"Hindi ko kasi maintindihan. Bigla mo kaming hindi kinausap after ng second year college. Yes, magkaiba tayo ng pinapasukan. Pero Miru, sa lahat ng kaibigan natin ikaw lang yung hindi makausap. Hindi ko nga alam ang sinasagot ko tuwing tinatanong ako ng iba."

"Edi sabihin mong hindi mo ako ma-contact! Na busy ako, problema ba 'yun?" Halos kumunot ang noo ko nang masabi ko iyon sa kanya. Napansin ko rin ang kaagad na pag-iba ng timpla sa mukha niya ngayon. Alam kong naiinis na siya at alam ko ring hindi na siya makapagtimpi. Nagtatanong lang ang ibang iyon para may masagap na balita. Hindi sila concerned sa akin dahil ang ibang iyon ay hindi ko naman talaga kaibigan, Gelene.

"Yun na nga mismo!" Pasigaw na sabi nito. "Yun na nga mismo ang problema Miru. Hindi mo kami kinakausap. Sa anong dahilan? May nagawa ba kami? dahil ba may mga bago kang kaibigan? O dahil pa rin ba sa amin ni Derek? You're acting like a kid, Miru!"

"Say what? Gelene, kailangan ko bang makipagkita at makipag-usap sa inyo araw-araw? Busy rin naman ako katulad niyo. And for fcking out loud! Dalawang oras na nga lang ang itinutulog ko sa araw-araw! Kulang pa nga iyon sa sarili ko. Usually tumatawag pa ako sa parents ko pero ngayon nga ay hindi ko magawa! Bakit? Kasi sa mga 'yan pa lang" turo ko sa mga librong nagkalat "Ubos na yung oras ko. Nakita mo ba yung mga kasama ko kanina? Groupmates ko sila. At kaya sila papunta dito kanina ay para gawin ang isang groupwork. So bukas, aaralin ko pa iyon kasi wala akong nacontribute at baka ako pa ang matawag para i-explain 'yun."

"Miru hindi naman ganun ang ibig kong sabihin." Halata sa kanyang pinipigilan na niyang maiyak. Kilalang-kilala ko siya. Madaling umiyak si Gelene. Ako pa nga lagi ang nang-aaway sa lahat ng nagpapaiyak sa kanya noon. "Hindi naman 'yon, e. Kahit kumusta lang naman. Yun lang naman ang hinihingi namin. Kahit nga seen lang sa mga chat namin sa'yo. Sa parents at sa mga kapatid mo pa ako nagtatanong kung kumusta ka na. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yun? Para kasing itinatapon mo 'yung ilang taon nating pinagsamahan. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'yo. Parang iba ka na, e. Kung dahil pa rin ito sa amin ni Derek, ang babaw mo na." Kinuha na niya kaagad ang bag nito at mabilis na lumabas sa unit ko.

"Miru." Literal na napalunok ako ng laway ko nang tawagin niya ako. Nakalimutan kong kasama nga pala siya ni Gelene "Galit ka ba talaga kay Gelene?" Seryosong tanong sa akin ni Derek. "Alam kong hindi dahil sa amin 'yun. Alam kong hindi ka ganun kababaw." Yumuko ako at ikinuyom ang mga palad ko.

"Kasi ayoko na." Naninikip na ang dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. "Miss na miss ko na siya. Sa totoo lang gustong-gusto ko siyang yakapin. Pero Derek, ang hirap lang kasi. Pinilit ko naman, e. Pinilit ko naman tanggapin yung relasyon niyo. Siguro mas okay talaga kung sinabi niyo sa akin, e. Para hindi ako mukhang tanga. Kasi hiyang-hiya na ako. Hiyang-hiya ako sa sarili ko."

"Yun pa rin ba?" Parang nagulat pa nitong tanong. "For fcking out loud Miru!"

"Hindi lang din naman kasi yun! Derek, I love her, i miss her pero sawa na rin akong ikumpara sa kanya. Knowing that I will always be behind her is the worse feeling ever! Knowing that people look at me as a failed replica of her, knowing that she is better than me in every way really does suck; In looks, in personality in intelligence, in popularity, in singing, in drawing, in friends, in guys, in life! Best friend ko siya pero Derek, na sa kanya na kasi ang lahat, e. Isa lang naman kasi ang hiniling ko, 'diba? Na sana huwag mo siyang ligawan. Kasi best friend ko siya at kasi inamin ko sa'yong gusto kita. At sorry kung ganito ako. Sorry kung ang childish ko pero sana respetuhin mo naman 'yung puso ko. Magpapakita naman ako kung ready ako but please, not now."

"Pero wala namang nangungumpara sa inyong dalawa." Umupo ako at yumuko. "Respect is for someone who deserves it, not for the one who demands it. Quit acting like you're ten, Miru. Grow up. Intindihin mo rin sana kami."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon