Hello Romantic Paris

Start from the beginning
                                    

Gulat na napatingin ako sa kanya, "Okay ka lang? Hindi ka hinimatay?"

"No. I was a little tired so I closed my eyes for a bit. Guess I must have dozed off," hindi siya nakangiti, pero halata sa mga mata niyang natatawa siya.

"Akala ko..." bigla akong nawalan ng lakas. Nag-alala ako sa isang taong lagi na lang akong pinagtatawanan.

"Hon, I really love the spot I'm in right now but we really have to move. Can you get off me for a while?" ngayon ay bahagya na siyang ngumiti.

Saka ko lang na-realize, nasa ibabaw niya ako, nakaupo ako sa kandungan niya, at nakahawak sa magkabilang balikat niya.

Awkward...

Waring napapasong tipaklong na bigla akong tumalon palayo sa kanya.

"What do you take me for? Your personal comedian? I was worried something happened to you tapos pinaglalaruan mo lang pala ako!" inis na sumbat ko.

"So you care for me after all," bumangon siya at parang natutuwa pang tinitigan ako.

"Hindi! I hate you! Ayoko lang makulong halimbawang namatay ka!" naiyak ako sa sobrang inis. Tumalikod na lang ako at baka pagtawanan pa niya ako lalo. Baka patayin ko na talaga siya kung pagtatawanan pa niya ako.

"Hey, I'm sorry," narinig kong sabi niya.

"Hindi mo lang siguro alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Biglang-bigla, ipapasok ako ng bestfriend ko sa isang sitwasyong kahit sa panaginip ay hindi ko man lang naisip. Tapos, ang sabi niyang ilang minuto lang, ginawa mong ilang araw. Ngayon, nandito ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin kasama ang isang taong hindi ko kilala! Sakaling may mangyaring masama sa akin dito, malalaman ba ng pamilya ko? Paano ko ipaliliwanag sa kanila ang kalokohang ito?" umiiyak na ako na hinarap siya. Bahala na kung matawa siya.

"It's alright, it's alright. Everything will be fine," lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang braso. He gently guided me to the bed at pinaupo sa gilid ng kama. Damn! He's so gentle. Lalo tuloy akong naiyak.

"Natatakot lang ako. Ayoko ng ganitong sitwasyon," sabi ko pa na muling itinago ang mukha sa mga palad ko.

"Don't be scared, I'm here. We're in this together."

"In case you have forgotten mister, you're the one who put me through this. I was supposed to play the role during the wedding, not afterwards," inis na namang bumaling ako sa kanya.

"Yeah! But you know what will happen if you wouldn't play along," paalala niya.

Muli akong napayuko nang maalala ko ang banta ng ina ni Celeste. And speaking of that girl, nasaan na kaya siya? Knowing her, hindi kaya siya mahirapan at magsisi na malayo sa parents niya? Oo, mabait si Harry at may kaya rin naman sa buhay. Pero mas angat pa rin ang pamilya nina Celeste. Sanay siya sa branded na mga gamit, golds, at mga diamonds, maibibigay bang lahat 'yon ni Harry?

Namalayan ko na lang niyakap na ako ni Dominique. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang mga labi niya sa leeg ko.

"Eeek! What did you do?" napasigaw ako na itinulak siya sabay takbo papuntang pintuan. Pinagpag ko pa ang leeg kong hinalikan niya na pakiwari ko'y para bang dinapuan ng ipis.

"Sorry! I got carried away," nakamot ang batok at nakangiti ng alanganin, marahan siyang napatayo, akmang lalapit.

"Huwag kang lalapit sa akin! Perverted!" sigaw ko bago siya iniwanan sa kwarto.

"But it's just a kiss. Didn't you do it with your boyfriend?" pahabol na rason pa niyang nakatayo na sa pinto.

Hindi ako nakasagot. But something in my face must have told him.

"No way! Don't tell me you never had a boyfriend," parang hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo!" inis na tumalikod na ako papuntang kitchen.

"Wait, Hon! I need help here," tawag pa niya.

"Hon mo mukha mo!" pasigaw na sagot ko bago tuluyang pumasok sa kusina.

Mas mabuti pang mag-aayos na lang ako dito sa kusina saan malayo sa kanya. Saka, kung darating ang auntie niya para magluto, kailangang malinis ang kusina para hindi naman nakakahiya.

Ilang saglit pa ang lumipas, pumasok na siya ng kusina.

"Hey," pasimpleng bati niya.

Tinapunan ko lang siya ng sulyap. Tuloy pa rin ako sa ginagawa kong pagpupunas ng alikabok sa mga cupboards.

"I'm really sorry for what I did, kissing you like that. I swear, I'll never do it again," seryosong wika niya.

Napatingin naman akong bigla sa kanya.

"Promise, I won't do it again... unless you ask me to," okay na sana, dinugtungan pa.

"In your dreams! Mr. Yabang!" naaasar na binato ko siya ng hawak kong basahan saka iniwan sa kusina.

"I already brought your things to my room. You can put your stuff in the wardrobe. I already cleared the left side for you," pahabol niyang sabi bago ako tuluyang nakalayo.

Binalikan ko muna ang kwarto ng mommy niya, baka merong nakalimutan. Mabuti at mukhang natangay naman niyang lahat. Hindi ko tuloy ma-imagine kung paano niyang dinala yon, nagpabalik-balik ba siya? Sabagay, kunti lang naman 'yon kung tutuusin.

I know where his room is, pero hindi pa ako nakapasok. Kaya naman sobrang na-amaze ako nang makita ko ang loob ng kwarto niya. Napakaganda talaga, parang sa magazine. Kung sa kwarto ni Celeste ay puro pink, purple, at puti ang nakikita ko, dito naman ay black, gray, at white. Gray ang sahig at ang ibabaw ng mga furnitures, Puti ang dingding, ang isang couch, at ang apat na malalaking unan na nasa malaking kamang may itim na comforter at headboard. Itim din ang katawan ng mga kasangkapan.

Bukas ang sliding glass door papuntang veranda na nang tingnan ko ay kita ang malaking swimming pool sa baba, pati na rin pala ang pinto ng kusina, saan nakatayo si Dominique at kumakaway sa akin.

"Figured you'd look down here," nakangiti pang sabi niya.

Nag-isip na naman ako ng maanghang na maisasagot, ngunit naisip ko, kailangan ko rin namang magpakabait. Siya ang may-ari ng bahay, nakikitira lang ako. Isa pa, siya na ang sumusuweldo sa akin ngayon.

Kaya lang, bakit ba siya pa? Agad na pumasok sa isip ko ang ginawa niya kanina at automatically, tinakpan ko ng kamay ang leeg ko saka mabilis na umalis doon sa veranda. Aayusin ko na lang ang mga gamit ko sa sinasabi niyang wardrobe.

Binuksan ko ang pinto ng inaakala kong banyo at nagulat nang tumambad sa paningin ko ang mistulang department store. Nalula ako sa iba't-ibang mga damit at sapatos na nakahilera doon. Tingin ko ay halos kasinlaki na 'to ng kwarto. Mas malaki pa ito sa inuupahan kong kwarto sa Taguig.

Nagsiksikan ang mga damit niya sa dingding sa kanan. Naisusuot ba niya lahat ng mga ito? Eh mukhang pare-pareho lang naman ang itsura at kulay ng karamihan dito. Ang mga sapatos ay magkakamukha na pwede mo na ngang pagpalitin ang pares, hindi pa rin mahahalata. Ang mga polo shirt, marami ring magkakamukha na feeling ko'y isa na siyang uniform. Ang mga tuxedo na nakahilera ay mga itim lahat at walang ipinagkaiba sa bawat isa. Gano'n din ang mga pantalon.

Ano ba yan? Ganito ba talaga ang mga businessmen?

Pagkatapos ng kalahating oras, naayos ko na lahat ng gamit ko, este, gamit pala ni Celeste sa mga empty racks sa dingding sa kaliwa, kaharap ng mga gamit ni Dominique. Nagmukha tuloy kawawa ang damitan sa dingding na ito. Mangilan-ngilan lang ang laman.

"I think we need to do some shopping later. Can you check what's needed in the kitchen and list it down? We'll go in an hour," si Dominique, nakatayo sa pinto at nakatingin sa akin. Parang kabute talaga ang taong ito, bigla na lang sumusulpot.

"I thought your aunt is coming," paalala ko sa kanya.

"She called, said something came up so she'll come later in the afternoon instead."

Bakit ba parang nawawalan na ako ng tiwala sa taong ito?

"I'll take a bath first while you're in the kitchen. Will that be fine?" aniyang parang nagpapakabait yata ngayon.

"Okay," agad akong tumalima. Sa isip ko, ayoko pa ring mapalapit sa kanya at baka kung ano na naman ang gawin niya.

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now