ko din yung sarili ko.

"Great buti hindi ka pa rin nag papalit" sabi nito. Ito pa rin kasi yung suot ko kanina sa trabaho. Nabigla ako ng hawakan nito yung kamay ko at hilain palabas ng unit ko.

"T-teka Drei! San mo ako dadalhin?"

"Basta! I really need your help right now Wise! Please maki sama ka na lang!" hindi na ako nag salita. I trust Drei. Hindi naman siguro ito gagawa ng ikakapahamak ko.

-Drin-

I received an emergency call from my mom. Pinapauwi kaming magkakapatid sa bahay but I doubt kung pupunta si Drenz. May mahalagang dinner daw na magaganap sa bahay. At hindi ko alam kung anong special doon eh lagi naman kaming may family dinner every Sunday.

"Ma" tawag ko kay mama. Nadatnan ko silang dalawa ni papa na nasa sala. Kumunot yung noo ko ng hindi lang ang parents namin ang nakita ko doon. May tatlo pang tao ang prenteng naka upo sa sala namin.

"Oh great nandito na yung isa pa naming anak" masiglang sabi ni Mama. Lumapit ako sa kanila at nakita ko din doon si Drenz. Nag tatanong ang mga mata na tinignan ko ito pero nagkibit balikat lang ito sabay tingin kay mama.

"Gino and Carrie, this is Adrin Lee, ang pangalawa sa triplets" pagpapakilala ni mama sa akin, sa tingin ko ay mag asawa.

"Oh, tama ka nga mga fraternal twins sila. Magkamukha silang dalawa, at kung hindi lang naiba ang istilo nila ng buhok at pananamit malilito ka sa kanila" namamanghang sabi nong lalaki habang papalit palit ito ng tingin sa aming dalawa ni Drenz.

"You're right. Magkakamukha nga silang tatlo pero magkakaiba naman sila ng mga ugali. Pero sila Drin at Drei ang halos walang pinagkaiba"

"Mabuti hindi kayo nalilito?"

"Sanay na and besides wala ng mas nakakakilala pa sa kanila kung hindi kaming mga magulang nila" teka sino ba sila? Bakit may mag asawa dito?

"Ma, pwede ko bang malaman kong anong nangyayari dito?"

"Oh hindi niyo pa palang alam na dalawa, akala ko nasabi na sa inyo ni Drei?" takang tanong ni mama.

"What? Anong hindi namin alam? And I'm sorry but I don't mean to be rude, pero sino ba sila mama?" takang takang tanong ko.

Out of my LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon